My husband cheater Kabanata 12


Unang araw ni zara sa opisina. Halos lahat nakatingin sa kanyang newface. Medyo mataba lang siya. Pero ang kanyang taglay na ganda. Lahat ng nakapaligid sa kanya, talbog silang lahat, maging ang pinsan nito.
Nang makita siya ni dave. Napatitig ito sa kanya, mula ulo hanggang paa, may kakaibang kislap ang mga mata nito. Pero dagli lamang at nabaling sa iba ang kanyang attention.

“Good! Perfect.” Tugon agad nito.
Napansin niyang nakangiti ito habang nakatingin sa pepermahin niyang mga papers na dala dala ni zara.

“Sir, may appointment po kayo mamaya kay mr. de lion?”
Sabi agad ni zara sa kanya.
Ngumiti muna siya bago sumagot.
“Ang dali mong matutu zara. That’s great!” Sabi pa nito. Habang nangungusap ang mga
matang nakatitig ito sa kanya.

“Sige po sir i’ll go ahead.”paalam nito sa binata.
Bago tuluyan niyang isara ang pinto ng kanyang opis, bigla siyang tinawag ni dave.
“Zara, wait!” Aniya
“yes, sir?”
“I hope after one month hindi kana ganyan kataba.” Sabi nito at biglang sumeryoso ang mukha.

“Don’t worry sir, i do?” Ani zara. Pagkatapos dahan dahan niya sinarado ang pinto ng opisina ng binata.

“Alam ko ang lugar na ito bro?” Sabi ni jun. Ipinakita ni mateo ang address ng ama sa kaibigan upang alamin kung nabubuhay paba ang ama nito.
Sinamahan naman siya ni jun.
Buti nalang may sariling sasakyan si jun, at mayroon silang magagamit.

Sa pasay din nakatirik ang mansyon ng mga delos reyes.
Ilang minuto din bago marating ang kanilang mansyon.

Ang problema hindi sila pinapasok ng guard sa mismong loob nito. Dahil hindi sila kilala.

“Guard, kailangan kulang talaga makausap ang papa ko.?” Sabi niateo na nagmamakaawa sa guard.
“Sinung ama mo?” Tanung ng guard.

“Si fabio delos reyes. Dito kasi siya nakatira. Ayon dito sa address. Gusto kulang malaman niya na hinahanap ko siya.” Sabi pa niya.

“Naku, mga sir.! Wala po talagang fabio dito e’ ang alam kulang na mga delos reyes sina sir dave at sir ethan.?” Sabi ng guard.
“Baka sila iyong mga kapatid ko sa ama.?” Sabi pa ni mateo.
“Boss, balik nalang po kayo sa ibang araw.?” Tugon ng guard.

Wala na silang nagawa kundi ang umalis nalang.
Pero bago sila umalis iniwan niya dito ang kanyang numero para makausap ang mga kapatid.
Tumalima naman ang guard.

Pumasok bilang janitor si mateo, pansamantala habang naghahanap pa ito ng trabaho.
Magkasama sila ni jun sa trabaho.
Kaya lang si jun bilang assist.

Halos isang buwan din naghintay si mateo na tawagan siya ng mga kapatid pero wala parin.

Si elane naman nakapasok siya bilang model sa isang tv network.
Maganda at sexy si elane. Kaya hindi kataka takang maging model siya.

“She is perfect.?” Hiyaw ng isang bakla na manager ni elane.
“Will, kapag mapanuod ito ni boss, i know na ma empress siya sa bagong model ko na nakuha?” Sabi pa ng bakla.

Laking pasalamat ni elane. Dahil matagal na niyang pangarap na mag model.

Kabanata 13

Pagkaraan ng dalawang buwan. Naging matagumpay naman ang ginawang pag d-diet ni zara. Halos isang beses lang siya kumakain ng kanin. Puro fruts at pampa-diet lang ang kinakain niya.

Hanggang sa isang araw. Namangha silang lahat dahil sa bagong mukha ni zara.
Kung noon ay sobrang nerd niya. Ngayon ay isa na siya sa masabi kung miss universe ng pilipinas.

