THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 16


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 16❤️
Araw ng Lunes. Maagang siyang pumasok sa school. Agad niyang nakasalubong si Cindy at mukhang ang saya saya nito.
“Kate omyg! Totoo ba nagdadate na kayo ni Troy? Gosh why didn’t you tell me. Friends tayo diba.” May halong pagtatampo nitong sabi.
“Ano? Sinong may sabi niyan sayo? At isa pa bakit naman kami magdadate?” Hindi naman kasi talaga date ang nangyari.
“Duh may nakakita sa inyo sa Mall! And you know kalat na sa buong campus.” Kinabahan siya sa sinabi nito. Baka kinalat iyon ng mga alipores ni Samantha.
“Goodness gracious! Bakit sa isang katulad mo pa talaga nagkagusto si Troy? Umamin ka nga anong kulam ang ginamit mo?”
Hinarang sila ng isang estudyante at kasama pa nito ang mga kaibigan. Sa pagkakaalam niya idol ng mga ito si Samantha.
“Ehh baka ayaw sayo, sabihin niyo nga ano ba talagang problema niyo sakin ha? Wala nga akong ginagawa sa inyo.” Pagpatol niya rito.
“So matapang ka na? Ang lakas ng loob mong kalabanin si Queen Sammy! Ikaw ang dahilan bat siya nasuspend.”
Kung nasuspend man si Samantha. Labas na siya don at isa pa ito naman ang laging naghahamon at nang-aaway sa kanilang dalawa.
“Alam niyong bully si Samantha buti nga at ngayon lang siya nasuspend at di ko kasalanan yon.” Sabi niya sa pagmumukha nito.
“Look padaanin niyo na nga lang kami! Di naman kayo inaano ni Kate and please wag na kayo magsimula ng gulo.” Pakiusap ni Cindy sa mga ito.
Nagulat siya ng bigla na lamang siyang sampalin ng babae kaya nalaglag ang salamin niya. Masakit yon pakiramdam niya tumagilid ang mukha niya.
Kaya sinampal niya rin ito.
“Sinong nagbigay sayo ng karapatan na pwede mo kong sampalin?”
“Don’t worry hindi ka naman maganda kaya walang masisira diyan sa mukha mo!” Hirit pa nito sa kanya.
Igaganti na sana siya ni Cindy pero hinawakan ito ng ibang babae doon. Pinagtutulungan sila. Sigurado siyang utos ito ni Samantha!
Hinawakan ng dalawa ng estudyante ang magkabilang braso niya para hindi siya makagalaw.” Ito ang bagay sayo”
At muli siya nitong sinampal . Ng paulit ulit. Nais niyang ipagtanggol ang sarili pero hindi niya matanggal ang pagkakahawak sa kanya.
Ginulo din nito ang buhok niya. Ang uniform niya. Mukhang ang laki ng galit sa kanya para ang gawin ang lahat ng iyon.
“Anong nangyayari dito?” Dumating si Troy at ang mga kaibigan nito. Agad na napadako ang tingin nito sa kanya.
“Sinong may gawa niyan sayo, Kate?” Tanong nito sa kanya. Bumitaw na ang mga ito sa pagkakahawak sa kanya ng makitang paparating sila Troy.
“Sila They hurt Kate Lalo na si Emerald! I’m sure inutusan sila ni Samantha.” Pagalit na sabi ni Cindy at niyakap siya.
Tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya at lumapit sa babaeng sinaktan siya. “Ano masaya ka na ngayon?Naiganti niyo na si Sam.” Maikli niyang sabi dito.
Ngumisi pa ito at mukhang di man lang nagsisi sa ginawa sa kanya. Tatalikod na sana siya pero bigla niya itong sinampal ng pagkakalakas lakas.
“How dare you!” Gaganti pa sana ito. Pero isang boses ang nagpatigil dito. “Hurt her again then I kill you.” Kaya natakot naman ito at napalunok.
