When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 66


____
SANDRA’s POV:
“I WANT DNA TEST.”, madiin na turan ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone.
Panibagong araw kaya panibagong plano ang gagawin ko sa araw na ‘to.
Gusto kong matuklasan kung totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina.
Wala naman sigurong mali kung susubukan ko ang DNA diba?
Kaya oo, ito ang ginawa ko.
Kumuha ako ng isang tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina.
“10,000 pesos. Siguro naman, sapat na ‘yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.”, turan ko sa binata sabay labas ko ng pera.
“Opo Ma’am, akong bahala. Hindi ko kayo bibiguin.”, magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.
Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan.
Wala akong tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko.
Hindi rin muna ako umuwi sa mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa.
Umalis na rin ako sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya.
For almost one month, napamahal na rin ako ng konti sa mga tao do’n kahit na dakilang masungit ako.
Pero gano’n talaga. Sometimes we need to let go, lalo na kung alam mong niloloko ka lang pala ng kapartner mo.
I was very disappointed. Kasi siya yung pinagkatiwalaan ko ng plano ko, pero siya rin pala ang sisira sa akin.
Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit nagalit ako kay Derick. He lied to me. And he deserve to be hated.
PUMUNTA na ako sa building kung saan iniwan ko si David do’n para bantayan si Deo.
Kaso sa pagbalik ko, wala ang dalawa.
Wala sila sa loob.
Medyo kinabahan na ako dahil baka nakatakas na...


si Deo at napahamak ang binatang minamahal ko.
“David? David?!”, pagtatawag ko sa pangalan niya.
Halos sinilip ko ang bawat sulok ng lumang gusali para lang hanapin siya.
Pero kahit anong hanap ang gawin ko, wala akong nasilayan.
“Bullshit! Where are you, David?”, inis kong turan sa sarili.
Wala akong choice kundi ang tawagan siya baka sakaling sumagot ito.
Ilang beses rin tumunog ang cellphone niya, bago ito sinagot.
“Nasa’n ka ba, David ha?”, pagtatanong ko agad sa kabilang linya.
Iritado ang boses ko dahil hindi ko na naman gusto ang ginagawa niya.
Ang usapan namin, ‘wag niyang hahayaan na makatakas si Deo pero mukhang nalusutan siya ng demonyo.
“Nandito kami sa bahay ng parents namin.”, kalmadong turan nito.
“What? So kasama mo si Deo?”, muli kong saad.
“Yeah. Kinausap ko siya. And he said, may dapat pa daw akong malaman.”, wika niya sa akin.
Halos gigil kong hinilamos ang kamay ko sa aking mukha dahio sa kabobohan ni David.
“Are you really out of your mind? Naniwala ka sa kapatid mo? Uto-uto ka talaga, David! Binibigyan mo pa siya ng pagkakataon para takasan ang ginawa niya sa atin, lalo na sayo!”, paninigaw ko.
“Kate, he’s my brother. Alam kong nagkamali siya. Alam kong siniraan niya ako. But I choose to trust him again, this time. So please, hayaan mo muna kami. Nangako siya sa akin na tutulungan niya ako.”, mahinang sabi ng binata.
“David naman! Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo! Bakit ang dali para sayo na–“,
“I can also handle this. Just trust me.”, mabilis na sambit niya na hindi man lang ako pinatapos magsalita.
And yes, he ended the call.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang pinag-usapan nila!
Tangina!
©Binibining_Timoji
To be continue…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top