Halos hubaran siya ni dave sa kakatitig sa kanya. Habang si zara ay naka fucos lang sa kanyang trabaho. Mula loob tanaw niyang naka upo sa kanyang table ang babae.
Walang kamalay malay si zara na unti unting nahuhulog ang loob nito sa kanya.

“Damn it?” Sabi niya sa kanyang sarili, habang ninanakawan niya ng tingin ang babae.
“Hi, zara?” Bati sa kanya ng isang empleyada.
“Zara, im liza?” Pagpapakilala nito.
“Anung ginawa mo, at gumanda ka ng bonggang bongga?” Sabi ni liza at nakangiti ito.
“Wala?” Basta nag diet lang ako.?” Sabi pa niya na nakangiti din.
Wala siyang kamalay malay na nakatitig sa kanya si dave.

“Wala pabang tumatawag sayo.?” Tanong naman ni jun sa kaibigan. Habang naka upo ito sa kaniyang maliit na kama.

“Wala pa nga e’ gusto kung bumalik pero, sa hapon nalang.?” Dogtong nito.

Pagsapit ng hapon naka abang sila sa may gate. Hindi sila bumaba sa sasakyan nila. Para hindi sila makilala ng guard.

Maya’t maya pa napansin nilang may sasakyan na parating na kulay itim.
Agad naman bumaba mula sa sasakyan si mateo.
At lumalit agad sa guard.

“Excuse me boss anung kailanga nila.?” Sabi pa ng guard.

“Ako po si mateo. Yung nagbigay sayo ng celpone number ko, para ibigay niyo po sa dalawa kung kapatid. Toloy toloy na sabi nito.
Tamang tama sasagot na sana siya ng biglang bumaba sa kanyang SUV na sasakyan si ethan.

“Lando!” Sabi niya habang lumalapit sa dalawa.
“Boss magandang hapon po?” Sabi pa ng guard.

“May problema ba?” Tugon nito.
“Wala po boss.?” Si mateo po kasi boss. Hinahanap kayo?” Sabi pa ni lando.
“Nabigla si ethan, ng lingunin si mateo’ lalo na at may pagka hawig sila ng kanyang yumaong ama.

“Who are you?” Sabi nito
“Ako nga pala si mateo. Mateo cueva delos reyes.?” Sabay palad sa kanyang mga kamay.
Na siya naman ikinagulat ni ethan.
Alam niya noon na may kapatid sila ng kuya niya dahil sa naririnig niya noon. Bulong bulongan ng kanilang mga katulong.
At narinig din niya noon mula sa kanyang ina na may kapatid sila, sa isang babaeng katulong na pinatulan ng kanyang daddy.

“Gusto kulang malaman kung nasaan si itay.?” Sabi pa niya.

“Huh? Uhm! Ma-mateo. Nauutal niyang sabi dito.
“Anung pangalan ng iyong ama.?” Sabi niya ulit.

“Fabio delos reyes.” Ani mateo.
Nakomperma niya na ito na nga iyong kapatid nila sa ama.

Noong maliliit pa sila ng kanyang kuya. Pinagsabihan na niya ang kanyang mga anak na huwag nilang pagdamutan ang kanilang kapatid sa ama. At hahanapin nila ito.
Subalit hindi nila ginawa dahil sa takot sa ina nila.

Pinatuloy niya sa loob si mateo, para makapag usap sila ng mabuti.

“Paano mo nalaman na dito kami nakatira.” Ngiting sabi nito.

“Kay inay.’ Sabi pa nito sa kaharap______________

Kabanata 14

Hindi inaasahan ni dave na makikilala nila si mateo, na noon pa man binilin ng kanilang ama na hanapin ang kanilang kapatid. Subalit di nila nagawa dahil sa takot sa kanilang ina.

Noon pa man suklam na suklam na ito sa kanila, dahil sa pagtataksil sa kanya ni fabio.
At kahit kailanman ay hindi niya matatanggap ang anak sa labas ni fabio.
Noon, nagalit si dave sa kanila ng kanyang ina na si veronica dahil sa ginawa niya muntikan ng masira ang ang kanilang pamilya.

