Strangers To Lovers CHAPTER ONE


CHAPTER ONE
LEAVING
Nagpalinga-linga ako sa paligid, sinisigurado kong wala talaga sa aking nakakakilala. Nang masigurado kong hindi naman ako napapansin ng mga tao, nagpatuloy ako sa paglalakad ko. Hatak-hatak ko ang maleta ko habang naglalakad sa bus terminal.
Huminga ako ng malalim. Im not used to this. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Ni minsan hindi ko pa nasubukang sumakay ng bus o kahit na anong public vehicles.
Hindi ko naman kasi kailangang sumakay sa mga ganitong sasakyan. I am rich. Since pumasok ako sa showbiz may sarili na akong kotse. And I have a driver. Kaya bakit ako mag-aaksaya ng panahon na sumakay sa ganitong mga sasakyan. Hindi ko inisip minsan na sumakay sa mga public vehicles. Maliban kasi sa mausok at mainit, marami ding germs sa mga public vehicles. Tapos, magsisiksikan pa kayo ng mga kasama mo sa sasakyan. It’s so nakakasira ng araw.
Pero, ngayon naisip ko na sana noon ko pa natutunan ang pagsakay sa public vehicles kahit na maraming germs. ‘Di sana hindi ako mukhang nawawala dito. Kawawa naman ako.
Tumingala ako sa itaas. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong gawin ito. Hindi ako sanay sa ganito at nakakatakot ito para sa akin. Pero dahil galit ako sa mundo ngayon, heto at gumagawa ako ng kal*kohan. kal*kohan na hindi ko alam kung saan hahantong. Basta gagawin ko ang gusto ko. Sana lang hindi ko ito pagsisihan sa huli.
“Miss, kung mag-e-emot ka lang dyan, pwede umalis ka na lang dyan. Ang haba pa ng pila, oh” asik sa akin ng lalaking nasa likuran ko.
Naikuyom ko ang mga kamay ko. Ang kapal lang talaga ng mukha nito na pagsalitaan ako. Kung makikilala niya lang ako, baka siya pa ang umalis. Isturbo sa pag-iisip ko.
“Maghintay ka. Nag-iisip pa ako kung saan ako sasakay”
“Aba, kami pa ang paghihintayin mo”
“Huwag kang masyadong high blood. Bibili na nga ako ng ticket,” asik ko sa kanya. Paano ba bumili ng ticket?
Nanulis ang nguso ko at saka ako tumingin sa listahan ng mga pangalan ng pupuntahan. “Sa Albay nga,” ibinigay ko kaagad ang bayad ko saka umalis sa pila.
Nagpalakad-lakad pa ako bus station, hindi ko kasi mahanap ang bus na sasakyan ko. Kunot-noong binabasa ko ang mga karatula sa mga bus. Hindi ko maintindihan kung saan ba ako sasakay. Hindi naman ako makapagtanong. Siguradong dudumugin ako dito kapag may nakakilala sa akin.
Pupunta ako sa Albay. Yun kasi ang una kong nakitang karatula sa bus. Kaya doon ko napag pasyahan na pumunta. Wala pa akong ticket kanina kasi hindi ko alam kung saan bibili at hindi ko maintindihan kung paano ang kalakaran dito. I am a smart woman, pero sa ganitong bagay, parang nab*bo ako. Pero, nang nakabili ako ng ticket, naging proud ako sa sarili ko.
Minsan na akong nakapunta sa Albay at may kaibigan akong nakatira doon. Kaya hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng matutuluyan. Magpapasundo na lang ako sa kanya kapag nandoon na ako sa Albay. Kung sasabihin ko kasi sa kanya ngayon baka magsumbong lang siya kay Calvin.
Ilang minuto ko munang pinagmasdan ang paligid ko. Wala talaga akong maintindihan. Paano ba ito?
Napatingin ako sa kanan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong mga pulis. Mabilis kong inayos ang suot kong hoodie saka nagmamadaling naglakad papunta sa nakita kong bus na papaalis. Nalaman ba ni Calvin na nandito ako? Pero paano?
