A WIFE’S CRY Chapter 12


Naisipan ni Lexter na puntahan si Aileen sa kwarto nito. Tanghali na kasi ay hindi pa ito gumigising. Napangiti na lang siya ng maalala dahil mga inakto nito kagabi.
Ewan niya ba napapangiti na lang siya kapag naiinis niya ito. Tapos ang cute pa nito magalit. At ang malala ngayon niya lang napansin ang mga bagay na yon.
Pagpasok niya sa kwarto nito naabutan niya itong natutulog pa nga at nakabalot pa ng kumot. Sigurado siyang nalate na ito ng tulog.”Tulog mantika.” Aniya.
Umupo siya sa kama nito at pinagmasdan ito habang tulog. Ngayon niya lang ito napagmasdan ng mabuti. Mas maganda pala ito kapag ganoon.
Nagulat siya ng magmulat ito ng mata at ng makita siya ay bigla itong sumigaw. “Anong ginagawa mo dito? May pinaplano ka sakin noh? Lumabas ka!” Sigaw nito.
“Bakit masama bang pagmasdan ka kapag tulog? Nahulog siya sa kama ng sipain siya nito at pinagbabato siya ng unan.” Wala akong tiwala sayong g*go ka! ”
Tumayo siya at saka sinabing.” You’re my wife, Aileen at walang masama sa ginagawa mo. At saka ito iniwan doon. Lumabas siya ng nakangiti.
“May binabalak ba ang k*mag na iyonBaka totohanin niya ang sinabi niya kagabi! G*ga mo kasi Aileen bat di mo nailock ang pinto!” Pagkausap niya sa sarili.
Nagdadabog siya ng pumunta ng banyo at doon nagsisigaw dahil sa inis. Nakakapanibago talaga si Lexter ibang iba sa Lexter na ang hilig ay saktan siya
Pagbaba niya akala niya makakahinga na siya ng maluwag luwag pero naabutan niya si Lexter na mukhang iniintay talaga siya.”Tingin tingin mo diyan?”
Pagtataray niya. Nagugutom na siya. Ay magluluto siya para sa sarili niya. Bahala na ito sa buhay nito.”Di pa din ako kumakain sabi nito.” Pake ko sayo? ”
“You should cook for me too.Inantay talaga kitang gumising.” Sabi nito kaya halos sumabog na siya dahil sa inis. “Ano ba talagang trip mo ha?” Gigil na siya.
“Hindi ako titigil hanggat di ka pumapayag na sumama sa birthday ni mama.” Sabi nito habang nakangisi pa. “Oo na! Tigilan mo na ko!” Aniya.Para mapatahimik ito.
Dibat sabi nga nito kagabi ay sasama siya kahit anong mangyari pero bakit ngayon nagpapaalam na ito. Hindi niya na talaga to maintindihan. Nakakasakit ng ulo.
Sayang saya si Lexter habang pinagmamasdan ang nagmamaktol na asawa. “Luto na kumain ka na! L*tche” Sabi nito. Umalis ito doon.
At mukhang sa kwarto nito kakain. Mukhang ayaw talaga siyang kasama. Nasanay na kasi siya sa luto nito. At hinahanap hanap niya na iyon.
Mabilis niyang naubos ang niluto nito. Nagliligpit na siya ng tumawag ang mama niya at nagpaalala na naman. “Pumunta ka. Dapat kasama mo si Aileen.”
Maya maya ay...


bumaba na si Aileen. “Ikaw na maghugas.” Walang gana nitong sabi.”Mag-ingat ka! Wag mong babasagin mga pinggan ko ha!”Paalala nito sa kanya.
Habang nasa kwarto hindi alam ni Aileen kung maniniwala ba siya sa mga pinaggawa ni Lexter. Kasi sabi nga nila mahirap umasa. Kailangan niya ng payo.
” Belle. “Tinawagan niya ang kaibigan.”Anong kailangan ng beshie ko?” Tanong nito at kahit di sila magkasama alam niyang nakangiti ito.
“Pupunta kami sa birthday ng mama niya.” Sabi niya dito. “Wait what? Tama ba ko ng narinig? For real? Isasama ka niya doon himala!!” Eskaherada nitong sabi.
“Hindi nakakatuwa br*ha! Ayaw kong pumunta napilitan lang ako no!” Aniya. Narinig niya naman ang tawa nito.”Talaga ba? Baka nga kinikilig ka na diyan eh!”
“Anong nakakakilig don? Baka di pwede si Celine kaya ako niyaya niya at sinabihan niya.” Inis niyang sabi. “May gusto ko pang gumala na lang kasama ka.
“Affected much! Sabihin mo may nararamdaman ka pa rin sa kanya. Diba sabi mo hihiwalayan mo? Bakit nandiyan ka pa rin hanggang ngayon?”
Natahimik naman siya dahil tanong nito.Hindi niya rin alam ang dapat isagot.”Hindi madali ang sinasabi mo, Belle.” Sabi niya sa kaibigan.
“Madali lang yun bess kung gugustuhin mo. Pero nasasayo rin yan kung gusto mo siyang bigyan ng second chance.”Payo nito sa kanya.” Ayusin mo ha! ”
” Ano? “Taka niya tanong sa huli nitong sinabi.” Kamo mag-ayos ka ng bongga para sa partyng yon! Dapat stand out ang beauty mo ganern! “Pagpapayo pa nito.
” Bat ko naman gagawin yon? “Tumawa lang ito.” Funny ka bess! Siyempre para marealize ng asawa mo kung ano ang sinayang niya. Paselosin mo g*ga! ”
Napaisip naman siya sa sinabi nito.Bakit ba ang galing nito sa mga ganitong bagay.” Oo na sige sige.Thank you ha sa payo mo.Nakatulong kahit papaano.”
Medyo sarkastiko pa ang pagkakasabi niya noon. “Nandito lang ako bess ha. Ingatan mo puso mo. Hindi yan nababandagejan kapag nasaktan mahirap gamutin.”
Maghapon siyang nagkulong sa kwarto para ayusin ang sarili. Sisiguraduhin niyang mapupunta sa kanya ang lahat ng atensyon ng mga tao doon!
Kahit na maganda na siya ay mas pinaganda niya ang sarili. Yung tipong lahat ay mapapatingin sa kanya.Katulad ng sinabi ni Belle.
Pero sisiguraduhin na hindi mapupunta ang atensyon niya kay Lexter na pupunta lang siya sa partyng iyon para iparealize dito kung ano ang sinayang nito!
Kinagabihan ay ayos na ayos na siya. At alam niyang naghihintay na rin ito sa baba. Dahil panay ang katok sa kwarto niya.Masyado talagang epal ang g*go.
“Bakit ba ang -” Hindi na nito natuloy ang sasabihin. Pinagmasdan siya nito ng mabuti. Para itong nakakita ng dyosa.”Tara na! Para matapos na to!”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top