Pagkalipas ng dalawang linggo ay Setyempre na! Grabi.. Di ko aakalaing mabubuhay pa kame sa kakakain sa loob ng isang buwan ng kamoteng kahoy na ginawang puto..
Naging payapa na ang hampas ng dagat sa dalampasigan.. Kaya pwedeng pwede ng mangisda..
Ganun parin nman sila tita sa akin.. Pero mejo di na sila kagay ng dati na palaging galit…
Hinihintay ko nlng talaga ang araw na mapatawad nila ako..
Sabado ngayon at nandito kame sa tabing dagat upang antaying makauwe sila tito galing sa laot..
Masarap sa pakiramdam ang pagtama ng sinag ng araw sa aking balat.. Naamoy ko na ang masarap na amoy ng bagong huLing isda..
Kaso ang problema wala parin kameng bigas kaya puto na nman ang kakainin namin mamaya.
Nakita kong paparating na sila tito.. Mukhang madaming huLing isda dahiL malayo palang ay tanaw ko na ang masayang mukha ni Long at boboy ..
At tama nga ko. Madami nga silang malambat na isda..
Agad na ibententa namin ang huling isda sa bahay ni kapitan..
Kami ni Long ang nagdala. Mejo hirap kameng buhatin pero di yun alintana dahiL mas nangibabaw ang saya namin at sa wakas makakabili na kme ng bigas..
“Ate Esang? Buhatin mo pa ” sabi ni Long sa akin ng maramdaman nyang sumayad ang pwet ng basket na bitbit namin sa lupa.
” ay. Sorry. Sge. ”
Pagkadating namin kela kap ay inantay naming timbangin ang mga dala naming isda.
“Esang? Totoo ba ang bali balita na kaya ka di nakapasok ngayon ay dahiL nagbulakboL ka daw nung nakaraang pasukan? “si Ante Aurora Na asawa ni Kap.
“Opo, “nahihiya kong sagot habang...