BABYSITTER


BABYSITTER🍼
Synopsis.
Paano kung may isang lalake na hindi alam ang pagiging ama sakaniyang pamangkin na si baby Rhio na sa isang buwan palamang?
Ano ang gagawin niya?
At ito ang hindi niya pinakagustong gawin! Ayaw niya madagdagan ang lahat ng schedule niya!
At ito din ang dahilan kaya nawala sakaniya si Lea dahil ayaw niya namagkaanak! Takot siya bilang isang ama! Baka hindi niya magampanan ang respansilibilidad sa pagiging ama!
At ngayon dumating sakaniya si Rhio sa buhay niya?
Chapter1
“Alam na siguro ninyong dalawa bakit kayo nandito?” Tanong ni Shasha, sa dalawa na ngayon ay parang hindi na iintindihan kung bakit sila pinapunta dito sa orphan.
“Bakit po?” Inosenteng tanong ni Yani. Habang si Conrad ay nilalaro ang kamay nito na nakatingin kay Shasha.
Napailing si Shasha sa dalawang taong kaharap nya. Hindi niya akalain na ito ang dalawa na ang gaganap na magiging ama at ina ng baby na nandito.
“Conrad alam mo na diba?” Tanong ni Shasha. Tumango si Conrad dahil alam nya na magiging anak na nya si Rhio! Dahil ito ang hiling ni Ramon at Sandra bago pumanaw talagang naipasa ng dalawa ang responsibilidad na dapat sa mga ito!
“Ano bang pinunta ko dito? Pwedeng sabihin na ninyo nang deretsyo sakin! Dahil may gagawin pa ako!” Galit na sabi ni Yani. Inis naman tinignan ni Conrad ang dalaga na ngayon ay parang sinusumpong ng galit. Akala siguro din nito ay ginusto niya rin ang ganitong set-up!
“Ibigay niyo ang baby” sabi ni Shasha, ibinigay naman ng isang sister ang baby hindi naman tinanggap ng dalawa ang baby. Nagpakiramdaman pa ni Yani at Conrad kong sino sakanilang dalawa ang kukuha sa baby ngunit sadiyang si Yani nalang ang kumuha ng baby at pinatahan ang sanggol.
“Yan ang hiling ni Sandra, Yani ang kaibigan mong pumanaw dahil sa panganganak kay Rhio, kayong dalawa ni Conrad ang gustong mag alaga kay Rhio” nakangiti na paliwang ni Shasha sa mga ito.
Napailing lamang si Conrad talagang ayaw niya sa baby! At-at hindi niya alam paano mag alaga ng sanggol kaya ng nakipag break sakaniya si...


Lea!
Nakangiti-ngiti naman si Yani habang inaaliw ang sanggol. Iniwan muna ni Shasha ang dalawa upang mag usap ang mga ito.
“Ikaw na ang bahala sakaniya!” Sabi ni Cristobal. Aalis sana ito ng hawakan ni Yani ang suot nitong toxido kaya napahinto ito.
“Ako ang bahala? Ginto kaba? Tayo ang naka-asign na mag bantay sa bata! Responsibilidad natin ito!” Inis na wika ni Yani habang nakatingin kay Conrad na walang pakialam sa sinasabi.
Napatawa nang mariin si Conrad sa sinabi ni Yani.
“Para sayo Oo! Para sakin Hindi! Kaya wag mo akong isali dyan” diin na sabi ni Conrad na ikinagalit nya.
“Balewala para sayo? B*kla ka ba? Kung dika b*kla hindi ka takot na mag alaga ng bata!” Sigaw ni Yani kahit na nginginig ang lalamunan nito habang sinasabi yun ay nagiging matatag parin siya!
Binigyan ni Conrad ng masamang tingin si Yani ngunit ang atensyon ni Yani ay nasa bata kaya hindi nakikita ni Yani ang galit na mukha ni Conrad.
Inis na lumakad si Conrad patungo sa opisina ni Shasha upang sabihin dito na pumapayag na siya na maging isang guardian ni Rhio. Alang-alang narin sa kaibigan nyang napayapa!
“Are you sure? Baka mag bago ang isip mo?” Natatawang wika ni Shasha, ngunit tumango lang si Conrad upang ipabatid ma sumang-ayon na siya!
Habang si Yani naman ay umupo sa may bench habang pinapatahan ang walang tigil na iyak ng sanggol.
“Please baby ko, baka naman tumahan kana” sabi niYani sa baby. Dinuduyan niya pa ito gamit ang bisig at tinapik tapik ng mahina ang pwet.
“Baka kailangan ng breastfeed ang bata, dahil nagugutom na siya” sabi ni Shasha kay Yani na pinagpapawisan dahil hindi alam paano ipapakalma ang bata. Parang gustong matawa ni Conrad habang tinitignan si Yani sa ginagawa nito.
“Saan mo patitirahin si Yani? Upang mabantayan ang bata ng maigi?” Bulong ni Shasha sakaniya. Habang ang tingin nila ay kay Yani lang na nakatalikod ito habang nagpapa breastfeed sa bata.
“Baka sa bahay ko, sa resort dahil malapit lang sa tinatrabahoan ko” sabi ni Conrad. Tumango-tango naman si Shasha bilang sagot






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top