“Patrick dalin niyo yan sa deans office. Dapat din mga na suspend ang mga yan gaya ni Samantha!” utos ni Troy sa mga kaibigan.
Agad niya namang hinila si Cindy paalis doon. May mga tumutulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Bakit galit na galit ang mga ito sa kanya?
” Kate! Kate saglit lang. “sabi niyo sabay hawak sa braso niya. Mabilis niya namang inalis iyon.
“Cindy Tara na. “Pag-aaya niya sa kaibigan.
” Bess you two should talk. Pupunta din ako don. Nanggigigil ako sa mga bruhang yon. “Sabi nito at umalis na upang puntahan ang mga kaibigan ni Troy at mga babaeng yon!
“Ano ba kasi yon?!” May halong Inis niyang sabi. Alam niya sa sarili niya na hulog na rin siya kay Troy. Pero ang lahat na mismo ang nagsasabi na hindi sila bagay dalawa.
“Sorry” Paghingi nito ng tawad sa kanya. “Para saan?” tanong niya naman dito. “They hurting you because of me.”
“Wala ka namang kasalanan. Siguro nga tama sila di tayo bagay. Hindi ako maganda. Illusyonada. Pero kasalanan ko bang nahulog na din ang loob ko sayo?” Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
“Kate what do you mean?” Tinalikuran niya ito muling naglakad paalis doon.
Gusto niya na lang umuwi sa bahay nila. Sobra na ang pagkakapahiya niya sa mga estudyante.
“Wait ka san ka pupunta?” Puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya. “uuwi samin! Ayoko na talaga!” Umiiyak na talaga siya.
“Parang pinatunayan mo na rin sa kanila na totoong ang sinasabi nila. Ang Kate na kilala ko di nagpapatalo.”
“Anong gusto mong gawin ko? Gawin ko sa kanila yung ginawa nila sa akin. Saktan ko sila ganun ba?”
“Change yourself. Prove them that they are all wrong.”Pagkasabi noon ay mabilis siya nitong niyakap.
Naiyakan niya pa mamahalin nitong uniform.” Basa na damit ko dahil sayo. “Pagbibiro pa nito sa kanya. Lagi na lang siya nitong pinapangiti.
Pinagsikop nito ang mga kamay nila at sabay silang lumabas ng University.” Woii san tayo pupunta? “takang tanong niya dito.
Pinapasok siya nito sa tabi ng drivers seat at ng pareho na silang nasa loob ng sasakyan.” Sa mansyon namin. ”
” Huh anong gagawin natin doon? “Napatawa ito ng malakas sa tanong niya.” Magpapalit ka maraming damit doon si ate. ”
” Wag na lang, Ihatid mo na lang ako sa bahay. “Pero umiling ito at nagmaneho na. Ang swerte niya dahil siya ang babaeng hinahangaan nito.
” Ano pala yong sinabi mo kanina? “pagbasag nito sa katahimikan. Omyg nasabi nya nga pa lang nahulog na rin ang loob niya dito.
” Ahh yon? Wala yon!”Pagtatanggi niya.” I hate liers”Pagpaparinig naman nito.
“Paano kung sabihin kong sinasagot na kita?” Bigla niyang sabi. Kaya napatigil ito sa pagdadrive at napatitig sa kanya.
“What do you say?” Di makapaniwala nitong sabi. “Sabi ko tayo na!” Nilakasan niya ang kanyang boses.
Sapat na ang mga kabutihan at kabaitan na pinakita nito para masigurado niyang seryoso nga ito sa kanya.
“Baka nabibigla ka lang.” Ayaw pa rin talaga nitong maniwaoa.
“Oo nga sabi eh! Girlfriend mo na ko. Ayaw mo ba?” pang-aasar niya dito.
Niyakap muna siya nito ng mahigpit dahil sa...


