Ikaw na pala.


Kilalanin nyo po ang isang probinsyanang ng mahal ng isang city boy.year 2009 ng maramdaman ko ang totoong sakit ng puso ng hiwalayan ako ng boyfriend ko ng walang rason. Kaya na isip ko sa sarili ko na ayuko ng mag mahal muli makalipas ang dalawang buwan pag na iisip ko ang ex ko naiiyak ako at nasasaktan.Hanggang sa sinabihan ako ng kaibigan ko na kung palagi kung iisipin ang nakaraan hinding hindi ako makaka move on. Dapat daw mag try ako na pansinin din ang ibang nanliligaw sakin.at napag isip ko din na siguroy tama sila.kaya nakipag txtm8 ako sa isang group dito sa mindanao marahil gusto kung libangin ang sarili ko at makalimotan ang ex ko. At yon na eenjoy ko naman ang mga araw dahil madami na kasi akung katxt pro parang ginagawa ko lang libangan at never ko sila na meet. Hanggang sa aming lugar my patimpalak at isa duon na sumali ay group ni ahrez siya yong matagal ko ng ka txtm8 pro never ko na meet. Kaya ng malaman nya isa ako sa mga staff ng paligsahan nag disisyon kami na magkita para makilala din ang isat isa at syempre gusto ko din makita siya ng personal 😊.hanggang nag txt si ahrez na dumating na ang group nya at nag txt kaagad siya sakin na nasa gym siya at naka kulay blue ang damit. Pro bilang staff di ko siya nilapitan kasi madami din inaasikaso na mga kalahok.pagkatapos ng blockings nag lunch break na mona ang lahat ng kalahok at duon nko nilapitan ni rez. Sabi nya hi ikaw ba si gin? Sabi ko oo ako nga at yon nagka kwentohan kami mismo sa labas ng gym. Hanggang may isang lalaki na inabot ang kamay nya sa harapan ko. At sinabing my name is gian nga pala leader ng group ni rez. Na shock ako πŸ˜… kasi kinamayan nya ako agad sabi ni rez ay oo nga pala kasamahan ko sa sayaw siya yong leader ng groupo. Parang feel ko non ang hangin πŸ˜‚πŸ˜‚ kasi parang ang prisko ng kasamahan ni rez kung mag lakad o manalita. At pagkatapos ng pagpapakilala sa isat isa at kwentohan ay umuwi na ako para mag bihis dahil magaganap na ang patimpalak.ng mga gabing iyon nakita ko ang ex ko dahil kasama ko lang din siya sa group namin may kirot parin sa puso ko cguro dahil pitong buwan palang kami hiwalay. At yon lumabas ako para mag pahangin at sa labas ay nakita ako ni gian habang ng lalakad ako ng dahan2x tinawag nya ko. Sabi nya miss poydi pahingi ng RH Pabiro nyang salita sakin. Nauuhaw na kasi ako wala kasing budget na ubos na sa byahe na nakatawa. Kaya pabiro ko din siyang sinagot. Sige kumuha ka lang diyan sa tindahan lahat ng makikita mo akin yan.pro ikaw ang babayad kaya tawa siya ng tawa sabi nya sakin alam mo palabiro ka pala unang tingin ko kasi sayo parang strikta.sabi ko ay nako tingin lang pala eh kaya lumapit na siya sakin at sabi poydi ko ba hingin number mo incase lang kasi kung dipa kami maka uwi pwdi ka ma txt wala kasi kaming kakilala. Syempre binigay ko agad na isip ko kasi dalaga naman ako at yon nag txt siya agad at nag pakilala di na ako ng reply sinave ko nlang yong number nya.pagka umagahan nagising na ako at ka dami daming txt ang na recieve ko galing sakanya. Yong time na yon subrang busy ko pa kasi fiesta sa amin hanggang nakulitan nako kasi palagi siyang tumatawag. Yon nag reply nako at natuwa siya gusto lang daw nya malaman kung legit badaw yong number na binigay ko kung sakin badaw kasi hindi naman daw ako nag rereply. At yon txt2x kami hanggang sa nanligaw nanga siya pro sinabihan ko siya na hindi ako tumatangap ng manliligaw sa cellphone kundi