𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗔’𝗦 𝗕𝗢𝗬


May boyfriend ka bang Lola’s Boy? Kung meron ang swerte mo. Dahil kung mahal niya ang Lola niya. Siguro, mahal na mahal ka rin niya. Kaya, h’wag mong subukang lokohin o ipagpalit siya. Baka magsisi ka sa bandang huli, dahil sa wala ka na palang mahahanap na katulad niya… Mapagmahal.
I have a sweet, caring and loving boyfriend. Loko-loko at kasama ko sa lahat ng kalokohan at kabaliwan. Kasabayan ko sa lahat ng bagay at parehong magkasundo sa ano man’g bagay. Pagdating sa Lola niya. Wala akong laban. Mahal na mahal niya, Lola niya. At ‘yun ‘yong isa dahilan ko kung bakit mas lalong minahal ko pa s’ya, higit pa sa buhay ko.
“Mamasyal kami ni Lola, isasama daw kita. Sawa na daw kasi siyang makita ang gwapo kong pagmumukha,” sabi pa ng boyfriend ko sa ‘kin. Habang tawa-tawa siyang tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. Ok, ako na may boyfriend na may sira ang pag-iisip pero gwapo naman. Hayysst.
“Alam ko, sinasabihan niya ako kahapon. Kasi daw s’ya lagi mong kasama at ka-date. Ako hindi, wala na. Loko-loko ka. Tara na nga,” sagot ko sa kan’yang pasigaw. Halata din sa ‘kin ang sayang nararamdaman lalo na kasi nakikita ko ang taong mahal ko na masaya. Hindi lang ako, ang mga kaibigan niyang babae, ang mama ang mahal niya at binibigyan niya ng oras at atensyon pati na ang Lola niya. Mahal na mahal niya pa nga ‘yun kesa sa akin. Masasabi kong… ang swerte ko sa isang lalaking tulad niya.
“Hoy, Mahal hintayin mo naman ako. Mahal, h’wag ka ng magalit sa ‘kin. Ide-date kita bukas. Mahalll kooo. I love youuuu,” sigaw pa nito na s’yang ikinatawa ko ng mahina sa loob-loob ko lalo na kasi matalim pa s’yang tinitigan ng Lola niya. Kasi ba naman pinagtitinginan na kami ng iilang mga kapitbahay namin tapos ‘yung boses niya abot kabilang bayo ng lugar.
“Ikaw na bata ka,” ani ng Lola n’ya. Natawa na lang ako habang inakbayan niya ito at pinag sasabihan ng ano-anong kalokohan dahilan para matawa ito. Napangiti na lang akong kinuhaan sila ng picture na magkasama.
Ang sarap sa pakiramdam na makita ‘yung taong mahal mo na masaya. Mahal na mahal pa ‘yung taong nag-aaruga at nag-aalaga sa kan’ya lalo na ang mga taong unang nagpahalaga at nagmahal sa kan’ya. Tapos, ikaw na huling dumating sa buhay niya, minahal ng totoo. Kaya, sobra akong nagpapasalamat dahil siya ‘yung naging boyfriend ko. Mapagmahal na anak, apo at boyfriend.
“Mahal anong nangyari? ‘Yung Lola mo kamusta siya? At bakit ka ba umiiyak. Tingnan mo sarili mo, oh, nagmukha ka ng batang pulubi,” pabiro ko pang sa kan’ya. Pinahiran ang mga luha nito at niyakap ng mahigpit. Kinabahan ako at parang babagsak na bigla ang mga luha kong namumuo sa mga mata ko pero ma’s pinili kong maging malakas sa aming dalawa.
“M-mahal si L-lola. Si L-lola, M-mahal. Sana maging ligtas siya. Sana maging maayos siya.” Naiiyak ay wika nito sa akin. Tumutulo ang mga luha kong walang paalam. Nasasaktan ako. “Mahal, tama na. Maging maayos din ang Lola mo. Malakas ‘yun, Mahal e.” Pagkombinse ko pa sa kaniya. Ang sakit makita at maramdaman na umiiyak ‘yung taong mahal mo. Tapos wala ka pang magawa para patahanin siya’t bawasan ang nararamdaman niyang sakit.
“M-mahal malapit na birthday niya sa susunod na buwan na ‘yun. M-mahal, paghahandaan ko pa siya. Bibigyan ko pa siya ng regalo. T-ty’ka, M-mahal kakain kami ulit sa labas at mamasyal. Edi-date ko pa siya M-mahal. M-mahal, ayoko mawala siya. Mahal na mahal ko siya, Mahal. Isa pa, a-alagaan...