saya saka nito Pinagpatuloy ang pagdadrive papunta sa mansyon ng mga ito.
” Wow sir Troy girlfriend mo?” bati agad ng isang katulong ng makarating sila ni Troy sa mansyon ng mga ito.
” Hello po,” bati niya sa kasambahay.Ngumiti lamang ito at mukhang nagtataka ito sa itsura niya.
“Galing pumili Sir Troy ah!” papuri pa nito.Napatungo na lang siya.
“Ang ganda niya noh girlfriend ko yan!” puno ng pagmamalaki nitong sabi.
“Troy kapapasok mo lang ah then why did you go home so early? sabi ng Mommy nito.
Mabuti na lang at nakatayo siya sa likod ni Troy kaya hindi siya nito kita. Mukha pa naman siya Ewan.
” Ahh mom may kasama ko si Kate.”pagpapaliwanag nito sa ina. Kinakabahan na tuloy siya.
“Hello po Ma’am” Lumabas na siya sa likod ni Troy at hinarap ang ginang.
“OMYGHOD Iha what happened to you? You look like a mess.”Nabasa rin siya ng onti kanina.Nagulat tuloy ito.
” Mom gawa ng mga bullies.”Ito na ang sumagot para sa kanya.
” Namumula ang pisngi mo sinaktan ka ba nila? They don’t have the rights to do that. “puno ng pag-aalalang sabi ng ginang sa kanya.
” Ok lang po ko”sabi kapagkuwan ay ngumiti. “What happened to the bullies?” Ang bait talaga ng mga pamilya ng mga ito.
“They will pay for what they havw done to Kate.” muli ito na naman ang sumagot.
“Iha you should change sa kwarto dati ni Trisha ang daming damit doon. Samahan mo siya Troy.”
“Thank you po.” Nakatungo niyang sabi. “Can I ask something?” tanong nito sa kanya. Nasa tabi niya pa rin si Troy.
“So whats the score between you and my son?” May halong panunukso nitong sabi. Feeling niya nangangamatis na ang mukha niya.
“Girlfriend niya po ko.” Sa bibig niya pa talaga lumabas yon. Kahit nakatungo niya parang nakikita niya ang lawak ng ngiti ni Troy.
“Are you sure about that? Hindi ka ba tinakot ng anak ko?” Nagbibiro pa nitong sabi. “Mom!” pagsaway ni Troy sa Mommy nito.
“I’m just joking. I’m glad na nagseryoso na ang anak ko. And I just what to thank you for changing him.”
“Mom di ba may pupuntahan ka pa?” Mukhang gusto na nitong paalisin ang ina. Si Troy talaga lihim na lang siyang napapangiti.
“Why kaya pinapaalis mo na ako? May balak kang gawin kay Kate?” May panunukso na naman nitong sabi kay Troy.
“By the way I have to go somewhere. Maiwan ko na kayo dito. Kate Iha just feel at home. Kapag kinasal kayo ng anak ko dito kayo titira.”
Umalis na ito. Nagpunta na sila ni Troy sa kwarto ng ate Trish nito. Ang linis at ang ganda. Nagdiretso sila sa wardrobe.
” Damit ito lahat ng ate mo? “Di makapaniwala niyang sabi. Ang dami kasi at ang gaganda pa. Halata ring mamahalin.
” yeah ang dami noh? Hindi niya naman sinuot lahat yan. Kapag napunta yon sa Mall basta matripan binibili. “Mukha kilalng kilala talaga nito ang kapatid.
“Hindi na nakakapagtaka yon. Ang ganda kaya ng ate mo. Bagay nga siyang model ehh.” Napangiti na lang ito sa sinabi niya.
“Ito bagay to sayo.” sabi nito at inabot sa kanya ang damit.
Dress iyon na kulang yellow.May konting design din. Simple but beautiful. Hindi masyado mahaba hindi din maikli. Sakto lang.
“Ito hindi pwede?” pagtukoy niya sa maikling dress na kanyang nakita. “Joke lang di ka naman mabiro!” pagbawi niya.
