Childhood Enemies Turns To Lovers CHAPTER 3.2


💌
🍂HWOTC-BOOK 2🍂
🏵️🏵️
Rica’s POV
“Shan?” mahinang tawag. Medyo nagulat sya kaya tinago ang hawak na yosi.
“Ginulat mo naman ako. Bakit gising ka pa?” sabi nya. Lumapit pako sa kanya,umupo at nilublob ko rin ang mga Paa ko sa tubig.
“masama sa katawan yang ginagawa mo. Kailan ka pa ganyan?” sabi ko habang kaharap ang sarili sa tubig.
“Ah hindi kasi ako makatulog . Wala pa naman si dad I’m sure walang magsusumbong sa ginawa ko maliban sayo”
napalingon ako sa kanya.
“hindi ako sumbungera no, basta mangako kang last mo na yan. Wag kang maninigarilyo dahil kung hindi susubukan ko rin yan.Curious ako kung anong lasa nyan ” sabi ko pero pinanliitan nya ko ng mata na tila di nagustuhan ang sinabi ko.
“Try to….or else malilintikan ka sakin” sabi nya
“hmp, Shan?”
“Rushen” dugtong nya.
“Rick?” Sabay ngiti ko kasi nabanggit na lahat ng name nyang Shan rushen Rick.
“tsk” react nya.
“Mas comfortable akong shan ang itawag ko kasi sa ganung paraan pakiramdam ko malapit tayo sa isa’t isa.”
“Ano ba talagang sadya mo ha?” sabi nya.
“Gusto ko lang naman mag thank you uli
Dahil sa ginawa mo malamang ……” di nya ko pinatapos
“Hindi na mauulit ang nangyari sa office ni Mr. Callante. Di ko hahayaang...


mangyari yun . ”
“Pano mo nalaman na andun ako?”
“Stop asking basta wag ka ng babalik dun.” sabi nya.
“what if di ma iwasan? dahil alam mo naman na marami akong responsibilities sa University?” sabi ko.
“Pwede ba Rica? di ka ba nag iingat ha! ayoko sa lahat yung masyadong mabait at laging “oo” “sige” “ayos lang ako bahala” yung mga ganung salita!! akala ko ba matalino ka? kung gusto mong mabuhay ng di laging napapahamak matuto ka namang tumanggi! ”
“Pero unang beses lang naman nangyari yun ah!? bakit ba nagagalit ka? nag thank you na naman ako ah? bakit pakiramdam ko tanga ako!”
“Wala akong sinabing ganun” sabi nya. Tapos tumayo nako.
“Ganun parin naman yun! pwede mo namang sabihin ng mahinahon ng di ka naninigaw ah? oo na!! uto uto ako! mahina at sa sobrang bait kinakaya kaya mo lang ako! ”
Tumayo rin sya at pumantay sa tayo ko.
“Matulog ka nalang at umayos ka”
“Hindi kita maintindihan alam mo ba yun? nakakalito Kana! di ka naman ganyan dati ah!kung ayaw mong nandito ako tutal naman ilang beses mo ng pinagmukha sakin na sampid ako dito. Edi sige! ngayon mismo aalis ako!”
“Rica ano ba! could you please shut up? wala ako sa mood para makipagtalo”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top