CRAZY EX-WIFE CHAPTER 12


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 12
Seven years later..
– LORRAINE-
Hindi ko alam Kung isang panaginip lang ba Ang nangyayare sakin . Nagising nalang ako na Wala na akong nararamdamang sakit ng nakaraan. Marunong na akong makisalamuha sa Ibang tao. Marami na akong naging kaibigan dito sa states. Parang Wala na akong nararamdamang takot at kapag dumating ulit Yung time na masasaktan ako Kaya ko nang harapin. Hindi ko na masyadong iniisip Kung ano ba Ang sasabihin sakin ng Ibang tao Kung sakaling hindi Nila ako matanggap. Kaya ko ng mabuhay ng hindi naka depende sa iba. Hindi ko din alam Kung paano ko nakayanan at natanggap na Wala na kaming pag-asa ni Mark. Sa Kanya lang umikot Ang Mundo ko noon pero ngayon, Wala na akong nararamdaman sa kanya. At Ang paulit-ulit Lang na bumabalik sa utak ko ay Kung Pano nya ako pinagpalit sa iba Kung kelan kelangan ko syA sa buhay ko. Naaalala ko nalang pero Hindi ko na dinidibdib. Kinaya ko lahat ng Ito dahil tinulungan ako ni Alex. Hindi nya ako iniwan at sinukuan Gaya ni Lara. Sa kanila ko nakita Ang totoong pagmamahal at pagsasakripisyo.
” Lorraine handa kana ba talagang umuwi ?” Ngumiti ako Kay Alex .
” It’s time to go home. Panahon na para umuwi sa pilipinas dahil ilang taon narin pala akong nag stay dito. Ilang taon narin akong nawalay sa anak ko ” sa anak na Akala ko patay na Kaya naging baliw ulit ako.
” Kung ganon, sumunod kana sakin. Siguradong sasalubungin tayo ni Lara dahil sa sobrang excited non”
Excited din akong umuwi pero may parte saking kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam Kung matatanggap ba ako ng anak ko bilang mama nya Kung si Lara Ang nakasama nya ng mahabang panahon. Nang mapansin ni Alex na may iniisip akong malalim hinawakan nya Ang kamay ko .
” Relax .. Kilala ka ng anak mo Kaya wag Kang mag-alala. Matatanggap ka nya dahil tinuturuan syA ni Lara ”
– LARA-
” Tita where are you going? ” Nagtataka si Reyden dahil bihis na bihis ako . Wala pa kasi syang alam na darating na Ang mama nya
” Sasama kaba sakin?”
” Bibili Po tayo ng books?” Matalinong bata si Reyden at talagang mahilig syang mag-aral. Mabilis narin syang magbasa ng English at Tagalog. Curious syA sa mga bagay-bagay Kaya paborito nyang basahin Ang mga libro ko. Gusto nya maging kagaya ko pagdating ng araw para syA na raw magpapagaling sa mama nya. Sa murang edad pa lang pinaunawa ko nang mabuti sa kanya Ang nangyare sa mama nya para Hindi syA magtanim ng sama ng loob dito. Hindi ko Lang sinabi Ang tungkol sa papa nya, sa mga ginawa sa kanila para Hindi na magulo Ang isip nya. Ipapaubaya ko na Kay Lorraine Ang bagay na yon dahil syA lang may karapatan Kung sasabihin pa ba o Hindi na.
” Meron akong surprise sayo mamaya! Ready kana? ” Gusto nya ng sinosorpresa syA kaya alam ko sasama syA sakin
” Are you sure? Baka joke Lang Po ulit? ” Kaya ako natutuwa sa kanya dahil napaka segurista nya.. Hindi mo talaga maloko-loko Ang batang ito at napaka prangka din. Minsan nga, kahit itsura ng kalaro nya napapansin nya pa. Hindi syA nagsisinungaling. Kapag panget sa paningin nya sasabihin nya talaga. Palagi ko syang sinasabihan tungkol sa ganyang pag-uugali dahil nakakasakit syA ng damdamin. Minsan sinusunod nya ako. Minsan Hindi nya talaga mapigilan kapag nakakalimutan nya . Mas gusto nya kasi ng sinasabi Ang nararamdaman nya. Hindi nya ata namana Kay Lorraine Ang pagiging malihim ng damdamin...


