My beloved cellphone “one shot


My beloved cellphone “one shot”
“Ma naman may oc pa kami ehh” nakasimangot na tugon ko sa rapper ng bahay
“Anong oc ang pinag sasabi mo Zack? Sabado ngayon ijo!” sigaw ni mader
Aba’y oo sabado pala ngayon, ang tanga tanga mo zack, mag eemel ka lang naman.
“Ma kaylangan ko kasi yan sa research ehh” pag papalusot ko, pero anak ng kabayo hindi na ako pinansin ni mader.
Akma akong pumunta ng kusina at kusang naghugas ng pinggan
“latara tara la tara tara” kanta ko habang pilit ang ngiting nag aasikaso sa kusina.
Sinusulyap sulyap ko pa si mama pero, ackk busy ba naman mag selpon
“Ma!” sigaw ko para marinig nya. “Ma...


si aleng nena tawag ka sa labas!” pagsisinungaling ko.
Hindi na nya ako kinibo, inilapag nya ang cellphone ko sa lamesa at lumabas, hihi ang talino mo talaga Zack kahit kelan
Patakbo akong lumapit sa lamesa at akmang kukunin na ang cellphone ko ng biglang!
“Hoy!” putragis nanjan na si dragona. “M-ma” kabadong tawag ko sa kanya.
“Hanep kang bata ka nagtataka ako kung sinong nenang yun, hinanap ko pa sa bakuran, putcha ka!” mabilis na rap sakin ng my dearest mader.
“Walang hahawak ng cellphone ng 1 week!” galit na tugon nya at tsaka pumunta ng kwarto. Naiwan naman akong nakatunganga sa sala.
NOO! ang kaduo ko! hindi pwedeee! lagot naa! MAAAA!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top