gusto ko sa personal. Syempre malayo kami 10 hours yong byahe papunta sa kanila kaya sabi nya ok lang daw kaya nya mag hintay hanggang sa magkita kami ulit. Hanggang nalaman ko na ang papa ko ay same city lang sila nakatira ni gian kasi nakita ko sa notebook ng mama ko. Maliit palang kasi ako diko na nakikilala ang papa ko kaya naisip ko baka ito na yong paraan na makita ko siya. Kaya nag txt ako kay gian tinanong ko siya sa lugar ng papa ko at sinabi nya na alam nya ang lugar ngunit minsan lang siya naka punta kasi halos ng dayo sa lugar nabobogbog bago lumabas kaya nakakatakot daw pag pumasok sa lugar na tinitirahan ng papa ko kasi madaming napag tritripan. At yon nanga sinabi ko sakanya na hanapin ang papa ko pro tumangi siya nung una kasi daw ayaw nya mapahamak. Kay hindi ko din siya pinilit pro nag reply siya ulit at sinabi if ever makita ko ang papa mo pupunta ka dito sa amin at magiging tayo magiging girlfriend kita? Napa isip ako sabi ko seryuso? Eh sabi nya seryuso siya.kaya nag yes ako agad kasi sa isip ko kung nag jojoke man siya o niluluko nya ko wala din namang mawawala kasi malayo naman kami nasakanya parin naman kung tutupad siya sa kasunduan.matapos ng txt2x namin wala nakung natangap na txt galing sakanya kaya na isip ko na niluluko nyalang ako kaya dina din ako nag hangad pa na makita ko ang papa ko. Hanggang lumipas ang dalawang buwan nag ring ang cp ko ang bumungad sakin ang mga txt nya na napuntahan nya daw ang papa ko at nalaman nya kung saan nakatira. Parang na shock ako kasi after 2 months nag txt si gian at sabi ko wag mo kung lulukohin kung pwdi ba wagka ng mag txt. Kaya tumawag siya sakin humingi ng sorry kasi naging busy sila sa patimpalak na sinalihan nila at at sa pag hahanap sa papa ko. Sabi nya sakin puntahan ko daw ang papa ko siya mag bibigay pamasahe kung nag sisinungaling daw siya. Kaya lumipas ang limang araw nag disisyon ako na puntahan nanga si gian para samahan ako sa papa ko. Diko din alam bakit naniwala ako sa isang taong isang gabi ko lang nakilala at sa txt pro ng pag baba ko sa bus iwan pro kinilig ako siyempre gandang ganda ako sa sarili ko hahaha. Lumapit siya sakin at bigla nyakong niyakap at sabi ay salamat nandito kana .parang mag jowa na talaga kami haha kaya yon nanga hinatid nya kaagad ako sa bahay ng papa ko at ng papumta na kami hawak2x nya kamay ko na parang ang saya saya nya na nadito ako sa tabi nya. Pag dating namin nag tanong kaagad kami sa kapit bahay kung yon ba ang bahay ng papa ko. At my tumawag sa papa ko kaya dumongaw siya sa ika lawang palapag ng bahay. At agad nya akung nakilala at sabi agad anak nandito ka? At niyakap nya ako ng mahigpit at pinatuloy nya kami sa kanilang bahay.at yon nanga nag kwentohan kami about mama umiyak ang papa ko at syempre natawa din siya kasi hindi daw nag bago ang mukha ko ng ilayo kami ni mama sakanya kaya kilalang kilala parin nya ko. At lumalim na ang gabi kaya umuwi na kami ni gian at nangakong babalikan si papa para mag bonding kami ulit mag ama. Habang nakasakay kami sa jeep umakbay sakin si gian at ako kasia ang babaeng di mahilig sa mga ganyan kaya pinagsabihan ko siya na ayuko ng inaakbayan ako. Hanggang sa nag salita siya sabi nya ano naba tayo? Diba nag usap na tayo na pag nahanap ko ang papa mo magiging tayo na. Kaya di ako nakapag salita kasi hinanap nyadin naman ang papa ko dahil sakanya nakita ko ang papa ko. Kaya nag ok nlang ako sabi ko wala namang mawawala kung...