.
” Totoo na Po Ito kuya Reyden . Hindi na Po ako nagbibiro haha ”
” Okay Po tita. Wait lang Po. Maliligo Lang Po ako at magbibihis. ” Hindi ko na syA sinasamahan maligo dahil big boy na daw syA. Gusto nya maging independent Kaya hinahayaan ko nalang syA. Baka kasi dun syA mag matured .
– MARK-
Umuwi ako agad dahil tumawag si Jane. Iyak daw ng iyak si Blessy dahil inaway ng anak ng kapitbahay namin. Hinahanap ako para magsumbong.
” Papa, inaway Po ako ni Mae ” sinalubong nya agad ako
.
” Bakit inaway Ang baby ko?”
” Sabi Po kasi ni Mae hindi mo daw tunay na asawa si Mama”
” Ha? Wag Kang makinig sa kanila ha? Asawa ko Ang mama Jane mo at Ikaw Ang nag-iisang baby ko. Ok? ”
” Promise? ”
” Promise baby ko” para sakin baby ko parin si Blessy kahit na malaki na syA at kahit na magdalaga na syA , syA parin Ang baby ko.
” Blessy, come na! Let’s take a bath na” papalapit na si Ate samin dahil gusto nyang syA Ang magpaligo sa pamangkin nya
” Papa ayaw ko Po Kay tita ! ”
” Why? Tita loves you kasi. Maglalaro Rin kayo ”
” Ayaw ko Po syang kalaro. She’s bad. Ginagawa nya Po akong parang pet ”
Natawa ako sa sinabi ng anak ko. Hindi sila magkasundo ng ate ko sa Ibang bagay pero sa kaartehan minsan Hindi sila mapaghiwalay.
” Blessy, binili Kita ng bagong damit. Para Kang princess pag sinuot mo to. Ano ligo na tayo? ”
” Tita Mitch, wait lang Po. Namimis ko Lang Po si papa. ” Masyadong malambing sakin si Blessy Kaya sinasabihan syang papa’s girl . Mas malapit syA sakin kesa sa mama nya. Palagi lang Kasi Silang nag-aaway at sakin magpapakampi.
” I miss you too baby ko. Sige na take a bath kana. Hindi kana amoy baby e. Amoy pet kana hahaha” napasimangot Ang anak ko at bumaba na sakin para magpaligo na Kay tita Mitch nya
” Papa, gusto ko Po mamasyal mamaya pagkatapos ko maligo kasama ka. Please papa? Please?”
” Yes baby. Hindi ako aalis hihintayin Kita at dadalhin kahit San mo gusto . Ayos?”
” Ayos Po”
Hindi ko nararamdaman Ang pagod at tensyon sa trabaho sa twing nakikita ko si Blessy. Sa kanya nalang ako humuhugot ng lakas sa kabila ng mga problema.
” Kumain kana ? ”
” Kumain nako sa office Jane. ”
” palagi ka nalang dun kumakain ah. Hindi na Kita nakakasabay sa pagkain. Mamaya, may nagpapakain na sayo don ah ”
” Jane pwede ba? Ayusin mo utak mo”
.
” Naninigurado lang ako Mark mahirap na masalisihan ”
Hindi ko na maintindihan si Jane Minsan dahil Ang dumi ng isip nya. Hindi na nga magka intidihan Ang trabaho ko, pinag- iisipan nya pa ako ng masama
” Wala akong Ibang Babae ok? Nagtatrabaho lang ako. Kung gusto mo sige, bukas dito nako kakain di bale nang late pumasok. ”
” It’s better to late than absent ” nakuha nya pa akong sagutin ng Ganyan . Nagbabago na Ang ugali nya sakin. Dati naiintindihan nya naman ako pero ngayon, puro nalang hinala .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top