Ito ay love story ng isang bad boy at isang Girl na walang ginawa kundi ang mag aral para sa ikabubuti nila ng pamilya .
Hi ako si john 17 years old ako nung nag aral ako sa Arellano University , 1st year college. Galing ako sa public school sa makati simula 1st year high hanggang 4th year high don ako nag aral. Yung 4 years ko don hindi naging maayos , sabhin na natin na isa ako sa mga sakit sa ulo ng mga teachers nung high school pako . Away dito away doon , cutting dito cutting doon at madalas akong napapatawag sa principal’s office. Ganon ako kalala pero sa awa ng Diyos nakagraduate naman ako. So jump na tayo sa first day ng college life ko sa A.U…
First day.. hinatid lang ako ni mama sa loob ng school then utol ko na nagturo sakin kung saan yung mga room ko then maya maya iniwan na din ako ni kuya kase may klase din sya. 1st subject ko di ako pumasok kase akala ko late nako kaya ginawa ko nag yosi nalang ako sa labas . Tas non eh umakyat nako ulit dun sa second subj ko kase kahit naman na gago ako eh trip ko din naman pumasok haha. So ayun pag akyat ko sarado pa yung room nagantay nalang ako tapat non , habang nagaantay ako buksan yung room dumating tong si pau . Yup siya yung babaeng kapartner ko sa story na to, yun nga dumating sya kasama nya yung step father nya eh ako napagtripan nilang tanungin kaya ayun usap usap onti tas nung paalis na yung step father nya eh sabe “ayan sama kna sa kanya magkaklase naman kayo” ako naman dedma kase sa isip isip ko lalayo din naman sya sakin kase mukha tlga akong siraulo haha . Then pumasok kame sa loob 2nd subj na whooo ! Tumabi sya sa isa pa namin nakilala that day dun kame pumwesto sa pinakalikod tatlo lang kame andon . Usap usap kame tanungan kung sino kame ganyan ganyan to make the story short eh nung first day ko din nakuha yung number nya kase kame kame lang magkakilala kaya nagbigayan kame ng contact para sa kinabukasan.Nung susunod na subj namin wala ng prof kaya nagdesisyon kame na umuwi nalang edi yon nagkahiwalay hiwalay na kame. Nung pauwi nako tinext ko siya tska inadd ko sya sa fb syempre ang dyosa eh haha . Yung mismong araw na yun nagkaron kame ng convo na asaran eh ako pikon ako kaya nun eh di nako natuwa katxt sya . Tas yun habang tumatagal kame magkasama eh nagiging tropapips kame . Pero nung bandang gitna ng 1st sem namin eh lumayo sya sakin .. ako kase that time eh wlang inintindi kundi bisyo , liwaliw palagi , tas cutting ng cutting sguro napaisip isip sya na layuan ako kase nga malala ako nung nakilala nya ako sobrang siraulo ko non .yung tipo na pumapasok ako eh sabog na sabog ako . So ayun lumayo sya hindi ko inintindi kase nga bisyo is life ako. That time Nagkaron sya ng kalove team sa isa sa mga kaklase namin edi ako lalo akong dedma kase nga alam ko may lovelife na sya baka makagulo pako. Ang nangyare nung mga panahon na yan eh nagkakausap kame , madalas namin pagusapan yung sitwasyon nya parang may hirap sa sitwasyon nya ganyan ganyan tas kinekwento din nya na seloso tong kaloveteam nya etc etc. Ako naman si boy payo ng payo usap ng usap sa kanya hanggang sa madalas na kame naguusap as in madalas lageng naabot kame sa madaling araw pero madalas naman pinagttripan nya lang ako sa convo. So ayun back to close na ulit kame pero sa chat lang yon kase sa personal eh lagi akong high haha kaya di ako namamansin tas sya din dyosa haba ng hair kaya di rin namamansin pero sa chat tlga nagkukulitan kame haha. Then tumagal ng ganon tas dumaan birthday ko sabay namin sinalubong mga banda dito pakners in crime na kame eh nakakapagopen up narin ako saknya ng mga problema ko at ganun sya . May sinbe sya sakin na ako lang ang nakakaalam tas ako din may snbe sknya na sya lang nakakaalam tlgang pakners na nga . Then yun nung asa nueva ecija ako gabe yon eto pinaka kilig moments ko nung nagaadik pako eh haha. Magkausap kame umamin ako sa kanya na gusto ko sya achuchuchu achuchuchu tas langya di nagrereply lumipas sguro yung 30 minutes wla akong natatanggap na reply . Edi inisip ko na wla na to di nako kakausapin neto awkward na nakakahiya . Tas patulog nako langya biglang nag vibrate ng nag vibrate cellphone ko ang meron syang mga message nawlan pala ako ng signal nung mga oras na yun . Tas yun nabasa ko yung message nya at nabigla ako ang pinakanaaalala ko sa mga txt nya ay “putangina mo nung first sem pa kita gusto” . Ako naman sobrang saya ko kase tingin ko tlga imposible yung maging kame kase nga sobrang siraulo ko tas hindi pako gwapo pero sya dyosa na matalino na tas aral is lyf pa dba ano panama ko sa mga manliligaw nya . Pero nangyre na nangyre nagwagi ako haha, pero di pa kame naging mag on non kase natatakot sya dahil bawal nga sya mag bf sa mga magulang nya .. edi m.u kame okay lang sakin kase nga nasasanay nadin ako na lagi kame magkausap tska aminado ako na habang m.u kame minamahal ko na sya . Tas april 15, 2016yun na tinanong ko sya na pabiro kung kailan ba magiging kami eh samantalang oo nalang nya kulang kameng kame na haha tas yun sumagot sya OO na daw edi tuwang tuwa ako syempre yung dyosa na dko naman inakala na magiging akin eh akin na sya ngayon . Simula...
It was a good fight pau :’)
thank you so much for this astonishing website me and my kin preferent this satisfied and penetration
Alam mo napagdaanan din nmin yan ng bf ko eh.Ilang beses kming naghiwalay pero nagkaka-ayos dn agad.Kasalanan man niya o kasalanan ako nagso-sorry sa knya dhil mahal na mahal ko siya.At ngaun sa jan-24 magwa-1 year na kmi ng taong mahal ko.Khit hindi siya lalaki
Hi jhon