Pero di akalain ni mateo, na matagal ng patay ang kanyang ama. Dahil sa sakit sa puso. Inataki ito noong iwanan siya ng asawa nito.

Dahil kahit na napatawad na ito ng asawa, palagi parin sumasagi sa isip ng ginang ang pagtataksil ng asawa sa kanya. Kaya sila nakabuo ng isang mateo.

Ngumiti si dave, habang pinagmamasdan si mateo. Dahil kuhang kuha nito ang mukha ng kanilang ama.

“Saan ka nakatira ngayon mateo. Unang tanong ni dave sa kanya. Habang naka upo sila sa kanilang malawak na sala. Habang ang kanilang mga katulong ay busy sa paghahanda ng kanilang pagkain.

“Oo, sa apartment ng kaibigan ko. Sabi niya habang napasulyap sa kinaroroonan ni jun.

“May trabaho kaba? Aniya
“Janitor?” Agad niyang sabi.
“Janitor?!” Sabi pa niya habang nagkatinginan sila ni ethan.
“Anu bang natapos mo?’ Ani ethan.
Hindi ko natapos.” Sasabihin sana niya ang dahilan kung bakit di niya natapos ang engineering.
Pero bigla niyang naisip na huwag nalang niya banggitin ang maaga niyang pag aasawa sa mga kuya nito. Dahil para sa kanya, ay isa iyon bangungut sa buhay niya.

Di niya maatim sa kanyang sarili kung bakit siya napapayag sa gusto ng ina na magpakasal sa isang nerd na babae.

Muling nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Ilang sandali ding tahimik.
Si dave ang unang nagsalita. Tinanong nila si mateo kung mag aaral ba siya ulit para makatapos sa kanyang kurso o magtrabaho. Dahil kukunin siya ni ethan at ipasok ito sa kanilang company. Gagawin siyang assistance ni ethan.

Bigla siyang natuwa sa sinabi ng kapatid. Kaya pinili nalang niyang mag work.

Laki ng kanyang pasasalamat sa dalawa niyang kapatid, dahil tinanggap nila ito ng buong puso at hindi sila nasuklam dito.

“Anak ka ni dad.” Isa kang delos reyes. Kaya we are brother?” Ngiting sabi ni ethan at tinapik niya sa balikat si mateo.

“Dito kana tumira bro.?” Sabi pa ni ethan.
“Okey, kuya.?” Tugon niya agad dito.

Pagkatapos nila kumain agad siyang nagpaalam sa dalawa para makuha ang kanyang gamit sa apartment ng kaibigang si jun.

Pero sinamahan siya ni ethan binilihan siya ng bagong damit.
Mabait sina ethan at dave. Kaya taos puso nilang tinanggap ang kanilang kapatid sa labas.

Kabanata 15

“Grabe ka pinsan, ginulat mo si sir dave.?” Tuwang sabi ni tricia habang pinagmamasdan ang pinsang sobrang ibang iba na ang dating. Kaysa noon?

Ngayon halos dimo na siya makilala. Mga galaw at kilos niya. Hindi mo inaakala na ang babaeng nerd noon. Sobrang ganda na ngayon.

“Paano kung magkita kayo ulit ng husband mo pinsan.” Seryoso niyang tanong sa pinsan.
Bigla siyang napalingon sa pinsan at biglang nalukot ang mukha.

“Hindi mangyayari iyon pinsan. Kasi niloko lang ako noon.” Aniya
“Sabi ni inay nandito sila sa maynila. Kasama si elane.” Sabi pa niya at biglang naiyak dahil doon.
“Sorry pinsan.” Malungkot naman tugon ng pinsan. Agad naman siya nakayakap dito.

“Sshh! Sorry!” Aniya

“Zara?” Tawag ni dave sa kanya habang naka upo ito.
“yes’sir!”
“This coming week mayroon kaming ipakilala sainyo na bunso naming kapatid ni ethan.
Sabi niya habang naka ngiti.

Malakas ang kanyang pagkakasabi kaya narinig ng ibang empleyado.

