LAST CONVERSATION BUT THE LOVE IS WITHOUT ENDING


LAST CONVERSATION BUT THE LOVE IS WITHOUT ENDING
SINULAT NI: Sophia Bianca
Photo not mine. Ctto.
I’m Liza, 19 years old and a boring one. I hate to socialize.
Makipag-usap? Makisalamuha? I hate that. Simula pa lang talaga noon, tahimik na akong tao na walang gana makipag-usap sa strangers. Ano pang silbi ng pakikipag-usap kung plastic din naman ang kausap? Masasayang lang laway ko sa kakasalita tapos hindi rin naman ako pakikinggan.
I have only one friend at iyon ay si Karen. Siya lang talaga ang isang taong nakakaintind sa akin. She’s my best friend. All of my dramas, alam niya. Iiyak ako? Siya ang nandiyan? Magdadrama ako? Nakikinig siya. She’s one of my hero.
Siguro kaya ganito akong tao is kase I feel emptiness.
Yeah, I’m part of a broken family that’s why parang ang sama ng tingin ko sa mundo. Parang feel ko ang daya ng mundo pagdating sa akin. Ramdam ko na ang daming kulang sa buhay ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano yun.
“Liza, tawagan mo ‘yung ama among ang galing mambabae! Sabihin mo sa kaniya magpadala naman siya ng pera! Nako!” galit nag alit na sigaw ni Mama paglabas ko pa lang ng kwarto.
Araw-araw ganito, sigaw ni Mama dito, sigaw ni Mama doon. Ang gulo ng buhay ko no? Ano pa nga ba ang bago, eh araw-araw naman ganito ang nangyayare.
Nasanay na ako.
Bakit ba hindi ako biniyayaan ng isang masayang pamilya at kontento? Ni halos ginawa ko naman ang lahat ah parang maging maayos ang lahat. Dumating na nga sa point na nagmakaawa na ako kina Mama at Papa na mag-ayos sila pero ang taas ng pride nila pareho. Kaya naman, heto,-ako ang nagsa suffer. Ang bigat sa pakiramdam na ‘yung mga magulang mo hindi iniisip kung ano ang nararamdaman mo sa sitwasyon na ginawa nila. Parang bitbit mo ang mundo sa sobrang hirap ng sitwasyon.
Papa cheated on us. Nambabae siya kaya hindi na ako magtataka kung isang araw mapasa sa akin ang karma. Baka isang araw ako ang mag suffer sa ginawa ni Papa. Baka isang araw ako naman ang masaktan tulad ng pandadaya na ginawa ni Papa kaya durog na durog si Mama.
Ni hindi naisip ni Papa na may anak siyang babae.
That’s why, ayoko pumasok sa relationship. Ni wala akong gana makipag-kaibigan nga eh. Sapat na si Karen. Ni ayaw ko nga din gumamit ng social media. Ni ayaw ko din kumilala ng mga lalaki kase for me, walang true love sa internet. Scam ‘yun lahat.
Imagine sa cellphone lang kayo nagkakilala tapos mamahalin mo? Duh!!
“Liza,try new things!” wika ni Karen.
Pinagmasdan ko si Karen. Habang pinagmamasdan ko siya, may na-realize ako. Hindi habang buhay may Karen ako sa tabi ko kase may sarili siyang buhay. Napaisip ako, Paano na kaya ako kapag nagsawa sa akin ang bestfriend ko? Kase ang alam ko walang permanente eh kundi ang Diyos lang. Nakakalungkot isipin na darating ang araw na magkakaroon ng ibang kaibigan si Karen na mas hihigit sa akin.
Anong klaseng kaibigan ng aba ako? Edi sakit lang sa ulo!
“Ayoko,” maikli kong sagot sa kaniya.
“Sa edad mong ‘yan, pwede na magkaroon ng boyfriend!” pang-aasar pa niya.
“Karen hindi ako nagmamadali. It takes time. Ang totoo nga niyan ayaw ko magka boyfriend. Sasakit lang ulo ko.”
Umiling-iling lang siya.
I hate relationship. Siguro ay dahil nga sa sitwasyon ng pamilya naming.Natatakot ako na what if maging katulad din ako kina Mama? ‘Yung sa una lang masaya tapos kapag napagod na, hahanapin na sa iba ‘yung pagkukulang mo. I hate that.
Isang araw nga, umuwi si Papa sa bahay. Lasing na lasing ito kaya away na naman ang nangyare.
“Ano? Anong nakain mo at umuwi ka dito ha?” sigaw agad ni Mama.
Sobrang ingay ng boses ni Mama. Galit na galit siya. Nagreklamo na ang mga kapitbahay dahil sa away nina Mama at Papa.
