UNTITLED—


UNTITLED—
Written by:𝒜𝓋ℯ𝓈 𝒲𝓇𝒾𝓉ℯ
Dedicated: Chinchin
“bhie feeling ko ang tino tino ko” turan ko sa kaibigan ko habang kumakain kami ng ice-cream
“feeling mo lang yun” sagot niya habang kumakain ng ice-cream napa irap naman ako.
“wala kabang ka support support sakin eh feeling ko nga tino tino ko eh” pag mamatigas ko dito
“feeling mo nga lang yun bhie ohh ayan kain ka pa ice cream” turan niya pabalik at iniabot ang ice cream na hawak niya.
“haisst ang hirap mong pa intindihin eh sabi na ngang matino ako e—”
“Sophia!” malakas na sigaw ni mama kaya na tigilan ako.
“wtf si mama parang tanga” mahina kong turan.
“bakit ma?” taka kong tanong dito.
“sino bang kausap mo huh!” singhal niya, kaya tinuro ko naman ang kausap ko kanina pero wala na siya sa tabi ko.
“s-si.. bakit nawala?” taka kong tanong at hinanap ang kaibigan ko.
“anak patahimikin mo na ang kaibigan mo, matagal na siyang patay”kaya please tumigil kana” naiiyak na turan niya kaya nag taka ako.
“MA wag ka ngang mag biro ng ganiyan kausap ko pang siya kanina eh” turan ko dito na may halong inis.
“anak hindi mo ba natatandaan? pareho kayong na aksidente… ikaw lang ang naka ligtas” mahina niyang turan.
“MA ano kaba buhay siya, buhay...


na buhay” turan ko dito
“Bea..” mahina kong turan ng makita ko ang kaibigan ko na umiiyak sa isang tabi. Nagulat naman si mama at napa lingon sa kinatatayuan ng kaibigan ko pero halata sa mukha niya na wala siyang nakikita kaya hinawakan niya ako.
“b-buhay ka diba? hindi kapa patay gaya ng sabi nila” naiiyak na turan ko.
“sophy… sorry” turan niya at lumuluha, unti unti ay nag babago ang itsira niya.
“sabi mo hindi mo ako iiwan diba” dagdag kopa. Ang kulay pula na labi niya at naging maputla na parang walang buhay, nag simulang na ring umusok ang paligid.
“sophy sorry pero kailangan eh” umiiyak na turan niya at unti unting Nilalamon ng usok.
“please patahimikin mo na ako gusto ko nang mamahinga” sabi niya kaya tumulo ang luha ko. Wala na akong makita pero naririnig ko pa ang boses niya na umiiyak.
“Bea please” hagulhol ko.
“babantayan kita kaya wag kang mag alala” malamig na hangin ang yumakap sakin.
“HINDIIIIIII!!!!” agad akong napa bangon habang basang basa sa pawis.
“anak anong nangyari sayo” turan ni mama na kakapasok palang na may dalang tubig.
“ma paulit ulit nalang” humahagulhol na turan ko dito. Halos araw araw yun ang panaginip ko. Hindi ko kasi matanggap na wala na ang kaibigan ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top