I’M INTO YOU Chapter 2


I’M INTO YOU💞
Chapter 2
Di na matapos tapos ang pag luha ni Kylin. Naghihimutok ang kanyang kalooban .. Kung mamalasin ka nga naman gurl, one time?
Mabilis nyang pinahid ang mga luha ng marinig ang pagpihit ng pinto.
Naabutan sya ng binata .. Seryoso na itong humarap sa kanya.
” Here! Take some. ” habang inaabot nito sa kanya ang reddish apple slices.
Kainis! ” mahina nyang nasambit dahil may luha na namang naligaw. Napatitig ito sa kanya. Nagngingingit ang kanyang kalooban sa lalaking ito kaya nya nakukuhang magtaray. Inarkuhan nya ito ng kilay. At kung nakakamatay ang galit sa mukha nya, kanina pa ito natumba. Ni hindi nya pinansin ang bigay nito.
“take it easy” madali naman akong kausap,”inilapag nito ang prutas
.
Anong ibig mong sabihin?
Never mind..
Ahm.. Pwede kitang samahan umutang? .
Ano? Me-meron ba non? Saan,o kanino naMan?
Pwede kitang samahan kay Calvin para mangutang..
” Mwesit..” Napaismid sya dito.. Tsaka tumalikod ng higa.
Maghihintay lang ako kung kelan ka magbabayad. Miss?
Wala akong pambayad!! Masaya ka na?!!
Lihim itong napangiti.
So?
Muli nya itong hinarap at ng umpisang makiusap .. “Di ba pwedeng quits na lang tayo, biktima lang naman ako dito”
..napag isip isip kong sa bahay ka na lang. Sa bahay ko sa Commonwealth.
Wala na kasing tumatao doon. Hindi naman yon kalakihan kaya magiging komportable ka don.
Haisst.. “yong mga magulang ko walang kaalam alam sa nangyayari sa akin. Akala maayos pa ako dito. Yon pala…” pinigilan nya nang maluha.. Baka pinagtatawanan na sya ng damuhong ito. Kung makatawa pa naman parang dinaig pa ang dating sunog baga nilang kapitbahay sa probinsya.
…. Kailangan kong magtrabaho, buwan buwan akong nagpapadala sa pamilya ko. Ako lang ang inaasahan nila. ” di na naman nya mapigilang di maging emosyonal.
” N-nandito lang din ba sila?”
Oo, natatandaan nya na ang pagmumukha ng lalaking ito.. Noon pang nasa kamay sila ng mga kidnappers. Ito yong mayabang na nag oorder sa kanya sa bar.. May lageng dalang babae. Buti at dimlight sa area nya kaya baka di sya namumukhaan.. Pero yong mga mata nya kasi pag dilim, e parang flashlight kaya alam nyang sya yon!..
Tss.. “tanging naisambit nya.
” Is there still pain in your wound?”
Malamang! ” maiiyak na naman sya.. Ang saklap ng kanyang sitwasyong napasukan.
” You better eat for your fast recovery..”
“Wala kang puso!” mariin nyang sabi sa pag mumukha nito. Habang nagbabaga ang mga matang may nangingilid na namang luha.
. Umiwas ng tingin ang binata..
Umupo ito sa gilid na sofa.
” Di mo na kailangang magtrabaho sa bar. Padadalhan ko ang family mo buwan buwan. Sa bahay ka na lang magtrabaho.”
Talo na sya. Walang balak sumuko sa kasunduan nila ang binatang kausap. Matigas pa sa bato!
“Hanggang kelan ako sa poder mo? Ilang taon! Paano ko matatapos bayaran ang litseng milyones mo!?”
“We’ll just discuss it later maybe pag nasa bahay na tayo.. Don’t worry.. I won’t take you for granted ”
Muli itong tumayo at pinaghanda na sya ng kanin at ulam. “Here kumain ka na, susubuan kita”
“Kaya ko! Mukhang pera!!” sinabi nya iyon nang makatapat ang mukha nito dahil inalalayan syang makaupo ng maayos.
