CRAZY EX- WIFE” CHAPTER 30


– Lorraine –
Minulat ko ang mga mata ko at nagtataka kung san ako. Bumangon ako bigla pero napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Naisip ko si Reyden dahil baka hinahanap na ako non.
” Lorraine wag ka munang gumalaw-galaw baka matumba ka ulit” napalingon ako sa nagsalita.
” Mark anong ginagawa ko dito? Bakit dito ako?”
” Nawalan ka ng malay. Muntik kana ring masagasaan kung di mo naaalala. Mabuti nalang at nasagip kita. Wala kabang kasama sa tinutuluyan mo? Mahirap kapag nagkakasakit ka at walang nag aalaga sayo ”
” Salamat sa pagtulong Mark pero uuwi na ako. Kaya ko na ang sarili ko”
” Maputla kapa at mahina. Wag mong pilitin ang sarili mo. Ikukuha kita ng maka kain para lumakas ka”
Mahina nga ako at wala talagang lakas. Pinipilit ko lang ang sarili ko.
” Kainin mo muna tong niluto ko habang mainit pa. Kumain karin nitong prutas”
” B-Bakit dito mo ako dinala sa dating bahay natin Mark? Sana sa hospital mo nalang ako dinala. Dun may doktor at nurse na mag aasikaso sakin. Wala ka ng obligasyon sakin kaya dapat hindi mo na ginagawa ito. ”
” Nuon naman, kahit walang doktor at nurse gumagaling ka basta ako ang nag aalaga sayo. Naalala mo ba? Diba sinabi ko na sayo noon, masaya ako na pinagsisilbihan kita ”
” Mark noon yon, N-Nung hindi pa tayo naghihiwalay. Nung ako pa ang asawa mo hindi gaya ngayon—–”
” Shhh.. hayaan mo nalang na gawin ko to ngayon para sayo. Kailangan mo ng kasama ngayon at dito lang ako para samahan ka at alagaan ka. Sige na kainin mo na to Lorraine para gumaling ka agad”
” W-wala akong panlasa e. Wala akong gana kumain”
” Ito kainin mo muna tong orange. Mga maaasim muna kainin mo. Tiisin mo lang ah. ”
” Salamat Mark.”
” Maliit na bagay lang to. Wag kana magpasalamat dyan. ”
” Hindi mo na ako kailangan subuan kaya ko naman e. ”
” Sige na Lorraine. Gusto ko lang gawin to”
Pinilit kong kumain para gumaling agad ako. Umalis si Mark para imisin ang pinagkainan ko at inikot ko ang mata ko sa paligid. Wala paring nagbago sa bahay na to. Hindi nga lang kasing linis nung may tumitira pa dito. Kahit medyo nahihilo pa sinikap kong magwalis. Bigla ko lang namis gawin ito sa bahay na to. Lumabas ako sa may sala at napako ang mga mata ko sa mga larawang nakadikit sa dingding . Nandito pa lahat ng picture namin ni Mark maliban sa picture naming dalawa nung kinasal kaming dalawa. Sinira nya na kasi yon e. Namis ko ang litratong yon lalo nat isa yon sa pinaka paborito ko noong larawan namin kaya iningatan ko yon ng sobra ng ilang taon. Tumigil din ako sa nadaan kong picture frame. Buntis ako sa larawang yan at nakahawak si Mark sa tiyan ko na sobrang saya. Tinaob ko ang litratong yon dahil nakakaramdam ako ng lungkot. Nagsimula narin akong tanggalin ang lahat ng nakadikit na larawan namin na masayang-masaya kami. Wala na ito kaya kailangan na itong itapon o sunugin.
” Lorraine bakit mo tinatanggal ang mga yan? ”
” Itatapon ko na to Mark.”
” Ano? Hayaan mo lang yan dyan. Bakit mo ginagawa yan? Magpahinga kalang sa kwarto ”
” Hindi ko kasi kayang tingnan pa ang mga yan Mark kaya ako na mismo ang tatapon at susunog. Ano nga palang plano mo dito sa bahay? Ibebenta o pauupahan nalang?”
