Lip Peel


Lip Peel
Author: MsBonnie
Genre: One-scene, Romance
…..
Pumasok akong classroom at naabutan ko si clea na nakabusangot ang mukha.
Nakakapanibago kasi lagi syang nakangiti, bale sya ang ‘sunshine girl’ ng room namin.
Pano ko kaya naging gf ito? Napaka out of my league eh.
Maganda, matalino, mabait, mahinhin, creative, basta! You name it, she has it.
So yun tinanong ko sya ng makaupo na ako sa upuan ko. Seat mate kami btw.
“Clea bakit ka nakabusangot??”
Tinignan nya lang ako at binuka ang bunganga na parang may balak syang sabihin ngunit sinara rin ulit.
Iniwasan nya ako at nagpatuloy sa pagbabasa nya ng libro.
Buong school time ay ganyan ang sitwasyon namin. Kakausapin ko sya, ibubuka nya bunganga nya tapos isasara ulit, hindi na nya ako papansinin, then back to 1st step tayo.
So yun, nung pauwi sabay kami naglalakad. Malapit lang kasi bahay namin sa school at isa’t isa.
Hindiako nakapagtimpi kaya naman hinila ko sya at iniharap sakin. Hawak ko ang dalawa nyang balikat.
“CLEA! Bakit… di mo ko pinapansin…?” Saad ko habang nakatingin sa sahig.
Di ko kinaya ang isang buong araw na di kami naguusap....


Naiiyak na ako.
“May nagawa ba akong mali? sabihin mo naman, oh”
“Hindi yung nagmumukha akong ewan rito”
At unti unti ng tumulo ang aking luha pero bigla nyang tinapik ang braso ko… smooth tap lang.
Iniangat ko tingin ko sa kanya at nagkasalubong ang mata namin.
Wait ito na ba yon?? Yung magtititigan kami tapoa unti unting maglalapit mukha namin tapos… magkikiss kami???
Hindi. Harvey ayusin mo nga utak mo. Conservative tong si Clea, respect naman.
Ngunit nasira ang pagpipigil na itong bigla syang magpout. More like –> ( ^3^)
Napalunok ako at tinignan ang mga mata nya.
“Sure ka ba?” Kinakabahan kong tanong. Magiging first kiss namin ito eh so need ko ng permission.
Nung una at nagtaka sya pero dahan dahan ring tumango.
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at ipinikit mga aking mga mata… ng bigla nyang itulak ang mukha ko.
Nagulat ako! Kaya naman napa atras ako kaagad ng maitulak nya mukha ko.
“Ambobo mo talaga harvey! MASAKIT YUNG LIPS KO. May sugat kasi nagbabalat! Kanina pa ako nagbibigay ng clue! Ouch potek!”
—no… naisip ko lang po tong scene na to—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top