niya pa mga anak natin, Mahal. Sabi ko ‘yun sa kan’ya kaya kailangan niya pang mabuhay.” Naiiyak akong niyakap siya ng mahigpit. Napasabay ako sa pag hagolgol ng pag-iyak at paghikbi niya. Pakiramdam ko para talagang sinaksak ng mailang beses ang puso niya ng patalim. Masakit. Sobrang sakit.
Ang tangi ko lang nagawa sa oras na ‘yun ay ang pakinggan lahat ng hinanakit niyang nilalabas na may sayang nababalutan at nababahidan na ng sakit at hirap. Walang katapusan ang pagluha niya. At pagsasalita tungkol sa Lola niya at sa kanilang dalawa. Umabot ng umaga ang pakikinig ko sa kan’yang mga kwento. Hanggang sa nakatulog itong may luha sa mga mata.
“M-mahal, h’wag kang magsalita. H’wag mong sabihin kung ano man ‘yang gusto mong sabihin hindi ako maniniwala. M-mahal. Ma, Pa. Kuya. Tito, tita. Buhay si Lola di ba? Sabihin n’yong buhay siya. S-sabihin n’yo po.” Galit na tanong nito sa amin. Napaiyak ako dahil sa nakikita ko sa kan’ya. Para s’yang batang nawalan at naagawan ng laruan ngayon na nakaupo sa sahig. Kasabay din no’n ang pagwawala niya at napabitaw ng mga di kaaya-ayang mga salita. (Bad words)
“Anak, wala na ang Lola, mo hindi na kinaya pa ng puso niya. Sorry, anak.” Sabi nang, Papa niyang s’yang ikinahagolgol niya ng malakas. Napasigaw at napamura s’ya sa galit at inis. Sa sakit ng nararamdaman niya, sa puso niya.
“M-mahal,” ‘yan na lang ang salitang naituran ko. Kusa ko sana siyang lapitan para hawakan nang pinigilan ako ng mga kaibigan niya at mga magulang lalo na nang bigla itong tumayo patakbo palabas dito sa kwarto ng ospital.
“Hindi, po. Sorry, po. Pero kailangan ko po s’yang sundan. Saktan, pagtabuyan at sigawan man niya ako.” Ani ko’t agad ng tumakbo palabas.
“M-mahal,” sigaw ko sa kan’ya at niyakap siya bigla. Napayakap din ito sa ‘kin pabalik.
“M-mahal, ayokong tanggapin. M-mahal. Masakit sobrang sakit. Ang sakit-sakit. ‘Yung babaeng una kong minahal iniwan na ako. Wala na siya, M-mahal.”
“Alam ko, pero kailangan mo ‘yun tanggapin. Matagal na niyang iniinda ‘yung sakit niya sa puso ty’ka matanda na din siya. Nandito lang ako, Mahal para sa ‘yo. Hanggat nabubuhay ako mananatili ako sa ‘yo, ‘di kita iiwan. Mahal na mahal kita.” Tanging pagluha lang ang naisagot nito at mahigpit na yakap mula sa akin.
“Mahal, mahal na mahal ko, Lola ko. Mahal na mahal ko.” Sagot nito sa ‘king parang bata na inaaway ng mga kalaro dahilan para mapahagogol ito sa iyak.
Naging malakas ako sa oras na ‘yun. Lalo na dahil nagluluksa ito sa pagkawala ng Lola niya. Sa pagluluksa niya saglit niya akong nakalimutan. Nakalimutan niya bigla na may isang babaeng mahal s’ya na laging nand’yan para sa kaniya. Inintindi ko. Masakit pero, nilapitan niya din ako at niyakap. Humingi ng depensa. Naiintindihan ko. Mahal ko s’ya. At mas lalong naiintindihan ko ang nararamdaman niya.
Kasi gan’on ka dapat sa taong mahal mo. Sa inyong dalawa pareho. Kung nanghihina s’ya, maging malakas ka para sa kaniya at sa inyong dalawa. Iintindihin mo s’ya. Manatili ka lang at ipakita at iparamdam mo lang sa kan’ya na nand’yan ka. Hindi mo siya iniiwan at hinahayaan, mag-isa.
Life is too short, always choose happiness and be with all the time for your someone you love and for the person who important to you most of all, with your parents and families. H’wag kang magsasayang ng oras na ibigay o iparamdam sa kanila ang pagmamahal mo at ang pagmamahal nila pabalik sa ‘yo, para sa kanila. Para in the end wala kang pagsisihan.
__
He’s my boyfriend Lola’s Boy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top