” Wala .. wala akong gagawin. Hindi ko ito ibebenta o pauupahan manlang. Umuuwi parin ako dito. Kaya ibalik mo yang mga larawang yan dahil yan ang nagpapaganda dito sa bahay. ”
” U-umuuwi ka parin dito?”
” O-o0 minsan”
” Bakit hindi mo pa tinatapon ang mga to kung umuuwi karin pala dito. Lalo kalang maiinis sakin sa twing makikita mo ang mga yan Mark”
” Walang kaso yun sakin. Gusto ko paring makita ang mga yan”
” Masasaktan kalang Mark ”
” Kahit na! Kahit na naiinis ako sayo at nasasaktan ako ayaw ko parin mawala ang mga yan.”
” Ang tapang mo Mark. Sana maging kasing tapang mo ako. Sana kaya ko parin makita ang mga yan habang magkasama tayo. Kulang na yan. Sinira mo na ang mas magandang larawan sa lahat kaya para sakin hindi na dapat pahalagahan ang mga natira. ”
” Ang mga natitirang larawan natin na masayang magkasama ang nagbibigay buhay sa bahay nato. Kahit hindi na tayo magkasama dito, kahit sa larawan lang, minsang may nabuong masayang pamilya dito. Pamilyang binuo natin nung magkasama pa tayo. Yan nalang ang maiiwan nating masayang ala-ala dito sa sandaling lumabas nanaman tayo dito at bumalik sa kanya-kanya nating pamilya ”
Kinuha nya ang mga kamay ko para ibalik ko ang lahat.
” Kapag lumabas na tayo dito, ikaw lang ang merong pamilyang pupuntahan kasi ako, nakikisali lang ako sa pamilya ng iba. Nagpapa ampon lang ako sa iba. Nasa proseso palang ang lahat ng sakin samantalang ikaw, buo kana. ”
Tinitigan nya ako sa mata.
” Bakit ka kasi umalis dito sa bahay ? Umalis na nga ako, umalis ka din. ”
” Anong gusto mo? Mag stay ako dito mag- isa? Nabaliw na nga ako diba? Kung nag stay ako dito, hindi mo na ako makikita ngayon”
” Hindi mangyayare yon ”
” Paanong hindi mangyayare yon? ”
” Dahil bumalik ako. Binalikan kita ulit. ” Nanghina ako lalo sa sinabi ni Mark.
” B-Bumalik ka? ”
” Oo pero wala akong nadatnan dito. Nag stay ako ng ilang araw ulit dito dahil baka bumalik kapa pero walang bumalik. Si Jane ang nandyan para sakin nung nawala...


ka. Wag na natin pag usapan yon naiinis ako. Naiinis parin ako sayo hanggang ngayon “.Kahit na sinabi nyang naiinis sya sakin hindi ko yon makita sa mga mata nya ngayon habang nagsasalita sya.
” I’m sorry Mark. Sorry kong wala ka ng nadatnan pagbalik mo dito. ” Nilamig ako nang humangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Habang tumatagal lalong lumalamig ang pakiramdam ko. Nasabik ako sa init bigla.
” A-ayos kalang Lorraine? Nilalamig ka?” Nahihiya akong magsalita na nilalamig talaga ako. Hinubad nya ang jacket nya at binalot sakin.
” Magsabi kalang kung anong kailangan mo. Pero kung nahihiya ka, gagawin ko nalang para sayo” niyakap ako ni Mark. Ang sarap sa pakiramdam kaya napapikit ako. Hindi pako nagsasalita pero alam nya na ang kailangan ko.
Maya-maya ay kumalas si Mark kaya napamulat ako. Binigyan ko sya ng pagtatakang tingin. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha at isip. Bigla nalang nya akong hinalikan
– Jane –
Kinuha ko ang susi sa tinurong bodega ni Mitch. Binuksan ko ang ilaw at bumungad sa akin ang mga inabandonang mga gamit. Hindi ko alam kung san ako magsisimula napakarami ng laman nito. Inuubo narin ako sa mga alikabok .
