The_lost_daughter Chapter_29


Nasa balkonahe ako sa labas nang aking kwarto sa mansyon nang marinig ko ang ingay sa sala.
Pagtingin ko sa baba nasa sala sila mariel at syra kausap si daddy.
Dad,ako ang anak niyo sa mahabang panahon bakit ganun lang kadali sa inyo ang paalisin ako humagolhol na iyak ni syra.
Federico kami ang kasama mo sa mahabang panahon na ikaw lang mag isa,kami ang karamay mo kaya honey pag isipan mong mabuti,dapat si chuchay ang paalisin mo dito sa mansyon iyak na sabi ni mariel.
Tama na..bakit ko papaalisin ang sarili kong anak sa pamamahay ko,sigaw ni Don federico.
Oo syra ikaw nga ang naging anak ko sa mahabang panahon pero nagkamali ako sa pagpapalaki sayo,kung naging mabuting tao ka lang sana at naging mabait kay janelle noon baka matanggap kapa niya bilang kapatid kahit di kayo magkadugo..
Bakit dad,ako lang ba ang may kasalanan dito ha,yang chuchay din.
kung di niya nilandi noon si christian hindi mawawala ang pagmamahal sakin ni christian kaya kasalanan niya.
Tama na umalis na kayo mariel kahit ano pang sabihin niyo di na magbabago ang disesyon ko,galit na sabi ni Don Federico sabay alis.
Ito lang ba ha,ito lang ba ang kabayaran mo sa mahabang pag titiis ko sayo sigaw ni mariel.
Humarap naman pabalik si Don federico sa kanila ni mariel.
sinasabi ko sayo umalis na kayo bago pa makita kayo nang anak kung si janelle,pagbibigyan ko kayo nang pagkakataong magbago,kahit nalaman ko kay Romy na isa ka sa dahilan kung bakit diko agad nahanap ang anak kong si janelle at ang dahilan nang pagsunog sa bahay nila na ikinamatay nang kinikilala niyang ina.
Baka mag bago ang isip ko ipakulong pa kita.
Hindi federico..hindi ako may gawa nun hindi ko nga alam na si chuchay ang nawawala mong anak iyak ni mariel.
Alis sigaw ni Don federico..
Guards palabasin niyo na na sila agad na sabi ni don federico at tinalikuran na ang mag ina.
Nang marinig ko yun,napakuyom ako nang kamao ko,ikaw pala ang dahilan kung bakit nawala sa akin si inay,mariel.
Kung si daddy bibigyan pa kayo nang pagkakataong magbago pwes ako hindi ipaparanas ko sayo ang ginawa mo kay inay,bulong ko sa sarili habang tinitingnan lang sa sala ang mag inang mariel at syra.
Narinig niyo ang sinabi ni daddy diba umalis na kayo,sigaw ko habang pababa nang hagdan.
Ikaw ang may kasalanan nang lahat babae ka,galit na sabi ni mariel at akmang sasabunutan ako.
Boknoy,philip sigaw ko..kaya napahinto si mariel sa pagtawag ko sa mga body guard ko na agad naman pumasok nang marinig ang tawag ko.
Palabasin niyo ang mag inang yan,kung ayaw nilang lumabas.
Pakawalan niyo ang mga aso at ipalapa ang mga yan,sigaw ko.
Wag na wag niyo kong hahawakan,sigaw ni mariel aalis ako pero hindi pa tayo tapos chuchay.
Nginitian ko lang si mariel at tiningnan nang matapang.
Talagang hindi pa tayo tapos dahil magsisimula pa lang ako,bulong ko.
Nginitian ko sila ulit at tinalikuran ko na sila.
Isang linggo ang lumipas nang mabalitaan kung nailibing na si calixta,kaya pinuntahan ko na si cristine para bisitahin.
Kami lang na dalawa ni cynthia ang pumasok sa gate,sinabi ko sa mga tauhan ko na sa labas na lang nila ko hintayin.
Nasa gate pa lang ako sinalubong na ako ni Syra.
Bakit ka nandito!? Inis nitong tanung.
Dadalawin ko anak ko,agad kung sabi.
Anak mo? Wala kang anak dito! Anak ko si cristine,inis na sabi ni syra.
Guard sigaw ni syra agad naman lumapit ang dalawa niyang guard.
Paalisin niyo dito ang babaeng yan,sigaw ni syra.
Akmang hahawakan na ako nang guard ni syra,nang patakbo namang lumapit sakin si philip boknoy at ondo dala dala ang mahahaba nilang baril at pinaikutan ang dalawang guard ni syra kaya di ito natuloy ang paghawak sa akin.
Agad naman dumating si Christian.
Anong kaguluhan to,bungad nitong tanung.
Ayoko nang gulo sa pamamahay ko,galit nitong sabi.
Gusto ko lang dalawin si cristine agad kung sabi.
Syra tumabi ka paraanin mo si chuchay.
Inis naman na tumalikod si syra at pumasok sa loob nang bahay.
Pagpunta ko nang hardin nakita ko si cristine na naglalaro kasama ang yaya niya at si manang flor.
Nang makita ako agad ito tumakbo sakin.
Mimi..mimi..
Agad ko naman binuhat si cristine at pinaulanan nang halik sobrang miss na miss ko na ang baby ko.