Wala akong ibang magawa kundi takpan ang tenga ko. Pero kahit anong gawin ko, pumapasok sa tenga ko ang lahat ng mga mura ni Mama akay Papa. That time, parang gusto ko ng matapos ang lahat. Gulong-gulo na ang isip ko.
I tried to call Karen para ilabas ang mga problema ko. Paulit ulit lang naman ang problema ko eh, at iyon ay ang problema sa pamilya.
Hindi sinagot ni Karen ang tawag kaya dinaan ko na lang sa iyak ang lahat. Humagulhol ako ng iyak sa loob ng aking kwarto habang naririnig ko ang sigawan nina Mama at Papa.
Ang gulo ng isip ko. Nkaupo lang ako sa sahig sa isang sulok ng kwarto unti….someone sent a message to me.
Pinunasan ko ang mukha ko at kinuha ang phone na nasa tabi ko.
Andrian: Hi.
Ewan ko kung ano ang pumasok sa kokote ko kung bakit ako nag reply ng ‘Hello’ Siguro ay dahil gsto ko din ng makakausap man lang.
For the first time in my life, ngayon lang ako naging ganito.
Andrian: Pwede ba ako makipag kaibigan?
Doon nagsimula ang lahat. Kahit hindi ko naman siya kilala at kahit hindi ko naman siya nakikita man lang kahit sa cellphone, aaminin ko nagkakaroon ng payapa sa puso ko kapag kausap siya.
Dahil hindi ko naman sya kilala, kinuweto ko lahat ng nararamdaman ko. Ang saya lang kase alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Kahit nga problema ko lang ‘yung pinag-uusapan naming araw-araw ayos lang sa kaniya. Ni hindi siya nagreklamo.
Andrian: I know na hindi mo deserve ang pain na nararamdaman mo ngayon Liza but don’t worry magiging ayos din ang lahat. Pray ka lang lagi ha?
Lagi siyang ganito.
Wala kaming alam sa buhay ng isa’t-isa. Ni hindi naming alam ang address ng isa’t isa. Nii hindi kami nagbi video call. Hanngang chats lang kami hanggang sa umabot ng isang taong pag-uusap nmin.
Hindi naman siya nagbalak na manligaw o umamin man lang. Ewan hindi ko din naman alam kung may narraamdaman din siya...


para sa akin. Oo tama kayo, I fell. Nahulog ako sa kaniya kahit never ko siyang nakita. Nahulog ako sa kaniya kahit ni hindi ko pa naririnig ang boses niya.
All this time, kakainin ko rin pala ang sinabi ko na never akong ma- inlove sa taong hindi ko pa nakikita.
Andrian: Enjoy life. Tandaan mo ‘yun kase hindi mo deserve na magmukmok lang d’yan sa kwarto mo. You deserve to be happy, you deserve everything.
Siya ang nagp-realize sa akin sa mga bagay-bagay.
Andrian: Don’t be afraid to meet new people, Liza.
He’s so thoughtful.
Andrian: Wag kang magtatanim ng galit sa mga magulang mo ha kase sila pa rin ang dahilan kung bakit kita ka chat ngayon. Thankful nga ako sa mga magulang mo eh.
Napangiti ako sa sinabi niya.
‘Bakit naman?’
Andrian: Kase kung hindi dahil sa kanila, hindi kita makikilala. Walang Liza akong kausap ngayon. Hindi ko kausap ang babaeng katulad mo.
‘Ano bang pinagkaiba ko sa iba?’
Andrian: Basta you’re different.
He makes me smile sa mga sitwasyon na parang gusto ko ng sumuko sa buhay.
Andrian: I’m sure masungit ka.
‘Bakit mo alam?’
Andrian: Edi tunay nga? Liza, show your smile. Alam mo ba na mas gumaganda ang babae kapag ngumingiti kayo. So mag smile ka lagi ha.
‘Ok.’
Andrian: Protect your heart girl kase deserving dapat na laLaki ang makakuha niyan.
Hindi ko lang masabi na siya yung gusto ko na maging deserving.
Until one day, biglang nagbago ang lahat. Minsan na lang siya mag chat o mag-reply.
Hanggang sa…may nag chat sa akin ng isang lalaki din.
Paul: Ikaw ba ‘yung Liza na sinasabi ng pinsan kong si Andrian?
Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maintindihan kung bakit.
‘Opo ako nga po. Bakit po?’
Paul: Ibabalita ko lang sa’yo na ngayon ang libing niya.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa aking nabasa. Mabilis na dumaloy ang mga luha ko. Ang sakit. Ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa humagulhol na ako sa iyak dito sa kwarto.