Umakyat na ako sa bus. Mabilis akong umiwas ng tingin nang makita kong nakatitig sa akin yung driver. Nakayuko akong naglakad papunta sa aking upuan. Di baleng sumakit ang leeg ko, huwag lang akong makilala ng mga tao dito. Nang may makita akong bakanteng upuan, isiniksik ko na kaagad ang dala kong maleta sa may harapan ng upuan ko. Naupo ako sa tabi ng bintana.
Tumingin ako sa labas. Pilit kong tinatanaw ang mga pulis. Nakita kong nagpalinga-linga sila na para bang may hinahanap. Mukhang hinahanap nila ako. Sigurado akong alam na ni Calvin na wala na ako sa condo ko. Pinapahanap na niya ako. Pero bago pa niya ako mahanap, tataguan ko na siya.
Huminga ako ng malalim at saka sumandal sa upuan ko. Paano ba ako napunta dito? Bakit ko ba naisipang gawin ito?
Maybe, I’m just tired…. pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Gusto kong makalaya. Gusto kong huminga. Gusto kong lumayo sa lahat.
Sikat nga ako at mapera pero napakalungkot ko. Since i was young, malungkot na ang buhay ko. My parents…i dont know if they care about me. Kilala ang angkan namin sa pagiging magagaling sa mundo ng business and some are well known politicians. ako lang yata ang naligaw.
Expectation. Masyadong mataas ang tingin ng mga magulang ko and they expect na magiging katulad nila ako. Maging sikat at magaling sa lahat ng bagay. I achieved a lot of awards. Best actress award. Palagi na lang ganun. And my parents are happy for my achievements. Natutuwa naman ako, pero parang kulang. Parang may hinahanap pa ako na magpapasaya sa akin.
I thought Raven is the missing piece. I loved him. Naging kami. But it is only for the fans. I know naman na hindi niya ako gusto. Masakit para sa akin na hindi niya ako magawang mahalin kaya gumawa ako ng mga bagay na ikagugulo ng buhay niya. Pero dahil sa ginawa ko….nawala siya at ako naman ang nahihirapan.
Naiinis ako sa kanya. Bakit hindi na lang ako? Ano bang nakita niya sa babaeng iyon at hindi ako ang nagustuhan niya?
Matalim ang tingin na lumingon ako sa gilid ko nang may marinig akong tumikhim. Isturbo na naman sa pag-iisip ko. Isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng upuan. Tumingala ako. Mabuti na lang at may suot akong shades.
Pigil ang aking paghinga. Nakakita na ako ng maraming gwapong lalaki, but this one is different. Siya na yata ang pinakagwapong nakita ko. Of course, gwapo si Raven. Pero ang lalaking nasa harap ko ay parang isang Greek god. Greek god na nakakainis sa paningin.
Napatingin ako sa mukha niya. Kulay chestnut ang hair niya, tapos gulo-gulo pa na para bang bago lang siyang gising. Hindi ko alam kung sinadya niya ang ganyang ayos. His brown eyes, parang kay lalim kung makatingin. Matangos din sang ilong niya. Parang may lahi itong banyaga. Ang manipis nitong labi, na mukhang natural na kulay pula. Tumaas ang gilid ng kanyang labi na ikinapilig ng aking ulo.
Alam ko na ang iniisip ng isang ito. Napairap ako ng magsalita na siya.
“Masaya ka ba sa nakikita mo?” Nakangising tanong niya.
Sinimangutan ko siya. “Im not looking at you,” sabi ko at saka tumingin sa harapan ko.
“Yeah, right. Pwede bang umalis ka dyan?”
Napatingin ulit ako sa kanya at kinunutan siya ng noo. Anong umalis? Bakit ako aalis sa inuupuan ko?
Para namang nabasa niya ang iniisip ko.
“You see, miss. Akin ang upuan na iyan kaya kung pwede umalis ka dyan,” seryoso niyang sabi sa akin.
