Childhood Enemies Turns To Lovers CHAPTER 3


πŸ‚HWOTC-BOOK 2πŸ‚
πŸ’•πŸ’•
Rica’s POV
Nakasalubong ko si Danica na class monitor namin sa hallway.
“Hi Rica! pasuyo naman oh! pwede bang ikaw na mag bigay nito kay director callante? Kasi sumakit kasi puson ko eh pati ulo ko nahihilo rin ako siguro mainit ngayon. Inutusan kasi akong e-photocopy tong ibang page ng libro kaya sana mabigay mo as in now na.Please?” sabi nya kaya tumango nalang ako
“ok sige sigurado kabang ayos ka lang? punta ka sa clinic! May nurse na mag aasikaso sayo dun” sabi ko tapos umalis na sya.
Naglakad na uli ako’t nagtungo sa second floor kung saan ang office ni director Callante. Nilapit ko pa mukha ko sa glass door dahil tented ito at di ko kita kung sinong nasa loob.
Pagtingin ko napansin agad ako dahil kita naman lahat ng tao kung galing ka sa loob ng office..pero pag sa labas ka di mo na kita sa loob. Pumasok nako sa loob sa lakas ng aircon medyo napayakap ako sa magkabilang braso ko.
“Sir goodmorning po, ito napo yung photocopy na inutos nyo kay Class monitor. Sumama kasi pakiramdam nya kaya ako nalang nag abot sa inyo” mahinahon kong sabi tapos pinaupo nya ko malapit sa table nya.
“Ganun ba? mabuti naman dahil may sadya din ako...


sayo iha” sabi nya at nilapag ko na ang mga papel at paalis na sana.
“San ka pupunta? kakarating mo lang eh! sit down miss” sabi nya. Hindi pa nya tinitignan ang mga papel at deretso ang tingin nya sakin habang nakasandal sa upuan nito.
Medyo naalarma lang ako kasi parang may kakaiba..mukhang sinasadya ata nung class monitor Danica na magsakit sakitan because of him…
“Sir Callante sa tingin ko wala namang problema sa flatforms kaya aalis na po ako at maghahanda para sa announcement”
“Nagmamadali ka naman masyado miss contrimayor malayo pa ang oras oh” sabay tayo nya at lumipat sa harap ko at nakatayo habang nakapamulsa.
Pilit akong kumalma at wag magpahalata.
“Ano nga uli ang lahi mo? maganda kasi mata mo matangkad ka pa ”
“hmp di ko po alam basta banyaga po ang ama ko hindi napo nabanggit ng mama ko” sabi ko habang panay ang titig nya sakin.
“free kaba tonight?” sabi nya.
“po?b-bakit po?”
———————————-
SHAN RUSHEN RICK’S POV
“Grabi! kinabahan talaga ako kanina buti nalang napadaan si Rica kaya sya na yung inutusan ko sa direktor”
“Naku! baka ano gawin nya dun!”
“Shh quiet wag kang maingay tayo lang nakakaalam na manyak yung si Mr callante.Basta maganda natitipuhan nya”
Narinig kong usapan ng mga babae






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top