Childhood Enemies Turns To Lovers CHAPTER 3.1


🍂HWOTC-BOOK 2🍂

SHAN’S POV
Yun ang narinig ko habang patungo ako sa locker area ng mga babae . Napilitan lang akong dumaan dito dahil sa utos ng sister kong si Razelle na kunin yung notes nya. Saktong narinig ko ang pinag uusapan ng mga babaeng studyante lalo na si Danica.
“Sinong Rica ang pinag uusapan nyo ha?” sabi ko. Nagulat sila sa pagdating ko at umayos ng tayo
“Ah s-si”
“Sino nga!” sigaw ko.
“Si Contrimayor!” sagot nila.
“At anong tungkol sa School director ha?”
“Ah ka-kasi Rushen, kay Rica ko inutos yung dapat na sakin kasi naman May pagka manyak kasi si sir………” di ko na pinatapos yung sagot ni Danica at napa takbo ako patungo kung saan ang opisina….
Hingal na hingal akong tumakbo paakyat ng hagdan . Pagdating ko dun nakita kong nakahawak na sya sa balikat ni Rica na kinagulat nya.
“Sir!” pumasok ako
“Oh! Mr shiokomori! what’s bring you here?” may pangiti ngiti pa.. Hinila ko si Rica palabas ng opisina hanggang makalayo kami sa lugar nayun…at di pinansin si Mr callante.
“Oi! bitiwan mo naku! Shan ano ba!” pagpupumiglas nya.
“Ayos ka lang ba!? tell me! anong ginawa nya sayo!”
_________________
Rica’s POV
Di ako makapaniwala dahil biglang dumating si Shan Shan.Hingal na hingal pa sya...


at tila nag aalala habang nagtatanong kung ayos lang ba ako.
“Oo ok lang ako” tipid kong sagot.
“pero namumutla ka! bakit di ka umalis kaagad! bakit kapa nagpauto kay Danica? pag di ako dumating baka ano na nangyari sayo!” sigaw nya…
Pano nya nalaman na May kakaiba sa director?
“Shan, ayos na ko. Salamat dahil dumating ka. Sige na may klase pako” sabi ko at lalampasan na sana sya
“Rica sandali. Sa susunod mag ingat ka na sa mga kinikilos mo!”
“Wala naman akong ginawa ah? at bakit kaba ganyan? di mo naman ako gustong makita o makasama ah?”
“Di naman sa ganun basta mag ingat ka” sabi nya tapos biglang umalis… Ano naman problema nun? pano nya ko nahanap?
Sa mansyon medyo awkward yung feeling kasi naman di mawala sa isip ko yung ginawa ni Shan shan kanina. Nasa kwarto nako ngayon nakahiga sa malambot na kama kaharap ang puting kisame. Dahil hindi na naman ako makatulog ay bumaba nalang ako at tumungo sa garden kung san nandun ang pool. Pansin kong nandun pala si Shan Shan habang nakaupo habang nakalublob naman ang mga paa nito sa tubig. Amoy ko pa ang usok na dala ng hangin.Teka? nagyoyosi ba sya? Nakatalikod pa kasi at di pansin na nandito ako






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top