“Isa pang kapatid.?” Sabi naman noong isa.
“Gwapo din siguro tulad nila. Sabi noong isa pang empleyado at kinilig pa.
“Okey,’sir?” Turan naman niya.
“We are celebrating.” Tugon ni ethan.
Nagkatinginan naman sina tricia at zara.

Pagkatapos ng ilang sandali. Agad niyang tinawag si zara upang magtimpla ng kape.
Hindi niya maisip kung bakit siya masaya sa tuwing nakakausap niya ang babae.

Ganyan na ganyan din ang feeling nito sa dating girlfriend.
He know that feeling.

“Im inlove with her?” Bulong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan si zara. Lalo na at ibang iba na ngayon kumpara sa dati.

Nahuli siya ni zara na nakatitig ito sa kanya. Bigla naman siya kinabahan. Dahil kahit na niloko siya ng asawa ay mahal parin niya ito. Kaya lang minsan naisip niya na baka masaya na sa ngayon si mateo kapiling si elane ang matalik niyang kaibigan na nagtaksil sa kanya.

“Grabe? Zara, ang laki na talaga ng pinagbago ni sir dave. Mula ng dumating ka.” Bulong ni liza sa kanya.
“Ganoon ba?” Sabi naman niya.
“Oo, kasi dati rati naninigaw iyan. Dimo maka usap ng maayos, palagi kang sisigawan.?” Sabi pa niya ulit

Tumikhim muna siya bago nagsalita. Dahil nadinig niya ang bulong bulungan ni liza sa kay zara.
Biglang humarorot ng alis si liza. Ngumiti naman siya sa harap ng kanyang boss.
“Sir! Kape niyo po?” Pagkatapos niyang ilagay sa table ang isang tasang kape. Agad siyang umalis at agad naman siya nahawakan ni dave.
Nabigla siya.

“Zara, kailangan mong mag paalam kasi mag out of...


country tayo. Mayroon akung mahalagang transaction sa canada.” Seryosong sabi nito.

Nabigla siya sa agad agad nilang mag out of country. Lalo na at firstime niyang pupunta ng canada.
Magkahalo ang kanyang nararamdaman, exciting siya makarating ng canada.

“Agad agad?” Sabi naman ni tricia. Kahit siya nabigla.

“E’di excited kana makarating ng canada.?” Ngiting sabi ng pinsan.
“Oo,naman pinasn?”
“Naku mag impaki kana pagdating mo sa bahay.”
“Agad agad?” Sabi naman niya.
“Oo,kasi kilala ko iyan.?” Aniya

Tumawag siya sa kanyang mga magulang sa probinsya, dahil nagpaalam ito sa kanila.

Natutuwa naman ang kaniyang mga magulang dahil sa magandang kapalaran ng kanilang anak sa maynila dahil nakatagpo ito ng trabaho.

Walang mahirap sa taong mapera kaya agad natapos ang kailangan para sa mga papers ni zara papuntang canada.

Para lang makasama ito sa kanya.
Pag alis nila dave at zara, siya naman pagdating ni mateo sa kanilang opisina at ipinakilala siya ni ethan sa kaniyang mga empleyado.

Noong time na ikasal sina mateo at zara hindi nakadalo sina tricia at ang kanyang ina sa kanilang kasal dahil busy ito sa bago niyang trabaho.
Si tita lucia naman ay hindi siya natuloy dahil ayaw niyang iwan si tricia mag isa sa kanilang bahay sa maynila.
Kaya hindi nila nakilala si mateo kahit sa picture man lang. Pangalan lang ang alam nila.________________

Kabanata 16

“Ladies and gentleman this is my brother, mateo delos reyes!” Pagkatapos ipakilala ni ethan ang kapatid sa kanilang mga empleyado.

Nag inuman ang ilan. Para sa kunting salo salo sa pagpapakilala niya sa kanyang kapatid.

Ang ibang girls, kinikilig sa taglay niyang ka guwapuhan.

“Mateo, si tricia ang aking secretarya.” Pagpakilala niya dito.
“Hi, nice to meet you mateo. Ngiting sabi ni tricia, at nakipagkamayan pa dito.
“Hi, me too!” Ani mateo

“Tuturuan kita kung paano humawak ng kompanya mateo. Kaya ikaw ang assistance ko. Kayo ni tricia. Para matutunan mo ang lahat ng bagay dito sa opisina.” Mahinahong sabi nito.

