STRANGERS TO LOVERS
CHAPTER TWO
Home
Drake
Huminga ako nang malalim bago ako bumaba ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pumayag akong sumama sa akin si Anna. Basta nang makita ko siya ay nakaramdam ako na dapat ko siyang tulungan.
Hindi ko naman naisip na sasama siya sa akin.
Napatingin ako kay Anna na nakatayo pa rin sa tabi ng sasakyan ko at nakatingin sa bahay ko. Mukhang hindi niya inaasahan na sa ganitong bahay ako nakatira.
Tumingin ako sa bahay ko. Naiintindihan ko naman kung hindi niya gusto ang bahay ko. Taga Manila siya, sanay siguro siya sa magandang bahay.
Gawa sa kahoy ang bahay ko at may silong iyon. Katulad ng mga sinaunang mga bahay na may silong. Minana ko pa kasi ito sa Lola ko, kaya hindi ko pinagiba at pinalitan ng makabagong design.
Minsan naririnig ko ang mga tao rito na tinatawag na haunted house ang bahay ko. Pero para sa akin, maganda ang bahay ko. Nandito ang mga alaala ng pamilya ko kaya masaya na ako dito.
“Welcome to my home,” nakangiti kong sabi kay Anna.
Bahagyang nakanganga ang kanyang labi. Tingin ko nga ay mas naging kaakit-akit ang mga labing iyon. Oo, mula ng makita ko siya, ang mga labing iyon na ang una kong napansin sa kanya. Natural na mapula kasi at ang s*xy tingnan. Para bang palaging kang ma*akit h*malik sa labing iyon.
“I-ito ang bahay mo?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin saka siya lumingon sa akin.
Hindi ko maiwasang mapa-irap. Mayaman nga ito. Mukhang mag-iinarte na naman siya.
“Oo, iyan ang bahay ko,” walang gana kong sagot sa kanya.
“Oh my gosh! Mukhang maraming mosquitos!” Nahihintakutan niyang sabi.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Iba din talaga ang isang ito! Makikitira na nga lang, manlalait pa ng bahay.
Hindi ko talaga maisip kung bakit pumayag akong sumama ang babaeng ito sa akin. Siguradong sasakit na ang ulo ko sa isang ito.
“Makikitira ka lang, kaya shut up ka na lang,” nakasimangot kong wika at saka nauna ng pumasok sa bahay ko.
Sumunod naman siya sa akin. Hindi ko na din siya nilingon pa baka lalo lang akong mainis. Bulong pa rin kasi siya ng bulong.
Inihagis ko ang susi ng sasakyan at bahay ko sa center table at saka pabagsak na naupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Sino ba naman ang hindi mapapagod?
Ilang oras kaming bumyahe galing sa Manila. Ilang oras din akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Gawin ba naman akong unan ng babaeng ito.
Parang na stiff neck pa yata ako.
Hinihilot ko ang leeg ko nang pumasok si Anna. Hatak-hatak niya ang malaki niyang maleta. Mukhang hirap na hirap siya sa pag hatak sa maleta niya.
Napakunot ang noo ko. Bakit ba kasi maleta ang bitbit ng babaeng ito? May maleta na meron pang backpack na bag. Pinapahirapan lang niya ang sarili niya sa mga bitbit niya.
“Dinala mo ba lahat ng damit mo?” Hindi ko na mapigilang tanong sa kanya.
Nayayamot na tumingin siya sa akin matapos niyang mailagay ang kanyang maleta sa tabi ng pang-isahang upuan.
“No, kaunti lang ang dala ko”
Napamaang ako. Kaunti pa ba iyan? Ang laki ng dala niyang maleta, tapos kaunti lang ang laman niyon?
Napailing na lang ako. Humiga ako sa upuan at ipinatong ko ang isa kong braso sa aking mga mata. Gusto ko na munang matulog dahil sa pagod.
Sa dami ko ba namang inasikaso sa Maynila. Tapos nagpaikot-ikot pa ako doon, talagang mapapagod ako. L*ntek naman kasi si Julie, ang galing magtago.
“Where’s my room?” Pukaw sa akin ni Anna.
Tumingala ako at tiningnan siya. Nakatingin din pala siya sa akin. Mukha pa siyang kanina pa naiinip.
“Wala kang room. Dito ka matulog sa sala,” halata sa mukha niya ang pagkagulat at hindi paniniwala sa sinabi ko. Halatang hindi sanay sa ganitong pagtrato sa kanya.
Gusto ko sanang tumawa kaso baka magalit na siya. Teka, ano naman kung magalit siya? Hindi ako dapat mag-alala dahil nasa pamamahay ko naman siya.
“Seriously, Drake?” Kunot ang noo niya.
Tumango ako at saka muling ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko kasi matagalang nakatingin sa kanya. Gusto ko talagang tumawa.
Narinig ko na lang ang pagpapadyak ng mga paa niya. Ilang sandali pa ay narinig ko siyang naglakad.
Iminulat ko ang isa kong mata at sinilip ko siya. Papunta siya sa labas ng bahay. Aalis na kaya siya?
Napatingin ako sa kinalalagyan ng maleta niya. Nandoon pa naman ang maleta niya. Hindi naman niya siguro iiwan ang gamit niya dito at saka sa layo ng bahay ko sa luwasan, siguradong aabutin siya ng isang oras bago makarating sa main road.
Inayos ko ang pagkakahiga ko sa upuan at muli kong ipinikit ang aking mga mata. Bahala na nga siya. Pagod ako. Ayokong mag-isip at mamroblema sa kanya.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahang pagpindot-pindot sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang sarap ng tulog ko tapos may isturbo.
Mabilis akong napabangon nang bumungad sa akin ang mukha ni Anna. Muntik pa akong mahulog sa upuan dahil sa pagkabigla.
Muli ko siyang tiningnan. Nakasimangot siya sa akin. Siya pa talaga ang may ganang sumimangot. Ako na nga itong inisturbo niya, sisimangutan pa ako.
“Hoy, mukha kang ewan dyan,” inis na wika niya.
Napakurap-kurap ako. Unti-unti...