BANGUNGOT


BANGUNGOT
Minulat ko ang aking mga mata dahil nakaramdam ako ng sobrang lamig. “Nasaan ako?” Tanong ko dahil purong puting paligid ang nakikita ko. Puting ceiling, pader, sahig, kumot, kama at unan. Walang bakas ng ibang kulay
Nasa loob ako ng isang silid na lahat ng bagay ay kulay puti. Walang pintuan at bintana
Isang painting ang nakita ko sa uluhan ng kama. Isang painting ng karagatan.
Tumindig ang balahibo ko ng naka rinig ako ng isang boses ng matanda. Parang itong nahihirapang huminga
Pag lingon ko ay nakita ko ang isang matandang babae. Inaagnas na ang buo niyang katawan. Itim na ang balat. Puti’t luwa na ang mga mata. Nabubulok na din ang kaniyang dibdib at bilang na lang ang kaniyang napapanot na buhok
Ngumisi ito sa akin. Pero bigla itong gumapang ng mabilis na parang isang gagamba. Napaatras ako sa sobrang gulat at takot kaya nabunggo ko ang painting ng karagatan. Nalaglag ang painting at sa isang iglap ay biglang lumabas ang sobrang daming tubig dagat sa painting at sa isang iglap ay napuno ang kwarto ng buong tubig
Pagdilat ko ng mata ko ay nasa gitna na ako ng na nag wawalang karagatan, may bagyo. Isang malakas na alon ang nagpalubog muli sa ‘kin.
Minulat ko ang mata ko at nakakita ako ng sobrang laking muka ng tao. Nakanganga ito na papalapit sa akin
Tumalikod ako at lumangoy. Ipinikit ko ang mata ko at lumangoy papalayo. “Panginoon ko!” Kataka takang wala na akong naramdamang tubig. Pagmulat ko ng mata ay nasa lupa na ako, naka dapa. Tumingin ako sa paligid. Wala ng tubig. Nasaan ako?
Tumingin ako sa kalangitan. Bilog na bilog na ang buwan.
“hellp!” Napatingin ako sa pinaka madilim na parte ng lugar. Isang babaeng mataba ang tumatakbo. Nadapa ito. Lalapitan ko sana ito para tulungan ng may lumabas din sa pinanggalingan niya na isang halimaw ( Yung nasa picture )
Nag tago ako sa isang halaman. Pinanood ko kung anong gagawin ng halimaw sa babae.
Kinagat niya ang ulo ng babae. Hinati niya ang katawan nito. Tinapon sa direksyon...


ko ang kalahati at kinain niya ang isa pang kalahati
“Ahhh!” Sigaw ko. Napatingin sa ‘kin ang halimaw
Agad akong tumakbo sa mapunong lugar para mahirapan ang halimaw na habulin ako
Naka kita ako ng isang bata. Bata? Bakit may bata sa ganitong lugar?
Nakita ko siyang umakyat sa isang school building. School building!? Tumingin ako sa paligid. Walang bakas na naging school ang lugar na ‘to so pa’no nagkaroon ng school bulding dito?
Imbis na lampasan ang building ay dumiretso ako sa building para iligtas ang bata. Nang naka apaka ako sa hagdan ay nakita ko ang halimaw na papunta sa direksyon ko
Pag apak ko sa 2nd floor ay nakita ko sa dulong bahagi ang bata. Papunta siya sa 3rd floor. Nang naka apak na ako sa 3rd floor ay nakita ko naman siya sa dulo papuntang 4th floor. Bakit ang bilis niya?
Sumilip ako sa baba at nakita ko ang halimaw na malapit na. Anong gagawin ko?!
Pag apak ko sa 4th floor ay nakita ko ang bata sa dulo. Ito na pala ang last floor. Pumasok siya sa pinaka last na room kaya sumunod ako..
Pag pasok ko ay isang empty na classroom ang nadatnan ko. Nasaan ang bata? Pag locked ko ng pinto ay bigla itong sinira ng halimaw. Napa upo ako
“Lord! Help me!” Pagmamakaawa ko.
Paatras ako ng paatras at nang nasa dulo na ako ay bigla akong nahulog kung saan
“AAHHHH!” Napabangon ako. Tumingin ako sa paligid. Nasa hospital ako?!
“My gosh katy! Nahimatay ka kanina. Ayaw kang pag i-stayin ng bofrenie mo sa clinic, ang arte! Gusto sa hospital!” Maarteng sabi ng bestfriend ko
“Nasaan ako?”
“Nasa venus gurl arrg! Nasa hospital ka”
Hindi na ako nakipagtalo. Pinauwi na ako ng doctor. Si Chris lang naman ang nag pupumilit na mag stay ako eh
Nadapo ang tingin ko sa kabilang bed. Isang batang babae ang naka higa… OMG! Siya ‘yung bata na tumulong sa ‘kin
“Ano pong sakit niya?” Tanong ko sa nagbabantay sa batang babae
“4 Years na siyang coma!” Sabi ng babae — Nanay niya ata






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top