O N E L A S T C H A N C E CHAPTER 02


by: Kirsty😚
HABANG nag aayos ang dalaga para sa pupuntahan niya. *knock*knock*. Agad agad niyang inayos ang sarili at patakbong binuksan ang pinto. Medyo nagulat ito pero nagawa paring ngumiti. “Aling Selma, Good Morning po” bati nito. Inirapan lamang siya ng matanda. Siya kase ang may ari ng tinitirhan nitong bahay.
“San punta mo? Andito ako kase ipapaalala ko yung bayad mo. Dalawang buwan ng delay and upa mo ah. Anong nangyare sayo? Ngayon lang toh nangyare. Dati rati naman ikaw pa nauunang mag bayad ah.” nasabi nito.
“Ah pasensya na po. Gagawan ko po ng paraan. Natanggal po kase ako sa trabaho kaya hindi muna ako nakapag bayad. Pero nag hahanap na po ako ng trabaho ngayon. Babayaran ko po bukas lahat ng kulang ko” nakangiti nitong tugon.
Nilibas ng matanda ang isang papel. “Wala ako bukas. Uuwi akong probinsya kaya ito yung pangalan taong pag bibigyan mo ng bayad. Pamangkin ko yan. Alam mo naman kung saan ako nakatira basta pumunta ka doon pag magbabayad ka at ibibilin...


kita. Siya alis na ako at nag mamadali ako.” ani nito at nag madaling umalis. Napangiti ang dalaga. “Maraming salamat po! Ingat po kayo.” sigaw nito.
Pag kasara niya ng pinto ay tinignan niya ang papel. Nag kibit balikat ito at nag patuloy sa pag aayos ng sarili. ‘Buti nalang at malakas ako kay Aling Selma’ sabi nito sa sarili.
HABANG nag lalakad ito sa may gilid ng kalsada. Papunta kase siya sa inaplayan niyang kompanya at interview ngayon. Maaga pa at walking distance lang naman kaya nag lakad na siya. Makakatipid pa ito sa pamasahe. ‘San ko naman kukunin ang pera? Bibig mo talaga Jiji minsan nakaka bwisit.’ bulong nito sa sarili at padabog na nag lakad. Nang maka rating siya sa kompanyang inaplayan niya ay napatingin ito sa oras. May dalawang oras pa kaya dumiretcho siya sa cafeteria sa ibaba lamang ng kompanya.
-\\ sa comment section po yung continuation. Thank You.πŸ’—
-\\ pasensya na po sa mga d nakabasa ng Chapter 01 nadelete ko po kase.πŸ˜…






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Your Name Crisdalyn Pajinado

    ok

  2. Your Name Crisdalyn Pajinado

    ang ganda ng kwento gusto basahin hanggang dulo.

Leave a Reply


top