Dumiretso ba siya sa CR at si Troy naman ay nakaupo lang sa kama ng ate nito. Alam niyang miss na rin nito ang kapatid.
Naglinis at nag ayos muna siya ng sarili. Sinuot niya ang damit at humarap sa salamin. Ang ganda bagay nga sa kanya.
” Troy bagay ba?” tanong niya kay Troy pagkalabas. “Sobrang ganda naman ng girlfriend ko.” ngiti nitong sabi.
“Yung salamin ko nasira.” sabi niya. Kumunot lang ang noo nito.”Malabo ba talaga ang mata mo?” tanong nito.
“Hindi.” sagot niya. “Ehh bakit ka pa nagsasalamin?” takang tanong nito. Lumapit siya dito at pinatitig ito sa mga mata niya.
“wow.” ang nasambit nito.” Ang ganda ng mga mata mo.”
” Pero hindi naman ganyan ang mata ni Mang Kanor at ng nanay mo ah.” Takang sabi nito.
” Hindi naman sila ang tunay kong mga magulang. “Ewan niya ba pero may tiwala siya kay Troy kaya sinasabi niya dito ang mga sikreto niya.
” ehh sino? “tanong nito sa kanya.” Hindi ko nga rin alam ehh pero sabi nila Nanay hindi daw pwedeng litaw ang kagandahan ko sa harap ng maraming tao pero gusto nagpapaganda ko sayo.”
“So kaya nagaalanerd ka?” tanong nito sa kanya at may halong pagbibiro iyon.
“Hindi lang yon yun! Sigurado rin naman ako na may dahilan sila nanay bakit ayaw nilang sabihin sakin sinong totoo kong mga magulang.” Paliwanag niya.
“Okay.” sabi nalang nito sa kanya.”Ibili kita ng salamin pero hindi yung pang nerd.” dagdag pa nito kaya napangiti na lamang siya.Pansamantala sinuot niya muna ang nakita nilang eyeglasses doon ng ate ni Troy.
Agad din silang bumaba Pagkatapos noon dahil babalik pa sila sa University. Siguradong magugulat ang lahat sa itsura niya.
” Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend na kita.” Bulong nito sa kanya. Nagtatalon ang puso niya sa kilig.
“Nahanap niyo na ba ang anak ko?!” tanong niya sa kanyang mga tauhan. Kulang na lang ay sumabog ito sa galit.
“Hindi pa boss kahit yung kapatid nung asawa niyo hindi pa rin” sagot ng isang tauhan. Kaya natahimik ang lahat.
“Mga b*bo. Mga walang kwenta!Hanapin niyo sila pati na ang driver na yon! Dahil kung hindi pagp*patayin ko kayong lahat!”
Agad naman nagsialisan ang kanyang mga tauhan. Ilang taon niya na ring pinapahanap ang anak.
Dinala kasi ito ng kapatid na babae ng asawa niya at ng asawa nitong driver lang! Namatay ang asawa niya sa panganganak.
Kailangan niya ang anak niya! Namana nito ang kagandahan ng kanyang asawa lalo na ang mga mata.
Magagamit niya ito upang lalong lumago ang kanyang negosyo.
Siguradong maraming anak ng mga kapwa niya negosyante ang maghahangad na mapakasalan ito!
Wealth is the most important thing to him at wala ng iba. So she need her daughter. Her most beautiful daughter.
A/N:Sorry ngayon lang po nakaupdate hehe ✌️nag – isip pa ko ng revelations ehh char😂
May naguguluhan ba? 🤣so may hula na ba kayo diyan? Alam niyo na bakit nag-aalanerd si Kate? 😂
Comment po please hehehe ❤️🙏👇masaya talaga ako sa mga comments ehh.
Yon lang po!Labyu all readers, keep safe po sa ating lahat❤️🙏😚






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. asan ang ibang chap?

  2. asan ung chapter 8,9,10,11,12,13,14&15

  3. asan ung chapter 8,9,10,11,12,13,14,&15

Leave a Reply


top