Her Greatest Downfall🍁☪
📚CHAPTER 3📚
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakasalampak at umiiyak dito. Sigurado akong namamaga na ang mga mata ko dulot ng sobrang pag-iyak. Tama na siguro, oras na para harapin ang katotohanan. Hindi ko na mababago pa ang mga ginawa kong desisyon. Nanghihinang kumapit ako sa pader para makatayo nang biglang may umalalay sa akin.
“Donya Miyaka ipinapahatid na po kayo sa mansyon ni Don Greg.” Iyong driver pala nagpaakay naman ako papuntang sasakyan. Napabuntong hininga ako. Parang pagod-pagod ako ngayong araw na ito at gusto ko na lamang ay mamahinga.
“Nasaan na nga pala si Greg?”
“Nandoon pa po Donya. Pero mayamaya lang daw po ay susunod na din daw po ang Don.” Iyon lamang ang naging sagot ng driver.
Halos isang oras din bago kami nakarating sa mansyon. Pinagbuksan kami ng gwardiya. Maliwanag ang buong mansyon ngunit napakatahimik. Agad namang sumalubong sa akin ang mayordoma at mga katulong na pawang mga nakayuko at sabay-sabay na bumati. Sila na din ang nagpalit sa mataas na heels ko ng komportableng tsinelas pambahay.
“Donya, gutom po ba kayo? May mga lutong pagkain pong nakahanda na mga ipinadala po kanina dito.” Biglang ani ng mayordoma. Agad kong naalala si Nanay siguro ay ilang taon lang ang tanda ni Manang Pasing kay Nanay. Malungkot akong napangiti, namimiss ko na si Nanay.
“Sige po. Magpapalit lang po ako.” Magalang na pagpapaalam ko bago umakyat ng mataas na hagdan. Tatlong palapag ang mansyon na ito at sa pangalawang palapag ang kwarto. Oo hindi kami magkasama sa master’s bedroom ni Greg.
Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya.
Nagpalit na ako ng pajama. Maging ang mga damit ko dating dala-dala ay ipinasunog ni Greg. Ang iba pa naman doon ay regalo sa akin ni Nanay. Ayoko ng umiyak kaya bago pa man ako lumuha ay bumaba na ako papuntang dining area. Ang daming pagkain halos mapuno ang malaking dining table ngunit ako lang mag-isa wala pa kasi si Greg na siyang lagi kong kasabay. Sobrang lungkot ng araw na ito at ayoko namang hanggang pagkain ay mag-isa pa din ako.
“Manang Pasing…” Tawag ko sa mayordomang nakaantabay sa gilid ko at naghihintay ng ipag-uutos ko. Maging ang ibang katulong ay naghanda ng marinig ang pagtawag ko.
“Ano pong kailangan niyo Donya?” Tanong ni Manang.
“Nalulungkot po akong kumain mag-isa. Pupuwede po bang sabayan niyo akong kumain?” Malambing na ani ko na nagpasinghap sa matanda agad itong mariing umiling.
“Naku Donya hindi po pupuwede kagagalitan kami ng Don.” Pagtanggi ng matanda. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ng matanda sa ilang linggong pamamalagi ko pa lamang dito ay agad kong napansin ang pagiging matapobre ni Greg. Parati itong nakasigaw at akala mo ay laging galit. At oo halos mag-iisang buwan pa lamang ako dito. Lumipat lamang ako noong inalok ako ni Greg ng kasal. Kaya hindi ko pa masyadong nakakaclose ang mga trabahador dito waring ilag sila sa akin.
“Nagugutom na ko. Kaso ayokong kumain mag-isa. Kaya hindi na lang ako kakain. Malilipasan ako ng gutom. Tapos magkakasakit ako. Makakaya niyo po ba iyon Manang? Tiyak kong magagalit si Greg kapag nagkataon.” Nanlaki naman ang mata ng matanda maging ng iba pa.
“P-Pero Donya magagalit si D-Don kapag nakita niya kaming sumasabay sa iyo sa hapag.” Kabadong sagot ni Manang Pasing. Nakangiting umiling naman ako.
“Mamaya pa po ang dating ni Greg at abala po siya sa mga kaibigan at kasosya niya sa negosyo. Kaya po halina kayo at saluhan ako. Masasayang po ang mga ito at sobrang dami kung ako pa lamang ang kakain. At saka kung mahuli man po tayo ni Greg ako pong bahala sa inyo. Asawa na niya ko simula ngayong araw kaya may karapatan din po ako dito. Hindi po ba?” Nakangiti ngunit maotoridad na sabi ko.
Kinakabahan man ay isa-isa na silang umupo at kumuha ng pagkain.
“Ang hindi masyadong kakain ay siyang maghuhugas.” Pagbibiro ko ngunit parang wala lang sa kanila at kaunti pa din ang kinuha.
Kaya tumikhim ako.
“Ang hindi masyadong kakain ay isusumbong ko kay Greg na nakasalo kong kumain.” Napangiti naman ako ng nagmamadali silang kumuha ng marami.
Hindi ko alam kung dahil ba sa pananakot pero ang gana nilang kumain kaya naman sumubo na din ako.
“Salamat po Donya. Ang sasarap ngayon lang po ako nakakain ng mga ganito.” Ani ng isang katulong habang may laman pa ang bibig.
“Elena!” Saway ni Manang Pasing.
“Okay lang po Manang nakakatuwa naman po at nasarapan sila. Kayo po Manang?”
Nagulat naman ang matanda pero nahihiyang sumagot pa din.
“M-Masarap po Donya.”
Matapos kong kumain ay tumayo na ako maging sila ay sabay-sabay na tumayo kaya natawa ako. Nauna kasi ako sa kanila at kaunti lang ang kinain kong kanin. Ayaw kong pagsaktan ng tiyan dahil sa nalipasan na ko ng gutom kung dadamihan ko pa ang pagkain.
“May kukunin lang po ako sa ref. Tapusin niyo po ang pagkain niyo.” Ani ko sabay diretso sa napakalaking ref. Halos lumuwa ang mata ko. Ang daming laman. Inilabas ko ang malaking ice cream at apat na box ng cake na mukhang ipinadala din sa amin ngayong kasal namin. Dinala ko ito sa lamesa at nakita ko ang reaksyon nila na natatakam na.
“Uubosin natin ito maliwanag. Tapos po mamaya Manang puwede po bang padalhan iyong guards at driver sa labas mamaya? Marami pa naman pong matitira para hindi po masayang.” Masayang sabi ko. Nakangiting tumango ang matanda. Ibinigay ko sa kanila ang tatlong box ng cake habang iyong isa ay nasa akin at iniislice ko. Naglagay din ako sa tasa ng ice cream bago ko din iniabot sa kanila ang malaking galloon. Masaya kaming kumain medyo nalalapit na din ang loob nila sa akin at kinakausap na din nila ako. Matapos namin ay hinatidan nila ang gwardya at driver gaya ng iniutos ko. Nagpaalam na din akong mamahinga na ngunit bago iyon ay nagpasalamat sila sa pagkain at nabusog daw sila.
Busog na nahiga ako sa malaking kama. Napangiti ako ng maalala ang masayang paghahapunan namin. Sana ay mas mapalapit pa ko sa kanila ayoko namang maburyo dito sa mansyon. Hindi ko namalayan ang pagpikit ng mga mata ko marahil...