Napamaang ako. Ano bang sinasabi nitong lalaking ito? Nauna akong dumating at naupo dito tapos ike-claim niyang sa kanya pwesto ang inuupuan ko. This guy is so rude! Nakaupo na ako papaalisin niya pa ako.
“Nauna akong nakaupo dito,” taas-noo kong sabi sa kanya.
Napakunot-noo naman siya. Kinuha nito ang ticket na hawak nito at may tiningnan sa taas. Ano bang tinitingnan pa nito?
Tiningnan ko nga din ang tinitingnan niya sa itaas. May number sa itaas.
“Ang number ng upuan ko ay dyan sa tabi ng bintana,” sabi niya at tumingin sa akin.
Pinagsalubong ko ang aking mga kilay. Pakialam ko ba sa mga numbers na iyan. First come, first serve. Akin ang upuang ito. Lalo kong inayos ang pagkakaupo ko. Hindi ako aalis dito. Niyakap ko ng mahigpit ang backpack ko.
“Pwede bang umalis ka na sa upuan ko,” mariin na sabi ng lalaki.
Tinapunan ko siya ng mabilis na tingin.
“Im not going to give up my seat,” giit ko.
Huminga naman ng malalim yung lalaki at pinakatitigan ako. Bigla akong naconscious kaya pasimple kong inayos ang shades ko at hoodie.
Nanlaki ang aking mga mata ng bigla niyang hablutin ang aking braso at hinatak ako patayo.
“Oh my gosh! You’re so arrogant!” Singhal ko sa kanya. “Babae ako, hindi mo ba nakikita?”
Binitawan niya ang aking braso at saka umupo sa inuupuan ko kanina. Tumingin siya sa akin at saka ngumisi.
“Gender equality”
Dem*nyong ito! Suntukin ko iyang bibig mo, e! Nagwawalang sabi ko sa isip.
Padabog akong naupo sa tabi niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Ang hal*maw na ito! Hindi man lang nagpakagentleman.
Muli ko pa siyang tinapunan ng tingin saka ko siya inirapan. β€œNapaka b*stos”
Hindi niya ako pinansin, umayos pa siya ng upo na para bang matutulog ito. Nagdadabog na umayos ako ng upo. Tumalikod ako sa kanya at itinaas ko ang aking mga paa sa upuan ko. Bw*sit, gusto ko ngang marelax ang utak ko. Nakaharap ko naman ang isa sa mga dem*nyo.
“Ticket mo, miss?” Tanong sa akin ng konduktor.
Ibinigay ko kaagad sa kanya ang ticket na kanina ko pa hawak. Kinuha niya iyon at saka tinitigan. Hindi ko na siya pinansin.
Ngunit, muli akong napatingin sa kanya nang ibalik niya sa akin ang ticket ko.
“Miss, sa ibang bus ang ticket mo,”
Napamaang ako saka ko kinuha ang ticket ko. Pinakatitigan ko ang ticket ko. Hindi ba pwede itong ticket sa bus na ito?
Para namang nahulaan ng katabi kong lalaki ang iniisip ko.
“Bumili ka na lang ng bagong ticket,” sabi niya sa akin na nagpalingon sa akin sa kanya.
“Nakikita mong umaandar na ang bus, tapos gusto mong bumaba ako at bumili ng ticket,” magkasalubong ang mga kilay na sabi ko sa kanya.
Sinimangutan niya ako at walang ganang tumingin sa akin. “Hindi mo kailangang bumaba para bumili ng ticket. Bumili ka na lang sa kanya,” sabi niya sabay turo sa konduktor na nakatayo sa tabi ko.
Muli akong tumingin sa konduktor. Tumango naman ito sa akin na para bang sinasagot na nito ang tanong ko.
Nanulis ang nguso ko. Hindi ko matanggap ang katangahan ko. Ngayon ko napagdesisyunan na kailangan Kong matutunan ang mga ganitong bagay.
Nagbayad ako sa konduktor ng para sa ticket ko. Nang umalis na sa tabi ko ang konduktor ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nakaka stress naman kasi ito.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Iidlip lang muna ako. Hindi naman siguro ako lalagpas sa pupuntahan ko. Sandali lang naman ako matutulog.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may biglang tumabig sa mga paa ko. Unti-unti...


