=Ace POV=
Bago ako umuwi , dumaan muna ako ng mall para bilhan ng pasalubong ang aking pinakamamahal na asawa. Dumaan na rin sa salon para magpa hair cut. Gusto kong gwapong gwapo ako sa paningin niya.
Tumabi rin ako sa isang flower shop at kasamang ini wrap doon ang chocolate na bili ko at ng card. Pink and beige color of roses
na kay bango at kay gandang pagmasdan.
Ewan ko ba napamahal na sa akin ang kulay na ito. Ito kasi ang kulay na suot suot ng nag iisang prinsesa ng buhay ko.
Di na ako kumatok para masorpresa siya. Pagbukas ko ng pinto, tahimik lang sa loob.
Agad ko syang hinanap. Nakita kong tulog na ito sa sofa. Nakadama ako ng awa dito, nakatulog siya sa kaka antay sa akin.
Inilagay ko sa kusina ang mga pinamili ko at nagsquat sa tabi nya. Napansin ko ang pamumunto ng kanyang mga mata. Kaya naalarma ako.. Marahan kong hinimas himas ang balikat nya at ginising.
Buti nagmulat din sya kaagad, medyo nagulat pa sya nang mamasdan ako.
“Kanina ka pa?”
“Ngayon ngayon lang..
Sorry ha.. Masyado kitang pinag antay..may dinaanan kasi ako.”
Pansin ko ang pagka irita sa mukha nya
“Sweetie.. Galing ka ba sa iyak?
” Naalala ko lang ang Inay..”
” Ganon ba.. O sige isipin mo ngayon na ako yong nanay mo,” tsaka ko sya niyakap sabay hagod sa likod nya.
Nang kumalas na kami, ipinaglandas nya ang mga daliri sa aking bagong hair cut.
” Bagay ba sweetie?”
“May pinapagwapohan ka ba?” di ako sigurado pero may bahid na selos ang tono ng pananalita nya.
“Mahal ko.. Buong puso akong humihingi ng pasensya. Pero natatandaan mo nong isang buwan tinanong kita kung halimbawa anak ko nga sya. Anong gagawin mo.”
” Ang sabi mo, I will be on my child side.
And you will be on my side..”
“Hindi ko nakakalimutan yon Ace..wala naman akong sinabi ah.”
“Para kasing galit ka ngayon. Kung anomang nasa loob mo, huwag mo sanang itago sakin. Hmm? Open communication tayo sweetie..”
But actually di ko naman sya masisisi kung magselos man sya ibig sabihin lang non.. Mahal nya akong talaga. Kaya Para mapanatag sya.. Lumapit ako sa mukha nya para halikan sya
Pero ipinagtataka ko, umiwas sya. Bigla akong nakadama ng kirot sa dibdib. Ayokong magkaroon kami ng lamat dahil lang sa may anak ako sa iba. Alam ko namang masakit, pero sa kanya ko pa rin naman ilalaan ang buong atensyon ko.
Maya maya iginaya ko na sya sa kusina para maghapunan. Pinaupo ko lang sya at ako ang nagprepare lahat. Di ko gusto tong ganito kami ramdam kong may tinatago sya sa akin.
Bago kami mag umpisa. Kinuha ko ang mga roses at lumuhod pa ako sabay abot sa kanya, tsaka ako nag sorry.
Niyakap sya at nag I love you.
=Nice POV=
Kanina pag uwi ko.. Diretso ako sumubsob sa sofa at inilabas ang ilang araw ng naipong sakit at paninikip ng aking dibdib dahil sa katotohanang may anak siya kay Alodia. Pagkatapos ganon pa yong masasaksihan ko kanina?
Kahit anong pilit kong kumbinsihin ang aking sarili na ako ang mahal nya. Hindi pa rin nawawala ang pag aalala at pag ka insecure ko.
Parang lumalabas kasi na ako yong nagmumukhang kabit!
Lalo na nong nakita ko sila kanina. Larawan ng masayang pamilya. At hindi ako sigurado na wala na talaga syang nararamdaman para sa babaeng yon.
At paano nya nagawang makipaghalikan dito.
Ang sakit sakit sa dibdib nong makita mismo ng dalawang mata ko kung paano maglapat ang mga labi nila.
Mahal nya pa siguro si Alodia. Pinipilit nya lang itong kalimutan dahil sa inis nya dito. Maaaring nakakubli lang iyon sa puso nya. At kung tatanungin ko sya panigurado namang hindi sya aamin na mahal nya pa ito.
Kaya wala nang silbi pang komprontahin ko sya.
At bakit nya ako pinapapunta don? Pero kahit na si Alodia ang pakana ng text nayon sa akin, at kahit na inaakit lang sya nito.. malinaw pa rin na tinugon nya ang halik nito.
Kung ikokompara ang naging relasyon nila sa amin, mas lamang si Alodia. Malay ko ba kung sya pala ang first love nya.. At diba ang first love hindi basta2 nawawala yon. Nakaukit na yon sa puso nya, dinedeny nya lang.
Kaya kahit anong pilit kung umaktong normal hindi e. Di oobra ang galing ko sa pag arte ngayon. Selos na selos ako!
At di ko din kinayang makipaghalikan sa kanya kanina. Maaalala ko lang ang halikan nila.
Siguro lilipas din tong sakit.. Magkakalamat at magkakailanganan lang kami kung uusisain ko pa sya at sasabihan ang tungkol sa nakita ko. It’s better to keep it this way. Hindi muna ngayon. This is my way on how to fight for this love. Even if it felts like dying inside.
At kung halimbawa man na may feelings pa sya sa kanya. I will discover and prove it myself.
Nong pumasok na kami ng kwarto diretso nya akong niyakap mula sa likuran. And started to kiss me gently on my neck. And then he turned me about and lifted my chin. And slowly lower his lips onto mine.. I tried to act normal and respond to his kisses, it is always passionate...