Mga iLang Linggo na rin ang Lumipas at tanging puro puto lang ang aming kinakain.. Wala rin kaseng gustomg magpautang sa amin ng bigas.. Talagang hinihigpitan ang kani kanilang sinturon para makaraos sa buwan ng taggutom..
Dalawang Linggo nLang at setyempre na. Ibig sabihin ay medyo sasagana na nmn ang baryo namin dahiL sa pakuha sa lambat.
“oh ito.. Tag isa tayo .”si tita habang isa isang inaabot sa amin ang putong kamoteng kahoy na walang lasa dahiL di nalagyan ng asukal..
Tanghalian na namin ngayon at tulad ng nakasanayan ay sabay sabay kameng kumain sa hapag kainan.
Kinagat ko ang matigas na puto.. Bahaw na kase ito.. Sa loob ng dalawang linggo na puro puto lang ang aming nagsisilbing kanin ay pakiramdam ko ay mapait na ang lasa neto. Pero wala ni isa man sa amin ang nagreklamo ..
Ang kamoteng kahoy ang nagliligtas sa amin sa gutom at sa mga darating pang araw…
“Tito ..ayaw ko na pong kumain.. Di ko na po talaga kaya pang kumain neto nakakasawa na eh.. Ang tigas tigas pa. Ehhhh “, pagbasag ni Marya sa katahikan ng aming hapag.
“wag ka ng mag inarte Marya,ang isipin mo. Ay ang makaraos tayo “,sabi ni tita.
Spoild kse si Marya kay tita siguro dahiL bunso. Sya lang kase ang pwedeng maglakwatsa sa amin dahiL madalas di sya napapalo.. Khit mangupit pa nga...