WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Continuation of Chapter 35


Kate POV:
HINDI ako mapakali ngayon.
Buntis ako at dapat iwasan ko ang ma-stress. Pero shit! Paano ko magagawa ‘yon, kung magkasama silang dalawa?
Ikakasal na kami ni David at magkakaanak na rin.
Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito ako makapag-react.
Mahal ko ang lalaki at nangangamba pa rin sa pwedeng mangyari.
“Sagutin mo naman ang tawag ko.”, kausap ko sa sarili habang tinatawagan ang cellphone ni David.
Nagriring lang ito pero hindi niya sinasagot ang aking tawag.
Wala sa oras, napa-upo ako sa sofa at napabuntong-hininga.
“David naman! Please answer my call.”, bigkas ko ulit.
I dialed his number again.
And for the last time, sumagot ito.
“Sa wakas, sinagot mo rin David! Kumusta? I mean, sino ba kasama mo sa Cebu?”, tanong ko sa kanya.
Gusto kong makasiguro.
Gusto kong marinig mula sa bibig niya ang totoo, kahit na alam kong kasama nito si Katrina.
“I’m sorry, nasa meeting si David eh. And this is Katrina. May ipapasabi ka ba?”, tugon nito dahilan para manigas ako sa pwesto.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na pati cellphone ni David, hawak ng babae.
Ano bang nangyayari?
Ilang oras palang, pero mainit na kaganapan na agad ang bumubungad sa akin.
Tila nabaliktad tuloy ang lahat.
Kung dati, hawak ko ang phone ni David.
Ngayon, siya naman ang may hawak.
“Pakisabi na lang sa kanya, tumawag ang ASAWA NIYA NA BUNTIS.”, madiin na sambit ko.
I’m considering myself as David’s wife kahit hindi pa kami kasal.
Alam ko naman kasi na doon ang patutunguhan ng relasyon namin.
“Sige. Ipaparating ko–“, turan nito at hindi ko na hinayaan na patapusin siya.
Padabog kong nilapag ang...


cellphone sa mesa at hinilot ang sintido.
Gusto kong puntahan si David.
Gusto ko siyang sundan sa Cebu.
But how can I do that if I don’t even know kung saang part siya ng Cebu?
Siguro, hihintayin ko na lamang siya na bumalik.
Sa tingin ko naman, tatawag ‘yon mamayang gabi.
Alam ko kasi na hindi niya ako matitiis na hindi makausap.
Kaya kinalma ko ang sarili at piniling matulog.
Kain, tulog ako sa mga oras na ‘to habang nasa Cebu ang asawa ko.
Panay sulyap ako sa orasan dahil hinihintay ko na gumabi.
6:00pm na, pero hindi pa rin siya tumawag.
7:00pm na, pero wala pa rin talaga.
Sumakto na 8:00pm, pero ni isang tawag mula sa kanya, wala akong natanggap.
Dapat na ba akong kabahan?
Dapat na ba akong magduda?
Ayoko sanang mag-isip ng mali, kaso nababaliw ako dahil hindi pa rin tumatawag si David.
So I decided na ako na mismo ang tumawag sa lalaki.
Exactly 10:00pm nang maisipan ko ito.
Kaakibat ng bawat tunog ng ringtone niya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
Sinagot niya nga ang tawag ko, kaso bigla itong sumigaw na tila may kinakausap siyang babae.
“Tabi na lang tayo sa kama, Katrina. Dito ka na matulog.”, rinig kong saad nito.
Unti-unting dinudurog ang puso ko habang sinasabi niya ‘yon sa dalaga.
Ang sakit, sobra.
Wala ako sa tabi niya.
Pero hindi naman yata tama na iparinig niya pa ito sa akin.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko at hindi ko na siya kinausap pa.
Nasira na ang araw ko.
Sirang-sira na dahil sa kanilang tatlo.
Ang mama niya, si Katrina at siya!
END OF CHAPTER 35
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. easy kate….kaya mo yan

Leave a Reply


top