“Munting Pangarap ni Esang”


ProloguE
Taong Bukid kung tawagin si Esang ng mga taong napapadpad sa baryo niLa lalo na yung mga galing sa syudad. Siguro dahiL sa pagiging kayumanggi nyang balat.. May kasaratang ilong 😂(slight lang nman),medyo kulot nyang buhok at kainosentehang meron sya..idagdag mo pa ang katotohanang sa BUKID/BUNDOK sya nagkaisip at Lumaki..
Ako nga pala si Esang S. Rasu,12 years oLd at nakatira sa Baryo Maginhawa (kabaliktaran ang buhay namin sa pangaLan ng Baryo namin) mahirap lng kse kame..apat kameng magkakapatid at ako ang panganay.nakatira kaming magkakapatid sa tita namin (kapatid ng mama ko) kase nagtrabaho ang mama ko sa mayniLa dahiL nakipaghiwalay sya sa ama naming irresponsable.. Panay na nga paglalasing ang ginagawa,nambubugbog pa.
Esang Pov
“Poooo .’ sigaw ko biLang kasagutan sa pagtawag sa akin ng tita Sisa ko.
“Esang..halika dto ..tulungan mo ko at ilalako natin sa kabiLang baryo tong isdang inangkat ko sa mga tiyuhin mo ng magka bigas tau”mahabang sabi nito
“Sge po ” magalang kong sagot
Sanay na ko sa ganitong gawain..paglalako ng isda kasama ang tita ko..Nagbabarter kami ng isda kapalit ang bigas.Sa hirap ng buhay namin lahat natutunan na naming magkakapatid maliban sa bunso kong kapatid dahil pitong taon palang ito at talagang matigas ang uLo panay laro lng ang gusto.
‘Long,alis muna kame ng ate mo bantayan mong mga kapatid mo. Wag mo hahayaang maglakwatsa”sabi ng tita ko sa kapatid kong sumunod sa akin
“Sge po at ingat kayo” sagot neto habang naghahanda papuntang bukid kasama ang tito namin (Asawa ng tita Sisa ko)
Alas 9 palang ng umaga at Sabado.ngayon kaya para di kami magutom sa pagdating ng taghirap ay kailangan ng mga kapatid ko sumama sa bukid para magtanim ng mga halamang ugat tulad ng Kamoteng kahoy ..kamote at Mais habang kami ng tita ko kakayod para may bigas makain sa maghapon at sa mga susunod pang araw. Siguro sana kung nagkaroon kame ng amang responsable baka di ganito ang buhay naming isang kahig isang tuka..
NatigiL ang pagmumuni muni ko ng narinig kong may sumisigaw..
“Esang pango’ ano yang tinda nyo? “tanong ng isang batang kinaiinisan ko
“Isda’ nakita mong nakalagay sa Banyera db? “pagtataray ko dito
“Hehehe” ang sungit naman po ng Pamangkin mo Ante Sisa”sabi nito sa tita ko habang nakangisi
Siya nga pala si Moymoy..nakatira sya sa kabilang bario at madalas kumukuha sa amin ng nilalako naming isda ang nanay nya kapalit ng bigas
“teka lang at iaaLok ko kay Inay” sabi pa neto .
Kaya mejo natuwa nman ako para mabilis kameng makabalik para may bantay sa bunso kong kapatid kase aalis pa ang iba ko pang kapatid papuntang bukid.
“Sige,ialok mo na din sa mga kapitbahay mo dun para alam na nilang pupunta kame sa inyo at may dala kameng isda”sabi ng tita ko dito
“Sege po ante”sagot neto
Mabilis itong nawala sa paningin namin. Sa totoo lng mabait nman si Moymoy .magkaibigan kame dati kaso iwan ko ba muLa ng matuli sya lagi nya na kong inaasar.
“Tara na”sabi ng tita ko
Nakauwe...


kame ng halos 20kilos na bigas at kalahating sako ng palay.Habang naglalakad kami tahimik lng ako habang nag iisip. Ilang kilo nalng kse ang matitira sa bigas na dala namin kase ibabayad din ng tita ko dun sa tiyuhin kong kinuhaan nya ng isda. Hayyy buhay napakahirap 🙁
Bata parin nman ako at gusto ko ding magLaro kase di pwede kse yung sana obligasyon ng mga maguLang ko napunta na sa akin..Magising ng madaling araw para mag igib ng tubig kse balon lng ang tanging pinagkukunan namin ng maiinuman at pangLigo at natutuyo ang balon tuwing tag init kaya para may ipon na tubig kailangan mag igib ng mdaling araw,maglinis ng bahay at magsaing bago dumating ang mga kapatid ko at tiyuhin ko galing sa laot,maglaba ng mga damit, magbantay ng kapatid kong bunso na subrang gala na kahit kasalanan nya mag isa ay napapalo din ako ksama nya.tumulong sa paglalako ng isdang huli ng tito kiko namin.
Minsan naiisip ko. Malas ba ko kse wala kameng magulang? O mas ok na yung wala akong magulang para mas maging matatag ako pagdating ng araw? Iwan ko di ko din alam.. Siguro sa edad kong ito kaya ganito na ang mga tanong ko kse siguro matured na ko mag isip dahil sa mga napagdaanan kong hirap lalo nat isa lng nman akong bata..naging batang magulang sa mga kapatid ko. Mabait nman ang tito Kiko at Tita Sisa ko..mahal nila kami kase wala silang anak kaya kame ang itinuring nilang mga anak ..ako ay 12 yrs old,si Long ay 11 years old (opo,kase 3months palang ako buntis na naman ang mama ko) si Boboy na 9 years old at ang bunsong si Marya na 7 years old. Nag aaral naman kame sa katunayan honor student kameng apat kaya siguro kahit subrang hirap ng buhay ay todo kayod ang mga bumubuhay at tumayong buhay sa amin. At nagpapasalamat ako dahiL dun. Pero syempre minsan di maiwasang nakakabitaw sila ng mga masakit na salita lalo na kapag wala talaga kami ni kusing kaya mainit ang ulo ng tita ko at inaaway ang asawa nya.
“DahiL sa mga batang yan naghirap tayo, naibenta ang mga kabuhayan natin..yung bangkang katuwang sana natin sa buhay edi di sana tau naghihirap ngayon”
“ayan jan kayo magaling..pagpinakain kayo para kayong bulag na pato,ang tatakaw nyo samantalang sa trabaho ang kukupad nyo”
“pasarap sarap sa pagawa ng bata mga magulang nyo tapos iiwan kayo dto sa puder ko”
Iilan lang yan sa mga salitang naririnig ko at Oo masakit.. Subrang sakit pero naiintindihan ko kase natural lang siguro yun kase sila ang nagpalaki sa amin. Saka siguro bugso lng yun ng galit nya kse nga walang pera at sakit nga nman nun sa uLo.
Dito ako ngayon sa harap ng tindahan..tindahan na uutangan ko ng Kape. Napabuntong hininga ako kase alam ko na ang mangyayare pero susubukan ko padin malay mo pautangin parin kame.Di ko pa naibubuka ang bibig ko nang….
Abangan😂
First time ko lng po magsulat ng story..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top