akong nagmulat ng aking mga mata. Napalingon-lingon ako ng makita kong wala ako sa kwarto ko. Nasaan ba ako? Bakit ako nasa bus?
“Nasaan na ako?” Kinakabahan kong tanong ng maalala ko na umalis pala ako papunta sa Albay.
Nasa Albay na ba ako? Lumagpas na ba ako? Gaano ba ako katagal nakatulog?
Napakagat ako sa kuko ng hinlalaki ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Bakit naman kasi napasobra ang tulog ko?
“Nasa gubat sorsogon ka na,” sabi sa akin ng lalaking kumukuha ng bag niya sa itaas.
Nang tingalain ko ang magsalita ay nakita kong ‘yong lalaki pala na katabi ko ang nagsalita.
Walang emosyong tumingin siya sa akin.
“Bumaba ka na hanggang dito lang itong bus,” aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Lumagpas na nga ako. Paanong lumagpas ako? Hindi ba tumigil itong bus na ‘to?
Wala na akong nagawa nang makita kong naglakad na palabas ng bus ‘yong lalaki. Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Malalaki ang mga hakbang na sumunod ako sa lalaking katabi ko. Ayaw ko namang maiwang mag-isa dito sa bus na ito.
Hatak-hatak ang malaki kong maleta, bumaba na din ako ng bus. Inilibot ko ang aking paningin ng makababa ako ng bus. Marami-marami din namang tao ang naglalakad sa kalsada kaya hindi naman nakakatakot. Pero, wala pa rin akong kakilala dito.
Bagsak ang mga balikat na ipinalibot ko ang aking paningin.
Naluluha na ako. Kinakabahan na ako. Saan ako titira dito? May hotel ba dito?
Napatingin ako sa mga lalaking nakakumpulan. Lalapit na sana ako sa kanila para magtanong ng biglang may humatak sa aking braso.
Napatingin ako sa taong humatak sa akin papalayo sa lugar na iyon. Napatingin ako sa kanyang likuran. Nasisigurado ako na ito ang lalaking katabi ko sa bus.
Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa aking braso. Hindi ako kaagad nakapag-isip dahil sa sobrang pagkabigla.
Napatigil ako sa paglalakad ng matauhan ako at hinatak ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.
Kunot-noong tumingin siya sa akin. Parang takang-taka pa siya sa ginawa ko. Sino namang matinong tao ang sasama at hahayaan ang isang estranghero na dalhin siya sa kung saan?
“Ano bang ginagawa mo?” Asik ko sa kanya. “Hindi kita kilala para sumama ako sayo”
Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
“Gusto mo bang sumama sa mga lalaking iyon? Sa tingin mo mas safe ka sa kanila?” Aniya na ang tinutukoy ay yung mga lalaking lalapitan ko sana.
Muli kong tiningnan ang ako mga nakakumpulan na mga lalaki. Nagtatawanan ang mga ito habang nagkukwentuhan. At mukha na silang pawisan.
Ano bang ginagawa ng mga lalaking iyon dito? Ang init-init nandito sa labas. Kaya mukhang naglalagkitan na ang mga balat nila.
Tumingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.
“Hindi naman kita kilala. Hindi ko nga alam kung mas safe ako sayo,” giit ko pa rin.
Nakita kong nagdilim ang kanyang mukha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Sige, bahala ka na sa buhay mo,” aniya at saka tumalikod at naglakad na.
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Tama ba ang sinabi ko? Mapagkakatiwalaan ko ba ang lalaking iyon?
Pero, kung maiiwan ako dito. Wala akong mapupuntahan at kakilala dito. Napalingon ako ng marinig ko ang mga lalaking nakakumpulan na nagtawanan ulit.
Mabilis akong tumakbo papunta sa lalaking katabi ko kanina. Mukhang mas safe ako sa isang ‘to. Hindi naman siguro ako nito gagawaan ng masama at kung gagawa nga ito ng masama, sisiguraduhin kong masasaktan ito.