“Okey, kuya salamat!”
Ilang sandali pa. Biglang tumawag ang kanyang girlfriend.
Si rachel, babalik na ito galing Brazel. Kaya nagpapasundo ito kay ethan.

Matagal ng may gusto si tricia sa kanya, kaya lang ay may girlfriend na ito.

Minsan pinagseselosan din siya ni rachel kaya nga siya umuwi agad dahil kay tricia.

Laking gulat naman ni elane nang malaman nitong may kapatid pala si mateo na isang napakayamang tao.

“Bakit, dimo sinabi saakin iyan hon? Bakit kailangan mo pa itago!” May pagtatampong turan niya sa nubyo.
“Hon, ayaw kuna kasing pati ikaw ay magulo pa sa kahahanap ko sa kanila. Kaya hindi kuna lang sinabi.” Pagpaliwanag nito.

Sinabi din niya sa kanyang ina na nahanap na niya ang kanyang mga kapatid. Bigla din naman nalungkot si veronica nang malaman matagal ng patay si fabio.
Kaya nawalan na ito ng kumunikasyon sa kanila.

Maganda naman ang takbo ng buhay ni elane. Dahil nakikita na siya sa tv. Bilang isang model ng mga cosmetic.

Mga body lution at sabon, at marami pang iba.

Dahil sa magandang kapalaran ni zara sa manila kaya naisipan niyang kunin ang mga magulang sa probinsya. Kaya lamang ayaw ng mga ito dahil sa kanilang mga alagang hayop at mga pananim.

Tama na sa mga ito na naging maayos ang kalagayan ng nag iisa nilang anak, at masaya sila dahil unti unti na itong nakaka move on sa ginawang pagtataksil ng asawa at kaibigan nito.

Kabanata 17

Paglabas ni dave sa isang conference meeting dumiretso sila sa isang high class na hotel sa canada.

Halos malula sa ganda ng hotel na iyon si zara. Hindi niya akalain na makakarating siya sa ganoon kagandang lugar.

Ang buong paligid ay animo’y isang yelo sa sobrang lamig. Napakapit siya ng mahigpit sa bitbit niyang bag habang nakasunod siya kay dave. Ilang minuto din wala silang imikan hanggang makasakay sila ng elevetor.

Halos manginig siya sa nerbiyos sa hindi niya may ipaliwanag. Dahil sa marahil firstime siyang makaranas ng ganon.

Nasa likod siya lagi ni dave. Para siyang robot na sunud sunuran sa kanyang likod.
Huminto sa ika limang palapag ang elevetor nang makita niyang humakbang palabas si dave, agad naman siyang sumunod at muntikan pa niyang maapakan ang paa nito.

Pero hindi niya alam kanina pa siyang nahahalata ni dave. Nabigla siya ng hawakan siya ni dave sa kanyang kamay.

“Nilalamig ka?”ngiting sabi ng binata. Bigla siyang namula sa turan ng binata. Halatang nahiya siya.

“Relak’s!” Bulong niya dito. Nakaramdam siya ng init nang hawakan ng binata ang kanyang kamay, hanggang sa marating nila ang kanilang room.

Nakita niyang may dalawang kama sa loob ng kuwarto ang isa ay para kay dave at ang isa naman ay para sa kanya at may mga pagkain ng nakahanda sa mesa at anytime na gusto mong kumain ay mayron na ito.

Nakita niyang binuksan ni dave ang loptop nito. Masipag si dave pagdating sa trabaho.
Imbis na kumain at magpahinga. Ayon loptop parin ang kaharap nito at subsub sa trabaho walang pinapalampas.

Dahil sa pagod at sobrang stress na rin. Agad nakatulog si zara na hindi man lang tumikim ng pagkain. Pati damit ay hindi man lang nakapagpalit.

Mga ilang oras din siyang nakatotok sa trabaho at nang kumalam ang kanyang sikmura agad siyang tumayo at tinungo ang lamesa na may lamang pagkain.