pag bibigyan ko siya sa gusto nya na maging girlfriend nya ko. Yon inuwi nya ko sa bahay nila sabi nya dito ka matutulog sa kwarto duon nlang ako sa sala kasi maaga kapa bukas punta ng papa mo. Syempre nasaktan nako kaya ayuko mona talaga pumasok sa isang relasyon na seryuso pro sabi ko kay god kung magkaka bf man ako lord ulit sana yon na ang mapapangasawa ko. Habang naka tulog ako sa kwarto bigla siyang kumatok sabi nya mag sabi lang daw ako kung nagugutom ako. Sabi ko naman ok at kumatok na naman siya sabi nya dipabadaw ako inaantok kasi gusto nya mag kwento kaya di pa naman talaga ako makatulog kaya pinapasok ko siya. Hanggang sa nag kwentohan kami about sa ex namin. Pro ako di talaga ako mahilig mag kwento about ex kasi nga ex diba kaya past is past pro siya panay kwento nya na niluko siya. Kaya sabi ko same lang pala tayo eh nasaktan pro diko lang alam kung ano dahilan kung bakit nyako hiniwalayan. Tapos yon diko namalayan naka tulog nako sa kakakwento nya. Kaumagahan pag gising ko pinag luto nya ko sabi nya sakin ikaw lang yong babaeng pinag luto ko sabi ko sakanya eh kung dikadin mag luluto wala tayong kakainin pabiro kung salita at humawak siya sa kamay ko at sabi salamat sa pag papasaya. Nah smile lang ako kasi sa isip ko ang papa ko naman talaga ang pinunta ko dito hindi siya at hindi ang relasyon naming dalawa. Hanggang isang araw nalasing kami at may ng yari saming dalawa pagka umaga umiyak ako. Dahil bakit sa dami daming lalaki na naging boyfriend ko bakit sakanya ko pinagkatiwala sarili ko ni hindi ko pa siya kilala ng lubosan. Pro habang tumatagal na magkasama kami parang na giguilty ako dahil alam ko ginagamit ko lang siya para maka move on sa ex ko at makalimotan ang sakit na nararamdaman ko at alam kung ganon din siya. Pro bakit araw2x na magkasama kami na fefeel ko ang pagmamahal nya sakin pro sinasabi ko sa isip ko hindi totoong mahal nya ko at wag na wag kang maniwala agad sabi ko sa sarili ko. Naluko kana kaya wag kanang mag pa luko ulit. Hanggang isang araw magkatabi kami ng kaibigang babae ni gian ng biglang may sumampal sakanya na isang babae.tinanong ko ang kaibigan nya na katabi ko tinanong nya ako kung boyfriend ko ba si gian pro tumatangi ako. Sinasabi ko hindi ko siya boyfriend kaibigan ko lang siya. Kasi nga hindi ako ready talaga sa pakikipag relasyon nung mga panahon nayon. Sabi ng kaibigan nyang babae usap usapan kasi sa group ikaw nag bagong girlfriend nya kaya hiniwalayan nya si chen dahil daw sayo. Pinapili daw siya ni chen pro ikaw ang pinili yung mga panahon na yon diko maintindihan nararamdaman ko dahil nakasira ako ng relasyon na wala akung ka alam2x hanggang inimpaki ko mga gamit ko para umalis sa bahay ni gian dahil lahat mama nya pinag dududahan at mga ka barkada nya na kami at ako ang bagong girlfriend nya. Hinawakan ni gian kamay ko sabi nya saan ka pupunta? Ang sabi koy pupunta ako sa papa ko sabi nya alam ko nasaktan kita kasi diko sinabi sayo ang totoo about chen. Hindi ko alam kung bakit ako umiyak ng mga panahon na yon bumalik ang sakit na naramdaman ko dati sa ex ko. Wala akung binitiwang salita kundi lumuhod siya sa harapan ko at humihingi ng patawad sa nagawa nya.hiniwalayan nya si chen dahil daw pinili nya ko dahil alam nya masaya siya pag kasama nya ko. Kaya iyak ng iyak siya na humingi ng tawad at hinawakan ko kamay nya at tinangal sa pag yakap at lumabas ng bahay. Madami ang nag tetxt sakin bakit daw di na ako nag papakita sa group ni gian ginagawa kung rason busy kami ng papa ko sa