Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
” Zeny , tingnan mo ang ginawa mo , mas lalo mong sinaktan si Elise ! ”
Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit kay Zeny.
” Dominick sorry.Hindi ko alam na nasa likod mo si Ate.”
” Anong hindi mo alam ? Ang sabihin mo talagang plano mo yun para lalong magalit sa akin si Elise.”
” Maniwala ka naman sa akin Dominick , pupuntahan ko si Ate para magpaliwanag.”
” Wag mo na yang gawin dahil kahit anong sabihin mo sa kanya hindi siya maniniwala , Sagutin mo nalang ang tanong ko , paano at sino ang nakabuntis sa iyo ” Sigurado naman na hindi sa akin ang batang yan dahil simula ng umalis ka ng bansang ito ay hindi kana nagparamdam sa akin.”
” Dominick , bukod sa trabaho ko umalis ako ng bansang ito para mag-isip.Alam kong ako ang dahilan ng hiwalayan nyo ni Ate.Alam kong masakit para sa kanya ang palayain ka.Ang ipaubaya ka sa akin.At ngayon , bumalik ako para ayusin ang lahat ng sinira ko.Makikipaghiwalay na ako sayo.Lalayuan na kita.At tungkol sa batang nasa sinapupunan ko , Hindi ko alam kung sinong nakabuntis sa akin , lasing ako ng gabing iyon.”
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi sa akin ni Zeny.
” At talagang dito pa kayo naglalandian sa bahay namin.Hayop ka Dominick , sinaktan mo na naman si Bella.Umiiyak na naman siya ng dahil sa’yo ”
Bigla nalang ako sinuntok ni Franco.
” Pinatuloy kita dito sa bahay namin ng maayos tapos ganito ang igaganti mo ! Dominick , ito ang tandaan mo simula sa araw na ito kalimutan mo ng kaibigan mo ako at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa kay Bella.”
Umiiyak na si Zeny habang inaawat kami ni Franco.
Hindi ko na nagawang pang gumanti ng suntok .
Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng biglang may mga guard na lumapit sakin.
” Sir , pasensya na po pero umalis na kayo dito dahil nanggugulo kayo ”
” Pasensya na po sa gulong nagawa namin , aalis nalang po kami. ”
Si Zeny na ang nagsalita dahil pinagtitinginan na kami ng mga bisita dito.
Lumapit naman sa amin ang mama ni Franco.
” Hindi ko akalaing magagawa mong paiyakin na naman si Bella.Nagtiwala ako sa’yo Dominick pero anong ginawa mo ? Sinira mo din ang party ko.Patawad pero umalis na kayo ng girlfriend mo sa bahay ko at huwag ng bumalik pa kahit kailan.”
” Tita Sorry ”
Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat.
Lalong lalo na kay Elise.
Sinamahan kami ng mga gwardya patungo sa aming kotse.
Kahit buntis si Zeny ay siya na ang nag drive dahil alam niyang hindi ko magagawang magmaneho ng maayos ngayon.
Huli na ng ma-realize kong mahal ko si Elise.
” Dominick , pangako aayusin ko ang lahat ng ito.Pero sa ngayon kailangan mo munang magpagaling dahil may sugat ang mukha mo sa pagkakasuntok sa’yo … ”
” Wag mo muna akong kausapin Zeny , baka sayo ko ibaling ang galit ko.”
( ELISE / BELLA – POV )
Papunta ako sa likod ng bahay nina Franco.
May daan kase dito patungo sa kanilang banyo.
Pero sana pala hindi na ako dumaan pa dito , narinig ko kaseng nag-uusap sina Sky at ang bunso kong kapatid...