“Anak!” pasok nina Mama at Papa sa kwarto ko dahil sa sobrag lakas ng iyak ko. Ang sakit-sakit. Ni hindi ko man lang pa nga siya nakikita o napapasalamatan ng harap-harapan tapos kinuha agad siya sa akin.
“Mama, Papa ang sakit-sakit!” sigaw ko habang niyayakap nila ako. Matagal pa ako bago napakalma.
Tinanong ko agad sa pinsan ni Andrian ang address para makapunta kami nina Mama. Hindi ako appayag na hindi siya makitakaht nasa kabaong na siya. Gusto ko siya mayakap.
Hindi ko maramdaman ang mga hita ko habang naglalakad papalapit sa kabong ni Andrian.
Nalaman ko na Andrian is a 23 years old at may sakit siya sa puso. Kaya pala minsan na lang siya mag chat nung mga nakaraang araw.
“Ang daya mo, ni wala ka man lang sinabi na may ganyan ka palang sakit. Andrian bakit naman ganito? Paano na uli ako? Ngayon, gusto ko sabihin sa’yo na sobrang thankful ako sa’yo kase naging pahinga kita sa nakakapagod kong sitwasyon. Mahal kita, Andrian,” umiiyak kong wika habang niyayakap ang kabaong niya.
Si Andrian ang nagpabago ng mindset na meron ako. Siya ang naging daan kung nasan ako ngayon. Siguro nga siya ang anghel na binibgay sa akin ng Diyos kaso maaga din kinuha sa akin.
Ang pagkawala pala niya ang magiging dahilan ng pagkagho ko uli.
Nalaman ko din na si Adrian ay matagal na palang walang magulang. Nalaman ko din na ako daw ang uanng abbaeng mianhal ni Andrian.
Sa lahat ng nalaman ko, mas lalo ko siyang minahal. Mas lalo ko siyang minahal kung kelan wala na siya.
Ilang taon ang lumipas, unti-unti akong nagmu-moving forward sa mga nangyare. Oo namimiss ko siya pero kailangan kong tanggapin na wala ng Anrian na magpapaalala sa akin ng lahat. At ngayon, ang dami kong kaibigan. Sabi nga ni Andrian na lagi niyang paalala, ‘wag ako matakot makipagkaibigan so I did.
Masaya pala. And ‘yun nga, Karen has a new friend. Tinanggap ko na lang ‘yun.
Ang hindi ko alam at hindi ko inaasahan, may mas sasaya pala.
Isang araw, pagkagaling ko sa school, natagpuan ko sina Mama at Papa na nagtatawanan sa salas. Anong ibig sabihin nito? Hindi maalis ang ngiti ko. Tama nga si Andrian,magtiwala lang ako, magdasal lang ako.
“Anak babawi kami sa’yo ng Mama mo. Anak sorry ha kung hidi kami naging mabuting mga magulang. Naging dahilan kami ng mga bawat iyak mo. Anak sorry. San amapatawad mo kami,” lapit sa akin ni Papa at niyakap ako.
Ang sarap sa pakiramdam dahil lahat ay mas naging maayos. Hindi ko alam pero ang saya. Pinakinggan ng Diyos ang lahat ng dasal ko.
Naging masaya nga ako. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at ngayon, nasa maayos at masayang pamilya na kami.
Lumipas ang tatlong taon, sa hindi inaasahang pagkakataon, may nabasa ako sa cellphone ni Mama. Halos humagulhol na naman ako sa iyak sa aking nabasa.
Andrian: Hi Tita. Ako nga po pala si Andrian, kaibigan ng anak ninyo. Tita bago po ang lahat, nagpapasalamat po ako sa inyo dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko nakilala si Liza. Tita may sasabihin lang po sana ako sa inyo. Naikukwento po sa akin ni Liza ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya ninyo. Lagi po siyang umiiyak dahil don kase nasasaktan siya na nkikita kayong nag-aaway lagi ni Tito. Alam po ninyo, sobra po akong nasasaktan para din po sa anak ninyo kase alam ko na hindi niya deserving ang ganun. So ‘yun lang po, pakisabi po sa kaniya na mag smile lagi siya ha at maging masaya po siyang tao. Tita, mahal ko po anak ninyo. Sana di po magkaayos na kayo ni Tito.
Message ‘yun ni Andrian kay Mama 4 years ago. Halos manakit ang dibdib ko dahil mas lalo ko siyang namiss. Bago talaga siya nawala, sinigurado niya lahat na maiiwan niya akong nasa maayos na kalagayan kase ayaw niyang nasasaktan ako.
Salamat Andrian, mahal kita. Hanggang sa muli.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top