HINDI TAYO PWEDE CHAPTER 2


HINDI TAYO PWEDE (KAHT SANDALI NALANG)
CHAPTER 2
AUTHOR:WATTPAD STORIES
Madaling natapos ang araw at aalis na sana si Kiera nang biglang tawagin siya ng tamad nilang leader ng cleaners.
“Kiera, paki dala nga itong mga notebook kay ma’am.”
Mag-rereklamo pa sana siya kaso masakit sa ulo ‘tong leader nila kaya’t sumunod nalang siya.
Papasok palang siya sa staff’s office nang marinig niya ang pag-uusap sa loob.
“Yes, he wants to start being homeschooled.
He wants to start withdrawing from these all.”
“Naiintindihan po namin, biglaan naman po kasi ang_”
“Sa tingin mo ba hindi din kami nabigla?”
Tumahimik ang mga bosses saglit.
“Baka pwede pa pong pag-isipan na muna? Let him live his life normally and_”
“Gresyson is dying! Hindi na siya nag- rerespond sa mga treatments niya! Alam mo ba gaano kasakit ‘yon?”
Napalaki agad ang mata ni Kiera. Narinig niya ba talaga iyon ng tama? Ang kinamumuhian niya mamatay na?
Nalunod siya sa kathang ‘yon at hindi niya namalayan na may tao pala sa likod niya.
‘Tinuro ba ‘yan ng nanay mo?”
Napatalon si Kiera kasama ang kanyang mga dinadala.Lumingon siya’t nanlaki agad ang mata niya. Si Greyson! Bigla siyang napatingin sa gilid.
“Nag-hihintay lang naman akong matapos sila. Hindi naman ako nakinig.” Pagsisinungaling niya.
Alam niyang tinitigan siya ni Greyson ng masama. Handang-handa na siya ma insulto nang biglang bumukas ang pinto. Agad siyang dueemulas papasok na para bang isang hangin lang na dumaan.
Inibaba niya ang kanyang dinadala sa table ng adviser nila. Ang utak niya’y naiwan pa sa kathang mamatay na talaga si Greyson.
Dapat masaya siya kaso… bakit parang naawa siya dito? Kaya ba papalabasin nilang mag-ttransfer na ito kahit hindi? Ano ba ang sakit niya?
Pag-labas niya sa office ay nagulat siya ng biglang umikot ang kanyang panigin.Ang sunod na naaninag niya’y ang mukha ni Greyson na kay lapit na sakanya.
‘What did you hear earlier?’ Tanong nito habang ang mukha’y para bang sa isang galit na lubo.
“W-wala! Taena mo, tigilan mo ako!”Pag-sisinungaling ni Kiera.
Hindi iyon tumalab kay Greyson at hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Kiera.”I swear, kung ipagkakalat mo ito. Ikaw pa ang unang mamamatay saating dalawa.”
Dahil doon ay bumalaik agad ang pag-kainis ni Kiera sa lalaki. “Aba! Mamatay ka na nga papatay ka pa? Mapupunta ka pa bang heaven niyan?”
Tsk?” Pissed off na nga si Greyson mas lalo pa siyang gagalitin nitong bobong babae.”So, narinig mo nga. Pag ‘tong balita na nakalap mo marinig...


ko lang kahit sa hangin, hahatakin kita sa empyerno!”
Pagkatapos siyang balaan ni Grey ay umalis na ito. Naka-hinga na ng maayos si Kiera. Sira na yata ang utak ng lalaking iyon, isip niya’t umalis na.
Naglalakad siya pauwi ng bigla niyang makita ang isang pusa sa gilid ng kalsada. Maliit pa ang pusang ito at naaawa siya dito at baka walang makain o baka masagasaan. Agad niyang naaalala si Greyson. Napa x agad ang kanyang kilay.” Hays! Mamatay na nga siya ganon parin?”
Kahit papano ay may pinagsamahan din sila ng lalaking’yon kaya?” Narinig niyang biglang sabi ng bibig niya kaya napalaki ang mata niya.
Ano na ba itong pinagsasabi ko? Na-invade na yata ni Greyson ang utak ko!
Kiera shook her head side to side at napatingin siya sa pusang maliit. Singkit mata niyang tinignan ang pusa ng masama.” Hindi kita tutulungan! Bahala ka diyan!”
…
Pagkadating ni Kiera sa bahay nila ay nagulat ang mama niya. Napatingin sa kanyang dina dala.
“saan mo naman na pulot ‘yan? Kay dungis!”
“Ma naman! Papaliguan ko ‘to, papakainin at aalagaan, tingnan natin kung sino madungis!” Sumbit ni Kiera sa ina tapos bigla siyang ngumise.”Ma, ako mag huhugas mamaya pero bigyan mo ako one hundred ma…hehe”
Tinitigan lang! siya ng nanay niya na para bang nag-sisisi itong pinanganak pa siya.”Gusto mo bang mahampas ng wals tingtting, Kiera?” Nandidilim na tanong ng nanay niya.
“Biro lang! Ma naman eh!” Tumawa ito ng kay peke atsaka dumiretso na sa kanyang kwarto.
In her room, she mumbled few words na para bang nag-darasal siya. Ibinaba niya ang pusa. In the end, dilana parin niya ito.
“Hoy pusa, pakabait ka ha? Kukuha ako ng buhangin at karton mamaya para doon ka magtae. Pag may pera na ako saka tayo mag-sshopping para saiyo,” sabi niya sa pusa at nagbihis na.
Pagkatapos niya mag-bihis ay ginawa niya na ang mga dapat gawin. Kumuha siya ng platito at maliit na bowl para sa pusa niya. Nilagyan niya ng pagkain at binigay sa pusa. Ang bilis nitong kumain.
Napa-isip nanaman siya kay Greyson. Wala naman din akong magagawa, hindi naman kami friends non, sabi niya sa utak niya.
Napabuntong hininga siya ng kay lalim at tiningnan ulit ang pusa.”Bilisan mo diyan at maliligo ka pa!”
Para namang naiintindihan siya nito kasi biglang nag meow. Napa-isip ulit si Kiera. “Gray nalang pangalan mo ha? Tapos ang totoong pangalan mo Willbert,” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang kinilig na parang tanga.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. [url=http://vardenafil.directory/]levitra pharmacy prices[/url]

Leave a Reply


top