bonding namin mag ama. At nakipag usap ang kaibigan nyang babae sakin ang sabi nya. Alam mo gin ngayon lang namin nakitang masaya talaga si gian ulit sa kadami dami naging gf nya dinga namin akalain na mas pinili ka nya kaysa kay chen na matagal na sila cguro dahil mahal ka nya. Wala kading kasalanan wag mong sisihin sarili mo. Nagka usap na sila ni chen at may bago na bf matagal nadaw kasi din alam ni gian na niluluko sya ni chen everytime nag a.out of town siya kaya sana mag usap kayo at mapatawad siya. Kaya ng mag txt si gian na kung poydi badaw kami kumain sa labas kaya nag ok ako agad kasi alam ko din yung mga pinag daanan nyang sakit katulad ko na nasaktan din ng subra. Kaya ayon bumalik ako sa bahay ni gian at sumali ako sa group nila nilang guest sa anniversary ng groupo.at yon masaya na kami ulit pro di parin alam ng iba na boyfriend ko siya except sa kaibigan nyang babae. Kaya party2x na ang lahat at ng magka kwentohan ang groupo kasi na sarapan na sa inuman kaya madami ng nag lalabas ng saluobin at ng mapunta sakin ang storya tinanong nila ako.boyfriend mo ba si gian? Tumingin sakin si gian na naka smile pro sinagot ko hindi hindi ko siya boyfriend.! Nag huh sila lahat kasi hindi ko alam
Pinagsabi na pala nya sa mga kaibigan nya na kami na. Biglang nalungkot at na dismaya si gian sa pag sabi ko na kaibigan ko lang siya. Kaya pagka tapos ng party umuwi na ang lahat at habang nag liligpit ng mga kalat sinabi nya sakin matulog kana maaga pa tayo bukas. Alam na nilang lahat na tayo. wala akung binitiwang salita at agad na pumasok sa kwarto nahiya ako sa ginawa ko.kaya pag gising ko nandito na lahat ng barkada para sa byaheng out of town kaya bumawi ako agad sakanya tumabi ako at hinawakan ko ang kamay nya. At tumawa ang barkada ui kala ko kaibigan lang ang sweet panay biro nila sa amin tawang tawa si gian. Yon pinapakita na namin sa lahat ang relasyon namin ng biglang napag usapan ang ex ko dahil isa ang group ko na sasali sa sasalihan nila parang natahimik ako diko alam kung naka move on naba talaga ako. At yon nanga nagkita kita na kami lahat pati ex ko nakita ko. Ng inakbayan ako ni gian bigla akung nagalit bakit ginawa nya yon na alam nyang ayuko na inaakbayan ako humingi siya ng sorry pro nagalit ako. Kaya pag uwi namin ng bahay nag away kami sabi nya nagkamali ako bat ganyan ka magalit? Dahil nandon ex mo? Nahihiya ka makita na tayo na? Na my boyfriend kana? Aminin mo nga sakin mahal mo ba talaga ako? O ginagamit mo lang ako maging panakip butas dyan sa nararamdaman mo. Dahil lahat nlang parang kinakahiya mo ko. Umiiyak siya sa harapan ko ng makita ko yon subrang sakit ang naramdaman ko dahil alam ko nasaktan ko siya kaya ni yakap ko siya ng mahigpit at sabay sabi yes nung una wla naman akung planong mahalin ka eh. At tama ka gusto kita gawing panakip butas pro nung makilala at araw2x kang makasama wala akung ibang hiniling sa diyos na sana ikaw na. Dahil ikaw ang nagpapasaya sakin dahil mahal kita. Hanggang nag disisyon ako na sunugin na lahat ang picture kung anong meron kami ng ex ko at lahat ng gamit binigay ko na sa mga nangangailangan lalo na toy. Naisip ko kung hindi ko papakawalan ang nakaraan sisirain nito ang kasalukoyan. Kaya ngayon 9yrs na kaming kasal at may tatlong na kaming anak masaya at kontento nako sakanYa at sa pamilya ko.sa 11yrs namin nag sama madami mang pagsubok na dumating alam ko na itoy kakayanin makasama ko lang ang pamilya ko at lalo na ang husband ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top