“Karmahin ka sana sa ginagawa mo saking panggigipit! Bwes*t ka!!
Iwas at pagsasawalang tugon lang ang ginagawa ng binata.
Sa totoo lang.. Hindi sya yong tipong mag aalaga ng tao.. Kahit babae.. Lalo na hindi nya kaano ano o nobya man lang. Pero ngayon dito sa babaeng to? Mukhang katulong ang peg nya..tinatarayan pa talaga sya. Pero bakit nga ba ayaw nyang pabayaan na lang ito.. Totoo namang biktima lang ito ng sitwasyon. And hindi naman kawalan ang 2. 5 million sa kanya.
But there’s something on his system na nag uudyok na patuloy na makipag ugnayan dito.
There’s also something on her na ninanais nya pang manatili ito sa paningin nya.
Strange feelings na ngayon nya lang nadama . And the cute unexpected twist of fate na nangyari sa kanila. Yon ang di nya pakakawalan na lang.. Ngayon lang sya nakadama nag biglaang pagkakainteres sa isang tao.. sa isang babae, for he’s a rude and a cold one.
” Kainin mo.. “nag aantay ang kamay nya sa ere
Padabog nya iyong isinubo.. Kumalansing pa ang ngipin nya ng masagi sa kutsara.
Napakamot na lang ng ulo ang binata.
Nakasimangot pa rin ang dalaga.. Di maipinta ang mukha.. Gusto nyang pumunta ng mount everest at don magsisigaw at ilabas ang lahat ng himutok at hinanakit nya..
Sinalubong nya ng masamang tingin ang binata. Hanggang Tumayo ito at lumabas ng pinto..
Pagkabukas ng pinto bumungad ang may malaking katawan na mama. Nagtaka sya.. Deretso ito lapit, kinuha ang plato at sinubuan sya ng may seryosong mukha. Wala syang nagawa kungdi ang sumubo ng sumubo.. Ang bilis pa naman nitong sundan ang pagsubo.. Ginawa syang manieka? ..
“Walang hiya ka talagang lalaki ka” . Ang bilis nya tuloy natapos kumain. Pinainom na rin sya nito ng oral nyang mga gamot.
Pag kalabas nito ilang sandali pumasok si Calvin....


May dalang mga pagkain, at mga damit bihisan nya. Binili nya ito kanina pag uwi nya. Iniwan nya lang sa labas ng guard ng pumasok sya sa kwarto.
” you can now change your clothes” Hindi na sya ngtanong tungkol sa mga binili nito.. Kung pwede lang ititikom nya na rin bibig nya.
Panay irap lang sya pag nagkakalapit sila.. Nag antay ito sa labas habang nahbibihis sya sa banyo. Namula sya ng makita ang pares ng pangloob nya”2 piece.?” color red pa talaga..ahh.. Kakahiya! kakainis!!!!!”
Are you done? Di na ba kumikirot masyado tama mo?
Salubong na naman ang kilay nya ng lumabas sa pinto, pero mas malakas ang dating at powers ng pagtitig ng kalaban. Tiklop sya kaya napayuko na lang..” Kung makatitig wagas! “may extrang pabango, powder at toner kasing laman ang paper bag, taz may lipstick pa?
Tapos titig agad? Nagretouch lang sya..
Alam mo ba kung anong gusto kong gawin sayo ngayon para lang mawala yong pag kainins ko?” di nya napigilang sabihin pagkalampas nya dito
What?” mahina nitong tanong.
“Gusto kitang ichopchop, pagpinupinuhin, isisilid sa sako, ipapakain sa aso..! ”
Heh.. Hehahahaha.. Hahahaha
May tawa pa syang.. Sobrang nakakaasar!! Ahh kainis!!!…
Buong araw silang nasa kwarto lang., nasa sofa ang binata nakahiga. Pati panonood ng channel, pinag didiskusyunan nila.
Kung makakapagsalita lang ang tv.. Sininghalan na sila. Papalit palit ng channel.