Nagulat pako ng may biglang tumalon na pusang itim. Akala ko ay kung ano na. Lalo lang akong kinabahan. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Matagal ko ng iniimbestigahan si Mark pero iba ang nararamdaman ko ngayon.
Letse talagang pusa ito! Hindi ako makahanap ng maayos. Kumuha ako ng walis para patamaan ang hayop na ito. Natamaan ng walis ko ang mga babasaging mga gamit kaya nilapitan ko agad ito para imisin. May umuudyok saking buksan ang isang kahon kaya binuksan ko ito kaya hindi ako makagalaw sa sobrang gulat ko sa nakita ko. Si Mark kasama ang sinasabi nyang pinsan lang nya. Sya, si Lorraine at ang Ex-wife nya ay iisa lang. Pinagmukha nyo akong tanga! Umagos ang mva luha ko sa mata dahil sa sakit at galit. Bakit ka nagsinungaling Mark ? Bakit hindi mo sinabi na sya ang dati mong asawa! Ang saya nila sa larawang ito at kahit na luma at madumi na ito, nakikita ko parin ang saya ni Mark habang nakatingin sa babaeng yon! Mga tinging hindi ko pa nakikita sa kanya sa loob ng maraming taon naming pagsasama. Bakit hindi pa nya ito sinusunog?! Tinitingnan nya parin ba to?! Bakit naka kahon lang to?!!! Pinunit ko ng pinong-pino ang larawan nilang dalawa at nanginginig ako sa galit. Ang tanga-tanga ko! Hindi ko manlang naisip na sya ang babaeng yon! Ano nang namamagitan sa inyo ngayon?!
AHHHHHHH!!! Nagwala ako sa loob ng bodega at wala akong pakialam kung mabasag ko man lahat ng mga gamit dito.
Dali-daling pumasok si Mitch sa loob ng marinig nya ang sigaw ko.
” Jane! Anong ginagawa mo?! Bakit?!”
” Bakit?! Sabi mo hindi manloloko ang kapatid mo! Nagkaka mabutihan lang naman ulit sila ng ex wife nya ngayon! Pinagmukha nya akong tanga! ”
” Ano?! Si Lorraine? At pano naman nalaman? ”
” Bakit hindi mo tanungin sa magaling mong kapatid?! ” Ang sama-sama ng loob ko. At ngayong wala nanaman si Mark siguradong magkasama nanaman sila!
– Mark –
Nang yakapin ko si Lorraine dun ko naisip na wala na pala akong galit na nararamdaman sa kanya. Kung meron man akong nararamdaman sa kanya, yun ay muli akong nasabik sa kanya. Namimis ko ang yakap at init ng halik nya.
🎢 Kung gabi ang dilim ay laganap na🎢
At mata ng daigdig ay nabulag na
Sa harap ng aking wari’y kawalan
Init mo ang aking nararamdaman
Parang apoy ang init mo sa magdamag
Lalo lang lumalim ang halik ko sa kanya ng magpabaya ang mga labi nya.
🎢 Saan man naroon ay mayroong halik 🎢
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadama’ng pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag
Nadama ko ang pagiging sabik nya sa bawat haplos ko sa kanya. Alam kong nagugustuhan nya rin ang ginagawa ko
🎢 Kung langit sa akin ay ipagkait 🎢
Dito sa init mo’y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na
May luha at tamis
Nasaan ka, pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Nakita kong tumulo ang mga luha nya at para bang nagsasabi na mahal nya parin ako.
🎢 Saan man naroon ay mayroong halik🎢
( Sa bising mo’y sabik)
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
( Sa init ng halik)
Sumisigaw ang aking bawat sandali
( May luha at tamis)
Nadama’ng pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag
– Lorraine –
Hindi ko maikakailang sa mga oras na to ay wala akong gustong pigilan si Mark. Hinahanap sya ng katawan ko ngayon. Nadadala ako sa bawat haplos nya. Walang laman ang aking isip kundi si Mark at ang tunay na sayang ngayon ko lang ulit naramdaman na sya ang dahilan.
🎢 Kung langit sa akin ay ipagkait🎢
Dito sa init mo’y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasaan ka, pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag
Sa magdamag ….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top