Teenaged Marriage Chapter 6


Rodney’s pov
Umuwi ako sa amin naabutan ko si Maylene nag iisa. Nagdidilig ng mga halaman ni inay..
Nakatalikod siya..dahan-dahan akong lumapit sa likuran niya.. At dinot dot ko sya sa Kanyang batok.
Haaaaay! Kabayooooo!!Sigaw niya sa gulat.
Sa halip na sa halaman ay sa akin niyang naitotok ang hose ng tubig..
Hoy anu ba! Maylene! Wag mo akong basain!
Pigil ko sa kanya..
Kasi ikaw eh nanggugulat ka! Paninisi niyang sakin..LAlo pa niya akong binasa ng tubig..
Hindi na ako nakapag pag Pigil inagaw ko sa kanya ang hose at siya naman ang binasa ko.
Dahilan para mpatakbo siya sa loob ng bahay.
Dumeretso siya sa kwarto namin.
“Maylene buksan mo nga ang pinto!” sigaw ko sa kanya. Sabay katok ko sa pinto.
Maghintay ka pwdi!
Bilisan mo kukuha ako ng damit ko!
Binuksan niya ang pinto at inihagis sa akin ang mga bihisan ko..ayan!! Sabay sarado uli ng pinto.. Na agad Kong pinigilan.
Anu ba Rodney anu pa ba ang kailangan mo?
Umalis ka nga dyan!
Bakit mo ako tinatanong eh silid ko to! Sagot ko sa kanya..
Pwde ba wag mo akong harangan..wika ko kanya sabay tulak ng pinto..
Sige itulak mo! Nakahubad ako makikita mo ako! Bahala ka! Pananakot niya sa akin.saglit akong .natigilan.. Napangisi ako sa sinabi niya..
Talagang ako ang tinakot niya..
“Bilisan mo na nga! Bulyaw ko sa kanya..
” Anu ba kasi ang kailangan mo dito binigay ko
Na nga ang bihisan mo!
“Bakit mo ba ako tinatanong. Silid ko nga ito
Kayang gagawin ko ang gusto Kong gawin dito
At papasok ako kung kailan ko gusto anu ba? Napipikon kung wika sa kanya..
” Oo na maghintay ka Alisin mo ang kamay mo dyan at bibihis ako!!
Isang oras din bago niya ako pinagbuksan..
” Anu bang problima mo nakita ang tagal tagal mo?”, Inis Kong turan sa kanya.
“Matagal akong mag bihis bakit ba?
Anu bang ginagawa mo dito?
” Dito ako matutulog, bakit may problima ba?
“Wala naman, doon muna ako sa silid ni kuya Rex.. Sagot niya sakin..
” E Di bahala ka! Wika ko sabay higa sa kama ko.. Hmm.. Namis ko din tong higaan ko.
Mula ng bata ako dito na ako nahihiga..
Kaya sanay ako dito Hindi ako Hindi ako komportabli sa silid ni kuya Rex.
Lumabas si Maylene at tumungo sa silid ni kuya.. Nag taka ako sa babaeng yon
Pakiramdam ko iniiwasan niya rin ako..
Tsk! Bahala ka dyan. Hindi ko siya pinansin.. Gusto ko lamang mag pahinga n pagod ako sa biyahi..
Maya maya ay dumating si kuya Samuel kasama si Paolo.
Hinayaan ko lang Sila. Dahil gusto ko munang mapa isa.. Sa silid ko.. Hanggang sa nkatulog ako.. Alas Dyes na yon ng gabi.. Ng magising ako.. Alaala ko Maylene kung saan sya matulog wala siya sa higaan ko.. Nandoon si Paolo
Kinabahan ako baka mag katabi sila..sa silid ni kuya Rex..
Lumabas ako ng silid, agad akong pinuntahan sa kwarto ni kuya.. Walang tao.. Nasa labas ng bahay si Paolo at si Maylene nag uusap sila sa ilalim ng Maliwanag na buwan..na animoy nagliligawan.
Naningkit ang mga mata ko makita ko sila. Maylene! Tawag ko sa kanya, saka ako lumapit at hinila ko sya sa braso papasok sa loob ng bahay..
Aray ko Rodney! Anuba Bitawan mo ako! Reklamo niya.
Wala akong pakialam Kong masasaktan sya. Dinala ko sya sa kwarto namin..
“Gabing-gabi na Nasa labas ka pa rin?Paninita ko sa kanya.
” Anu naman, kung Nasa labas pa ako, dyan lang naman ako sa bakuran natin ah!” Singhal niya sakin.
” Oo na dyan ka nga, pero may kausap kang ibang lalaki, habang ako na asawa mo nsa
kwarto, natutulog na, sige nga magandang bang tinggnan yon.?” sigaw ko sa...