Nakangising tumingin siya sa akin.
“Akala ko ba hindi ka safe sa akin?”
“Wala akong matitirhan dito. Mukha namang may matino kang bahay. Doon muna ako titira sa bahay mo” nakangiti kong sabi sa kanya.
Napatigil siya sa paglalakad at hindi makapaniwang tumingin sa akin.
“No way!” Malakas na sabi niya.
“Yes way!”sabi ko na parang nagtagumpay ako sa isang bagay na gusto ko.
Mabilis kong hinatak ang bag ko para makasabay sa paglalakad niya.
May dinaanan pa kaming isang auto shop bago kami sumakay sa jeep pauwi daw sa bahay ng kasama kong lalaki. Nakakainis kanina pa niya ako pinaikot-ikot sa lugar na ito. Ni hindi man lang niya ako tinulungan sa bitbit kong maleta.
Tiningnan ko siya. Nakaupo siya sa likuran ng driver. Ako naman ay nakaupo sa tabi niya.
Nakakatawa siyang tingnan. Mukhang hindi siya kasya sa jeep. Nakakuba na kasi siya sa kinauupuan niya. Kung hindi siya yuyuko, siguradong mauuntog siya sa bubong ng jeep.
Ang tangkad niya kasi, tapos nag-je-jeep pa siya. Hindi man lang nakaisip na magtaxi o manghiram ng sasakyan pauwi. Pwede ko naman siyang pahiramin ng pera pambayad at panggasulina.
“What?” Nakatas ang isang kilay na tanong niya sa akin ng makita niya akong tinititigan siya.
“What’s your name?” Balik na tanong ko sa kanya.
Napapalatak siya. “Drake,” maiksi niyang sagot. “Kanina pa tayo magkasama, ngayon mo lang tinanong”
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay inilahad ko ang isa kong kamay sa kanya.
“Anna,” sabi ko.
Hinintay kong abutin niya ang kamay ko. Tinitigan niya lang ang kamay ko. Akala ko wala siyang balak na makipag kamay. Pero nagkamali ako.
Napasinghap ako ng abutin niya ang kamay ko at pisilin iyon.
“Nice to meet you, Anna” sabi nito na para pang ninanamnam ang huling sinabi.
Hindi ko alam kung anong meron sa kamay niya. Para akong nakukuryente sa pagkakahawak niya sa aking kamay. Ang bilis din ng tibok ng aking puso.
Mabilis kong binawi ang aking kamay at umayos ng upo. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng medyo lumuwag ang jeep. Ang ganda ng lugar na ito. Marami pa ang mga punong makikita. Hindi katulad sa Manila, puro building na lang ang makikita. May mga naglalakihan din namang mga kabahayan na makikita. Mukhang tahimik ang lugar na ito.
“Para po,” sabi ni Drake sa driver.
Pinababa muna niya ako at saka siya sumunod sa akin bumaba. Nasa tapat kami ng isang bungalow na bahay. Maganda naman. Malawak ang lupa sa harapan at maraming halaman. Pero may extra kayang kwarto ang bahay na ito?
Hinawakan niya ako sa braso at hinatak papalapit sa gate ng bahay. Kumatok muna siya sa may gate. May lumabas na isang medyo may kaliitang matandang lalaki. Tatay ba niya ito?
Napatingin ako kay Drake at sa matandang lalaki. Hindi naman sila magkamukha. Baka nanay nito ang kamukha ni Drake.
Lumapit ako sa kanya. “Tatay mo?” Pabulong kong tanong kay Drake.
Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan niya ako. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
“He’s not my father at pwede ba manahimik ka lang dyan,” inis na sabi niya sa akin.
Nanunulis ang aking labi saka ako umayos ng pagkakatayo. Napalingon-lingon ako. Walang masyadong tao sa kalsada. Sino ba naman kasi ang maglalakad sa kalsada?
Sobrang init na ngayon.
Hindi ko na pinansin ang mga pinag-uusapan nila. Patingin-tingin lang ako sa paligid ko. Napatitig ako sa lalaking nakatayo sa may tindahan malapit sa amin.