Sa loob naman nang bahay nakatanaw lang si christian sa mag iina niya.
Masaya din siyang nakita ulit si chuchay at makitang masayang magkasama ang mag iina niya.


/> Galit naman at selos ang naramdaman ni syra nang makita din ang mag iina na sobrang saya,at natanaw niya din sa bintana si christian na ngumiti na pinanood ang kanyang mag iina.
Pagkatapos kung makipaglaro kay cristine ay pinaliguan ko na rin ang anak ko.
Pinasuot ko sa kanya ang damit na ako mismo ang nagtahi..
Maya maya ay pumasok ang yaya ni cristine.
Maam chuchay oras na po nang kain ni cristine,mahina nitong sabi.
Oh sige akin na ako na magpapakain kay cristine,agad ko namang sabi.
Ha wag na po maam chuchay,baka pagod na ho kayo kakalaro ky cristine ako na po seryoso nitong sabi.
Kaya tumayo ako at tumabi para hayaang makalapit ang yaya ni cristine at masubuan siya nito.
Pero napatitig ako nang mapansin kung nanginginig ang kamay nito habang hinahalo ang pag kain ni cristine.
Manang flor tawag ko.
Mabilis naman na lumapit si manang flor ano yun.
Agad ko hinablot ang hawak na pagkain nang yaya ni cristine.
Manang ipakain niyo nga ito sa pusa sa labas agad kung sabi.
Ha,bakit pagtataka na tanung ni manang flor.
Basta manang..
Ok ok sige agad naman nagpunta si manang flor sa labas kung saan nakita ang pusa.
Pinakain ang dalang pagkain sa pusa,nagulat ito nang ilang minuto lang nangisay na ang pusa at natumba.
Chuchay sigaw ni manang flor halika dito.
Agad ko kinarga si baby cristine at lumapit kay manang flor,nakita ko ngang patay na ang pusa.
Binalingan ko nang tingin ang yaya ni cristine,binigay ko muna kay cynthia si cristine at lumapit ako sa yaya.
Paaakk…isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya..
Sino ka para lasunin ang anak ko sigaw ko.
Agad naman lumuhod ang yaya.
Sorry sorry maam chuchay si maam syra po.
Si maam syra po ang nag utos na ilagay po ang lason sa pagkain ni cristine,tinakot niya po ako paliwanag nito.
Lumapit naman agad si christian.
Anong nangyari,agad nitong tanung nang makita ang yaya na umiiyak.
Sir ung pagkain ho ni cristine nilagyan nang lason,inutos daw ni maam syra sa yaya ni cristine,agad na sabat ni manang flor.
Nang marinig iyun ni christian ay agad naman siya tumakbo sa kwarto ni syra..
Syra syra sigaw niya,binuksan niya ang pinto nang kwarto at tiningnan si syra ngunit wala ito.
Tiningnan niya din sa banyo wala din ito,at napansin niya rin na nawawala ibang gamit ni syra kaya binuksan niya ang kabinet nito wala ang mga damit ni syra naglayas na ito.
Chuchay Christian,,,Magagawa niyo pa kayang tumawa o ngumiti pag nakita niyong nangisay at namatay na anak ninyo bulong ni syra habang minamaneho ang sasakyan.
Bumalik naman si christian kila chuchay,wala na si syra dun sa kwarto niya naglayas.
Humanda ka sakin syra napakasama mo talaga,anak kong walang ka muwang muwang sa nangyari idadamay mo,bulong ko sa sarili.
Dadalhin ko na si cristine sa mansyon,agad kung sabi kay christian.
Pero..
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil nagsalita nku ulit.
Bakit ayaw mo,hindi ka papayag galit kung tanung.
Hindi sa ganun chuchay,panu kung idemanda kana naman ni syra na ninakaw mo anak niya alam mong legal pa si syra na ina ni cristine sa birth niya.
Wag kang mag alala may plano nku para mabalik sakin ang karapatan ko kay cristine bilang tunay niyang ina.
Kung gusto mo makita si cristine dalawin mo na lang siya sa mansyon.
Ok ok sige kung yun ang plano mo,agad naman na sabi ni christian.
manong dalhin niyo sa prisento ang yaya ni cristine utos ni christian sa kanyang driver.
Pagkatapos iligpit ang mga gamit ni cristine ay lumakad na kami,buhat buhat ko si cristine palabas nang gate sa bahay ni christian nang sumalubong pa samin si christian.
Mag iingat kayo,agad nitong sabi.
Tumango ako at Nginitian ko lang siya.
Cristine give me a hug to daddy.
Agad naman itinaas ni cristine ang kanyang kamay para yakapin ang daddy niya.
Nagulat naman ako nang kasama akong niyakap ni christian.
Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang paghawak ni christian sa likod ko at bumulong sa tenga ko.
I miss you so much chuchay.
Mit u too dady agad na sabat ni cristine nang marinig ang sinabi nang daddy niya.
Ngumiti naman si manang flor sa nakita.
at si ate inday na kinilig ulit niyuyugyog pa ang kamay ni philip nang makita niyang ang tapang nang mukha ni philip na tumingin sa kanya agad niya ito binitawan.
Sorry akala ko si manang flor.
Na nagpatawa naman sa kanila ni ondo cynthia at boknoy…
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top