kanya
” Marumi lang ang utak mo Rodney, wala kaming ginagawang masama!”wika niyang nakasigaw din.
” WLA pala ha? So anu babalik ka pa doon? Sige, lumabas ka pa! Tumabi kang matulog doon!Puntahan mo sya sa kwarto ni kuya Rex!!
Galit na sambit ko sa kanya.
Tininggan niya lang ako, umupo siya sa kama.. Hindi na siya nag salita at dahang dahang nahiga.. Umusog ako sa kanya.
Oh! Bakit ka Humumihiga diyan? Doon ka na labas na! Doon ka na kay Rex!! Inis Kong wika sa kanya bahagya ko syang tinulak..
Hindi na lang siya kumibo at Inaayos ang higa at nagtalukbong ng kumot..nangangahulogang
Suko na siya sa argument niya sakin. Pero Hindi ko siya tinitigilan..Dahil nagalit talaga ako sa nakita ko kanina. Balak ko talaga syang awayin, mabuti na lamang at wala si nanay kaya makakasigaw ako hanggat gusto ko.
“Labas na! Sigaw ko sa kanya at Tinulak ko sya ulit..
” Anu ba Rodney wag magulo natutulog na ako!
Tumigil ka na nga! Oo na Mali na kung Mali! oh masaya ka na?wika niya.. Medyo bumaba ang
boses niya.
“Ganun na lang yon?
” Anu pa bang gusto mong gawin ko? Andito na nga ako, natutulog na ang gulo gulo mo pa?
Hindi ka ba talaga titigil?wika niya na nalukulitan na naman sa ginagawa ko..
“Yannnn! Dyan ka magaling Maylene! Kanina ang bait mo habang kausap mo ang pinsan ko
Parang kayong, magkasintahan sa ilalim ng buwan, ngayon ako ang asawa mo, ayan
Ang angas mo, nakasigaw ka pa! Panunuya ko sa kanya.
” Kasi nman ikaw eh, kanina ka pa, hindi mo ako tinitigilan, inaaaway mo ako. Sorry na nga!
Hindi na mauulit. Wika niya sa malumanay na
Tinig.
” Yan, yan lang nman ang gusto Kong marinig sayo, aminin mong Mali ka! marunong ka nman palang mag sorry…wika ko na medyo kumalma na ang pakiramdam ko. Ilang saglit din ang katahimikan samin ng. Mga sandaling iyon.
Nagkatinginan kami.
Biglang naging maamo ang mukha niya..kahit Hindi ganong kaliwanag ang ilaw sa silid ko nababanaag ko ang Maganda at kaya-aya niyang mukha. Parang gusto ko yong hawakan, haplusin at
halikan, pero sa halip na gawin yon ay tumalikod na lang ako sa kanya, baka saan pa
Mapunta yon..
Dumikit siya sa likuran ko.. At niyakap ako.”.anu ba naman yan Maylene! Sigaw ng utak. At parang nangingilabot ako sa ginagawa niya sa likuran ko. Parang gusto ko syang sunghaban.
Rodney,, mahinang usal niya.. Umayos ako ng higa at tininggan ko siya.. Palapit ang mukha niya sakin. Parang Di ko yata kaya to.. Parang mahuhulog na yata ako sa tukso ni Eva..ang lapit namin sa isat isa.. Magkadikit ang mga katawan namin.. Umiinit ang pakiramdam ko.
Pakiramdam ko Hindi ko sya kayang tangihan..
Naghihintay lang ang Kanyang labi na dampian ko halik…na animoy malambot at matamis dahil sa Malarosas nitong kulay . Ang mga mata niya’y mapungay at nangungusap na para bang sinasabing take me now Rodney. Hindi na ako makahinga sa sobrang pagpipigil..
Matulog na tayo Maylene.. Sa wakas na sambit ko sa kanya..
Okay goodnight, Rodney.. Wika niya sabay ninakawan ako ng halik sa labi,at agad na tumalikod at natakip ng unan..
Napapangiti akong tininggan siya.. Marahil ay nahihiya siya sa ginawa niya. Hindi ko na lang siya sinita at baka kung saan pa mapunta ang iyon. Afterall Nagustuhan ko rin naman. Naihawak ko ang hintuturo ko sa labi ko na hinalikan niya kanina. Tama nga ang hinala ko kanina malambot at matamis ang labi kahit saglit lang iyon. Huminga ako ng malalim.. Strugel is real na nman ito ngayon gabi.. Panigurado mapupuyat na Naman ako nito.. Kya minsan ayaw ko syang katabi.. Kung anu anu ang naiisip ko ..Hay naku Maylene.. Usal ko sa isip ko habang Nakatingin sa kanya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top