Mukhang sarap na sarap siya sa paginom ng softdrinks. Napahawak tuloy ako sa lalamunan ko. Ngayon ko lang naalala na kanina pa pala ako hindi umiinom ng tubig. Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.
Inabot ko ang manggas ni Drake at hinatak iyon ng paulit-ulit.
“What?!” Naiinis na sabi niya sa akin ng lingunin niya ako.
“I want that,” sabi ko sabay turo sa iniinom ng lalaki.
Kunot-noong sinundan ng tingin ni Drake ang tinuturo ko at saka muling tumingin sa akin.
“Eh di bumili ka,” asik niya sa akin.
Inirapan ko siya. Nakakainis ang lalaking ito. Akala naman niya magpapalibre ako sa kanya. Hello, may pera kaya ako.
Inayos ko muna ang pagkakatayo ng bag ko sa tabi ni Drake at saka naglakad papunta sa tindahan. Inayos ko naman ang malaki kong sunglasses at hoodie ko habang papalapit sa tindahan.
Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.
“Uhm, i want to buy,” nag-aalangan kong sabi sa tindera na nakaupo at nakaharap sa t.v. Narinig ko namang napatawa ang lalaking nakatayo sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin.
Tumayo naman ang tindera at lumapit sa akin.
“Anong bibilhin mo?” Tanong ng tindera.
“Uhm, i want one softdrink and one bread”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Wala kaming bread. Biscuit lang ang meron”
“Okay, one biscuit”
“Anong softdrink at biscuit?” tanong ulit ng tindera.
“Anything that’s available na lang,” nakangiti kong sabi.
Napairap ang tindera at saka tumalikod at kinuha ang mga pinamili ko. Nang bumalik siya ay ibinigay ko sa kanya ang credit card ko.
Kunot-noong tumingin siya sa akin at saka sa credit card.
“Miss, pinagloloko mo ba ako?”
“Ah, no po,” naguguluhan kong sabi sa kanya
“Anong gagawin ko dito sa card na ‘to?” Halata ng nagagalit ang tindera.
Kinakabahan na hinawakan kong mabuti ang softdrink na binili ko.
“Uhm, iswipe mo po?” sabi ko sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata
“Hoy, miss, kung wala kang cash na pera sabihin mo lang. Ipapabarangay kita!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng ale. Oh my gosh! Ako, madadala sa barangay?! Hindi pwede yun. Baka may makakilala sa akin. Mahanap pa ako nila Calvin.
Kinakabahan akong tumingin sa bag ko. Bakit kasi nakalimutan kong kumuha ng pera sa bangko? Hindi ko din naman alam na hindi pala nagsuswipe ng cards ang mga small store.
Paano ko naman malalaman na hindi pala nagagamit ang mga cards sa mga stores, eh, hindi ko pa natatry ang bumili sa mga maliliit na stores.
“Tapos ka na bang bumili?”
Napalingon ako kay Drake.
“They don’t swipe cards and i don’t have cash,” maluha-luha kong sabi kay Drake.
Napakagat ito sa labi niya. Para bang pinipigilan niya lang ang tumawa. Ano naman ang nakakatawa? Tinatawanan niya ba ang nangyari sa akin?
Hindi kaya nakakatuwa ang sitwasyon ko ngayon. Kapag nadala ako sa barangay, siguradong balik ako sa Maynila nito.
Humarap siya sa tindera at saka kumuha ng pera sa bulsa niya.
“Magkano po?” tanong niya sa tindera.
“Bente-syete,” sagot ng tindera.
Pagkaabot ni Drake ng bayad sa tindera ay kinuha niya din ang credit card ko. Inabot niya sa akin ang credit card ko ng humarap siya sa akin kaya kinuha ko kaagad iyon. Mamaya itago niya pa ito kasi may utang na ako sa kanya.
Humalukipkip siya at tinitigan ako. “Sa susunod magbitbit ka ng cash. Hindi uso sa mga tindahan ang credit card,” sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako pabalik sa bahay ng kausap niya kanina.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top