BEGIN AGAIN


⚠️POLOGUE⚠️
Kasalukuyang na’sa barr si Tashiana kasama ang boyfriend nitong si Lance nang magring ang phone nya. “Hello?” kinailangan pa nyang kulubin ang ibabang bahagi ng phome nya para marinig sya ng kapatid sa kabilang linya
“Ate, kailan ka daw ba uuwi sabi ni Mama.” anang nakakabata nitong kapatid sa linya.
“Sinabi ko na, na hindi ako uuwi dyaan! “matigas na pangangatwiran ni Tasya.
“Bakit ba ang Kulit mo ate! Wala na ngang pantustos sa’yo sila mama dyan sa manila dahil nalugi na ang negosyo nila, maganda naman dito sa probinsya ano ba ang ayaw mo! ”
“Sinabi ko na sa iyon na ayaw kong umuwi sa lugar na iyan!” ani Tasya kahit ang totoo ay ayaw nya lang umuwi sa probinsya dahil sa boyfriend nya.
Si Lance ay isang working student at pagiging photographer ang ipangtutustos nya para sa mga gastusin sa Eskwela nya may kaya ang Pamilya nila ngunit nasanay ito na tumayo sa kanyag sariling paa at sapat na ang mga dahilan na iyon upang hindi sya iwan ni Tasya, four years na sila at going stronger parin ang relasyon nila. “Tasya, pano naman ako kung iiwan mo’ko dito? ” ani Lance habang nasa dorm ni Tashiana.
“Love, sandali lang naman iyon isang bwan lamang at babalik din ako dito. ” pakiusap ni Tasya sa kasintahan.
Kakasabi lamang ni Tasya nung nakaraang araw na ayaw nyang umuwi sa probinsya ngunit heto sya ngayon at pasakay na ng bus patungo ng Siargao. “Ate dun ako sa bintana, alam mo naman na ngayon lamang ako naka byahe dito sa manila. ” anang nakakabata nitong kapatid nang sunduin sya nito sa terminal.
“Oo na! Pero mamaya sa susunod ay ako naman hah.. “nanlalaki ang matang saad ni Tasya, hindi pa man sya tumatagal sa byahe ay tila gusto na nyang bumalik sa...


manila hindi rin nag te-text si Lance sa kanya kaya lalo syang nainip sa kinauupuan samantala tulog na tulog naman ang kapatid nyang nasa tabi nya.
“Ano ba kasi ang dahilan at nalugi ang resort? ” nakakunot ang noo ni Tasya nang makasakay sila sa huling bus patungo sa mismong baryo nila.
“Eh El-Niño ngayon sa baryo kaya natuyo yung resort bukod doon ay balak nang bawiin nang mga De Dios ang lupa. ”
“paanong babawiin eh kay lolo yun! “murokolyong ani Tasya.
“Eh hindi ko alam kung ano ang totoo, isa lang ang nasa isip ko ate! ” sabik na wika nang kapatid ni Tasya. “Maganda ka naman at Sexy, kaya’t baliwala sa iyo kung aakitin mo ang huling tiga pag mana ng mga De Dios panigurado na sisiw lang sa iyo yun.. ” nagmamalaking saad ng kapatid nya.
Napangiwi si Tasya kasabay ng pag batok sa kapatid nya. “Siraulo ka!” inis na aniya tsaka bwisit na bumaling sa bintana at tinanaw ang mga dinaraanan nila, medyo blurr na dahil sa malakas na patak ng ulan ngunit mabilis na naagaw ang atensyon nya sa lalakeng nakasakay sa kabayo kitang kita ang perpektong pag kakahulma sa mga muscle nang likod nito at malayang dinadaluyan ng mga patak ng ulan. malinis din ang pagkakatabas sa buhok nito maliban sa mahabang buhok nito sa likuran na naka terintas. “sayang naman bat kasi may pabuntot pa. ” bulong ni tasya, hindi nya natanaw ang mukha nito dahil bumaba iyon sa kabayo, naisip nya rin si Lance kaya’t itinigil nya ang pagmamasid hanggang lumagpas ang Bus.
Gayun pa man ay hindi nawala sa isip nya ang sinabi ng kapatid nya. “Paano nga kaya kung akitin ko na lang ang tagapag mana ng mga De Dios para makabalik ako agad sa manila? ”
ABANGAN NYO PO IYAN ANG SUSUNOD KONG STORY.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top