Nabigla siya ng makitang hindi man lang nagalaw ang mga ito. Bigla siyang napasulyap sa kinaroroonan ni zara.
Nakita niyang mahimbing itong natutulog at di naman napigilan ng binata ang kanyang feeling at dahan dahan lumapit sa babae.

Pinagmamasdan niya ito habang natutulog.
“Such a beautiful woman.” Sa isip nito habang nakangiti.
Sa tagpong iyon, parang magnitong gustong gusto niyang halikan si zara habang natutulog ito.__________

Kabanata 18

Biglang napabalikwas ng bangon si zara ng maramdaman niyang may kung anung bagay ang dumampi sa kanyang labi habang siya’y mahimbing na natutulog.

Mukha agad ni dave ang kanyang nakita na nakatitig ito sa kanya.
Nabigla siya ng makitang dumilat si zara.

“Uhm, uh z-zara gigisingin sana kita dahil ang himbing ng tulog mo pero dika pa kumakain.” Pagdadahilan niya na obviously na nahiya siya bigla. Dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng halik sa babaeng kasama.

“Uhm, sorry po sir! Nakatulog ako!” Hiyang sagot nito sa amo at agad na tumayo at tinungo ang banyo para magbihis. Ilang sandali pa ay lumabas na ito sa banyo. Tama naman naka upo na ang binata sa lamesa at nagsimula na itong sumubo sa pagkain.

Paglabas naman ni elane sa kanyang trabaho dumeretso siya sa kanilang tagpuan ni mateo. May usapan silang gumala sa mall. Mag-date paminsan minsan.

“Thank you! Hon, kasi napatunayan kung mahal mo ako.” Paglalambing ni elane sa katipan habang nasa private room sila. Pagkatapos nilang mamasyal, kumain at manuod ng sine. Napagpasyahan nilang mag hotel.

“Because i love you so much elane. Kapag may sapat na akung pera at kung magkita kami ulit ni zara makipag hiwalay na ako sa kanya.” Ani mateo at sabay hinalikan niya ang mga labi ng katipan. Gumanti naman ng mas maalab na halik si elane. Iginiya naman siya ni mateo sa kama at tuluyang inangkin ang babae ng paulit.

“Aaaaahhh!!! Sigaw ni tricia ng makausap ang pinsan. Dahil sobra siyang na excite sa kwento ng pinsan about dave.

“Hindi ako maaring magkamali tricia.! He kiss me !” Bulong nitong sabi sa pinsan habang magkausap sa video call.

“yes i know that na noon pa man ang lakas na ng tama sayo pinsan!” Hiyaw niya ulit

“Sshhh! Huwag ka ngang ma-ingay baka marinig tayo.” Ani zara sa pinsan na seryosong nakipagkwentuhan dito.

“Pero, pinsan may asawa na ako! Dipa kami hiwalay ni mateo.” Turan nito sa pinsan.
“Alam mo? Kung ako sayo pagbalik mo dito hanapin mo si mateo dito sa maynila at makipaghiwalay kana doon.?” Sagot naman sa kanya ni tricia.

Di niya sinagot ang sinabi ng pinsan. Bagkus agad ito nagpaalam sa kabilang linya dahil nagsisimula na sila ni dave aalis dahil may mahalaga itong appointment sa kanyang ka meeting.

“Wait!” Sabi ni tricia dito dahil gusto nitong sabihin na magkapareho ng pangalan ang asawa nito sa bunsong kapatid ni dave at ethan.

Subalit naka off na ang camera ni zara.

Kagaya kahapon parang robot na sumusunod si zara kay dave ang bilis pa ng hakbang ng binata. Lalo na at naka suot ito ng americana na kulay blue with necktie naka eyeglasis ito ng mamahalin at puno ng begote na kaka shave palang niya dito at sobrang tangkad hanggang balikat lang niya si zara.

Ang sarap amoyin ang kanyang panglalaking colonge na alam naman na may kamahalan ang price nito. May bitbit itong folder.

