HINDI TAYO PWEDE


HINDI TAYO PWEDE
OUTHOR:WATTPAD STORIES
NANG MALAM NI KIERA ANG SEKRETO NG KANYANG KINAMUMUHIANG BULLY SA SCHOOL AY NAG-IBA AGAD ANG PANANAW NIYA DITO.
NAKAKASAWA MAN ISIPIN, PERO GUSTO NIYA ITONG KAIBIGANIN. KAHIT PA BUGBUGIN NA SIYA NG LAIT NITO, GUSTO NI KIERA NA MAPASAYA NIYA ANG BULLY NA SI GREYSON. KAHIT SA HULING SANDALI MAN LANG
CHAPTER:1
“Kiera! Hoy! Gumising ka na! Pasukan na hoy!” inalog-alog ni kimura ang kanyang naka-babatang kapatid.
“Hmm” Lang ang isinagot nito sa kanya. Napa-buntong hininga na lamang si kimura. Wala siyang ibang paraan kundi ang e-roll up ang kanilang kurtina.
“Ugh! Nakaka-silaw! Ate naman eh!”
Parang bampirang mamatay ang pag-asta ni Keira na ikinatuwa ni kimura.
“Oh siya, maligo ka na at first day mo na sa ika sampung baitang!” Matapos sabihin non ni Kimura ay umalis na ito sa kwarto ng kapatid.
Dahan-dahan na inimulat ni kiera ang kanyang mata.Sobrang nakaka-silaw ang sikat ng araw ng araw.
“Ugh!” she groaned habang patayo na siya. Mala-kuba siyang lumakad patungo sa labas ng kaniyang kwarto para maligo na.
Iisa lang kasi ang banyo ng kanilang bahay. At ito’y nasa gitna ng sala at kusina. So kung may bisita aba syempre magdadala ka na lang ng damit mo.
Pagkatapos niyang maligo ay nag bihis na sila ng ate niya.
May trabaho na ang kanyang ate. At dahil nadadaanan ang school nila ay nakikisakay lang siya sa motorbike nito.
“Magpapasundo ka ba mamaya?” Tanong ni kimura sa kapatid.
“Maglalakad lang ako mamaya. Ingat ka sa pag-drive!” Paalam ni kiera sa ate niya habang patakbo siyang pumasok sa malaking gate.
Napa-buntong hininga siya. Nandito nanaman siya sa mainit na impyerno, ang MSF highschool. Oh diba parang tanga ang may-ari ng eskwelahan nila.
“Alis sa daan!”
May bilgang sumigaw kaya napa lingon agad si kiera. Lumaki ang mata niya nang isang kotse ang humarurot patungo sa kanya. Buti nalang ay mabilis siyang tumayo at nag-martsa patungo sa sasakyan, mamahalin kasi.
“Hoy bobo! Ginagasgasan koba sasakyan mo? Sinisipa ko lang!” Galit talaga si kiera. Akalain mo iyon? After two months, gusto na agad siyang patayin ng walang hiyang Greyson!
Napa-tsk si Grey at tiningnan si kiera ng masama. “Lumayo ka sa sasakyan ko kung ayaw mong madungisan ngayon araw!”
“Madungis na nga ang palda ko tangina mo!”
Sino ba silang dalawa? At bakit ganyan ba sila? Well, Noong freshmen palang sila ay tila ipinag takpo na sila ng tadhana. Not in a romantio way pero mortal na mag-kaaway.
Si Greyson kasi nasakanya...


na lahat:Kagwapuhan, kayamanan, magandang katawan, mga babae, popularity at kung ano mang gustuhin niya! Isarin siyang bully at natural na ibully niya si kiera.
Si kiera naman, hindi naman sa mahirap pero ikokompara siya sa mga studyante ng school na ito ay mahirap talaga sila. Let’s faceit, lahat naman kasi sa mundo ay sobrang unfair. Kaya madalas napag-ttripan siya pero hindi siya ‘yong tipong umiiyak. Tinuruan kasi siya ng tatay niyang lumaban, kaya’t kahit masakit na ay lumalaban parin siya.
“Ang aga-aga nanggugulo ka nanaman? Pag-aralan mokaya ang maging mahinhin? Ay teka! Bobo ka nga pala,”sarkastikong sabi ni Grey bago ito tumalikod kay kiera.
Nanibago agad si kiera. Usually, lalapitan siya nito at itutulak or ipapahiya, isip ni kiera.
Isina walangbahala niya nalang ito at pumunta na sa classroom nila. Nasa-section D siya at alam niyo na kung bakit. Yep, mahina kasi siya sa acdemic pero sinisipagan niya naman eh kaso wala talaga.
“Hoy! Alam mo naba?”
Pag-upo palang ni kiera ay tinanong na siya agad ni jamie. Tinanong na siya agad ni jamie. Tinaasan lang niya ito ng kilay.
Jamie rolled her eyes.”Hay naku! Alam mo ba mag-ttransfer na si Greyson sa second quarter?”
Agad nabuhayan ng loob si kiera ang mata nito ay tila nagnining ning na bituin.”Talaga ba?”
“Luh? Ano ‘yang mukhangiyan? Masaya ka? Paano na ang school natin pagdating sa soccer? Nga nga?”
“Hindi naman siya lang inaasahan ng school ha! Marami pa kayang iba!” Ang o.a. din kasi minsan ng mga babae sa eskwelahan nila. Kay rami pa kayang magagaling. Tulad na lamang kay Austin o kay Willbert my loves niya.
“Hay naku! Tsk” Tinignan siya ni Jamie ng masama atsaka naupo ito sa gilid niya. Seatmates kasi sila.
“Sana magbago pa ang isip ni Greyson,” bulong ni jamie.
Kiera rolled her eyes. “As if naman may magagawa ka kung mag-ttransfer na ‘yon!”
“Pwera nalang kung ma-iinlove ‘yon sa’yo,” dagdag pa ni kiera at tumawa na may pang-aasar sa kaibigan.
“Tse! Tumahimik ka nalang at mag-aral!”
Na-palingon agad si kiera kay jamie at inaksyonan niya ito na susuntukin. “Kung hindi lang kita kaibigan! Bobo ka rin naman!”
“Nye nye nye!” Tanging sagot ni jamie.
Oo ganito silang dalawa, ganyan sila kung mag-asaran sa isa’t-isa.
Ilang segundi lang ay agad nag-simula na ang kiera ang mga sinasabi ng guro nila. Busy siya sa pag-ddaydream tungkol kay Willbert.
Hindi nga nito namalayan na ilang guro na pala ang naka-labas pasok sa silid nila’t lunch break na. Oh diba? Ang saya mag-aral.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top