At sa huli si Kylin ang nasunod. HBO channel iyon, Lovestory ng prinsesa at prinsepe that both fell inlove while they didn’t knew each other’s status because of different reason of disguising.
Nahawa tuloy ang binata sa kilig kilig ng dalaga at mHinang pagtili.. Di pinalampas ni Calvin ang makita iting nakangiti at kung pano kiligin. Kasi nkakasawa rin ang busangot nitong mukha. Laging simangot. Ang ending nito nakatulog.. Di nga nakita ang ending ng story.
Kaya naging away nila ng paggising di nya masagot angbtanong nito kung anong ending ng pinanood nito. Alam nya pero sinadya nya lang itong inisin at di nya talaga sinabi. Sabi nya nakaidlip din sya, na ayaw paniwalaan ng dalaga.
“Oh maghapunan ka na.. Kain” sinubuan nya naman ito.
Kumikirot pa kasi ang tagiliran pag igagalaw nya ng husto ang mga kamay.
KYa napilitan na rin syang sumubo.
Musta kayo ng mama kanina.. Ang bilis mong natapos ah.
Inirapan nya ang nang aasar na namang lalaki.
Pero di nkatakas sa paningin nya ang charming nitong ngiti.. Napangisi kasi habang inaasar sya.
Dapat nasa office aq kanina. But I Choose to be here with you. So please be grateful and behave miss..
Miss? May I know your name already ? How many days now that we still remained unknown to each other.
” No need to hurry.. Tsaka lulubus lubusin ko lang pag aalaga mo sakin ngayon, dahil pag gumaling na ako.. Alipin mo na ako non diba? ”
“Gusto ko pala malaman kung anong klaseng alipin talaga.” Taga “ba sa bahay mo, o pati sayo.”
“You will be my housemaid.. My officegirl My housewife..
Nagkatinginan sila..
Kahit si Calvin nagulat sa sinabi nya. Ganon ba ang tumatakbo pala sa isip nya?
Kumabog ang dibdib ni Kylin. Pero nakuha nya ring umiwas.
Ako ng susubo! Padabog nyang kinuha ang pagksin, tiniis at sinjbuan ang sarili
“Let me!”
Di nya ito pinansin.
Anong pangalan mo?
Pwede bang yong 2.5 e paunti unti kong babayaran hanggat nabubuhay ako? Kasuhan mo ko pag di ako tumupad.. Please?
Hindi sya sinagot ng binata.bagkus tumayo ito at lumabas ng pinto . At di na ito bumalik.
May ipinadala itong babae na nag assist sa kanya hanggang sa madischarge sya. Naroon pa rin ang dalawang malaking mama sa labas ng room nya. Nakaguard pa rin.
matapos syang kausapin at paalalahanan ng doktor nya ay inalalayan na sya ng babae. Dinala naman ng dalawang lalaki ang nga gamit nya.
Habang naglalakad , Nakita nya sa billing section si Calvin. Pag lingon nito.. Nagtama ang paningin nila. Muli itong bumaling sa cashier.. At ng matapos ay lumapit na sa gawi nila.. Di na ito tumitingin sa kanya..
Nagpatiuna ito sa paglalakad matapos kausapin ang dalawang mama na kasama nila.
Iginayak sya ng babaeng kasama sa sasakyan. Habang nakasunod na ang may bitbit ng gamit at ipinasok sa compartment sa likod.
Tinted ang salamin kaya pag pasok nya.. Kahit expected nya ay Nagulat pa rin ng bahagya ng makita ang binata.
At di na pumasok ang mga kasama nila kanina.
“Masakit pa ba ang sugat mo”
Naiilang syang makipag usap dito dahil ilang araw din itong di pumunta ng kwarto nya.
“We’re going home now.. Matulog ka kung gusto mo”
Huwag ka na masyadong mag alala.. I’m harmless. , take a rest.. ”
Humugot sya ng malalim na hininga.. ” Bahala na” at Di na nga nya napansing nakatulog na pala sya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top