Kabanata 19

Habang nakasunod siya sa binata may kakaiba siyang na feel. Lalo na at ninakawan siya ng halik ng binata. Mas matanda si dave sa kanya ng walong taon. Lalo na at guwapo ito. Bigla niyang naisip na baka si dave ang susi para tuluyan niyang makalimutan ang dating asawa.

Minsan napapangiti ito sa kanyang mga iniisip. Lalo na at si dave ang dahilan kung bakit niya na achieve ang bago niyang reflection ngayon. Dati ay isang nerd.

Pagdating nila sa isang mamahaling restaurant. Lihim siyang namangha sa paligid.

“Zara dito kalang, order what you want. Ako lang ang papasok sa loob. Andon ang ka meeting ko.” Sabay turo nito sa isang VIP room.Tumango lang siya bilang tugon.

Maya’t maya pa tubig lang ang kanyang kinuha dahil hindi naman siya nakaramdam ng gutom.

“Ma’m tubig lang ang order niyo.”sabi ng isang pinay sa kanya na kanina pa siyang pinagmamasdan nito.

“Oo,! Dipa kasi ako nagugutom e” tugon nito sa isang pinay.
“Ang swerti ninyo ma’m kasi ang guwapo naman po ng asawa niyo.?” Biglang sabi nito at naka smile sa kanya.

“Uhm, hindi ko siya asawa? Boss ko siya?” Agad niyang sabi.
“Ah ganon ba! Sorry?” Sabi pa ng pinay.

Tinanggap niya ang pag hingi ng apologise ng pinay sa kanya.

Ilang oras ding hindi pa lumalabas si dave mula sa loob at naka ilang tubig na rin siya.
Mga ilang sandali pa ay lumabas na si dave at masaya ang mukha. Dahil nakuha niya ang isang mayamang investor.

Akala ni zara ay babalik na sila sa hotel kung saan sila nag stay.
Naisipan ni dave na ipasyal si zara bago man lang makabalik ng pilipinas.

Namangha naman siya ng makita ang london brigde. Mga ilang oras din silang namasyal nagpicture taking silang dalawa.

May mga kaibigan si dave pero mas pinili niyang makasama ang babaeng muling pumukaw sa kanyang puso. Mula ng ipagpalit siya ni rits sa ibang lalaki.

Noon walang panahon si dave sa kanyang girlfriend lagi itong busy sa work. Ilang linggo din nasa ibang bansa kasama lang ang secretary niya. Wala siyang kaalam alam na nagsawa na si rits sa kanya. Palagi siyang nag iisa walang dave sa tabi niya. Kasi naka tuka lang ito sa kanyang negosyo.

Hanggang isang araw nabalitaan nalang niyang sumama sa iba ang nubya. Kaya simula noon ay hindi na ito tumingin ng babae. Palaging galit dimo maka usap ng maayos. Dahil napaka suplado nito.

Naka ilang secretary din siya pero walang nagtagal.
Pero ng biglang dumating si zara sa buhay niya. Biglang nagbago ang kanyang pananaw.

“Are you happy?”biglang sabi nito kay zara habang magkaharap silang kumain sa isang restaurant.
“Oo naman sir.? Thank you?” Tugon niya agad dito habang naka ngiti.
“Your welcome.” Ngiting sabi nito habang nakatitig sa mukha ni zara.
Biglang namula si zara dahil akala nito may dumi ito sa mukha. At pa simple niya iyon hinawakan.

Sir, may dumi ba ako sa mukha?” Turan nito.
“No!” You look so beautiful!” Agad nitong sabi sa babae.
“I like you zara?”agad nitong sabi di na siya nakapaghintay at agad na itong nagtapat sa kanya at sabay hinawakan ang braso nito.
“Huh! Uhm, uh… s-sir?” Nauutal niyang sagot sa binata na nakaramdam ng nerbiyos at nag uunahan ang tibok ng kanyang puso at agad gumapang ang lamig sa buo niyang katawan na kahit sobrang lamig ng aircon sa loob ramdam niyang nainitan ito dahil sa hindi niya may ipaliwanag na naramdaman para din sa binatang amo..___________






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nkaka kilig at na excite ako sa nxt chapter

Leave a Reply


top