Kambal ahas


Kambal ahas”
✍️: Portia
ONESHOT
Usap-usapan sa baryo namin ang isang tao na sinasabihang may kakambal raw na ahas, na sa tuwing lumalabas ito ay hindi mawawala sa tabi ang ahas.
Hindi man kapanipaniwala pero sa tuwing napapakinggang ko ang mga chismis na itoy masama raw ay hindi ko maiwasan na manindig ang balahibo.
Nag lalakad ako sa gilid ng kalsada ng mag isa, nang may humarang sakin na Isang lalaki na may kalakihan ang katawan, nakaramdam ako kagad ng kaba sa ganung sitwasyon.
Pero sa kabila ng lahat pinagpatuloy ko parin ang pag lalakad.
“Ang Ganda mo naman miss patikim ako” sabi niya dahilan para manindig lalo ang mga balahibo ko sa katawan.
Ang boses niyang buong buo nakakatakot.
Hindi na ako nag dalawang isip at kaagad akong tumakbo.
Pero dahil nga hindi ako sanay sa takbuhan, mabilis niya akong nahuli.
Nakaramdam ako ng hilo ng may pinalo siyang bagay sa bandang batok ko.
Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari.
Pero nagising ako na nasa isa akong batong Mahaba at dun ako nakahiga.
Walang ibang tao kundi ako lang.
Tatayo na sana ako pero bigla nalang may babaeng nagsalita sa likuran ko.
“Gising kana Pala”
Dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.
“S-sino ka?” Kabadong tanong ko.
“Hindi na kailangan alamin pa, wag kang mag alala, ligtas kana, at Wala narin namang makakapanakit sayo” sabi niya habang papalapit sakin.
Diko maiwasan ang pag atras dahil Isa siyang napakagandang dilag at animoy dyosa.
“Mag iingat ka sa iyong pag uwi, kapatid”
Bahagyang lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
Kapatid?
Wala akong kapatid.
Nakita ko siya na naganyong ahas at gumapang sa kung saan.
Wala akong kapatid.
Wala akong pamilya simula nang akoy maliit pano ako mag kakaron ng kapatid.
Lumipas ang araw at napapansin ko na palagi nang tahimik ang mga kapitbahay ko.
Dati naman ay hindi sila ganun.
Sinawalang bahala ko iyon dahil ang akala ko normal lang yun.
Pero ang akala kung normal at Mali.
Dahil lumipas lang ang tatlong araw nakita ko sila na nagtitipon tipon at may mga dalawa ilaw na umaapoy.
At papunta sila sa bahay ko.
“PAALISIN ANG ISANG AHAS NA YAN DITO SA BARYO!” Sigaw ng Taga panguna nila.
Ahas? Ako?
Hindi ako ahas.
“TAMA!” Sigaw Naman ng kasamahan nila.


/> Lumabas ako sa bahay at dahil Meron nama’ng gate hindi nila ako mapapasok ng tuluyan.
“IKAW! LUMAYAS KA DITO SA BARYO NA ITO ISA KANG AHAS!” Sigaw ulit ng Taga panguna nila.
Kinakabahan ako dahil baka pasukin nila ako dito oh kaya patayin.
“Wag Kang mag alala kapatid ako na ang bahala sakanila” biglang usap nang nasa likod ko.
Panong?
Pano Siya nakapasok sa bahay ko?
Bahagya siyang ngumiti at dahan dahan na pumunta sa mga tao.
“Teka! Delikado diyan”
Sabi ko pa sakanya pero, ngumiti lang ulit Siya sakin.
Nagulat ako sa sumunod na nangyari.
May mga ahas na sumunod sakanya at kumpulan sila.
Hindi lang Basta bastang ahas ang mga ito, dahil sa pag kakaalam ko ang mga katulad nang ahas na ganito ay makakamandag.
Ilang minuto lang naririnig ko na ang mga sigaw na nangagaling sa labas.
Sa takot ko pumunta ako sa kwarto ko at dun nag kulong.
Ano bang nangyayari sakin?
Ano bang nangyayari sa nakapaligid sakin?!
Narinig ko ang kaluskos na nanggagaling sa baba… Ng titignan ko na ito ay Nakita ko ang pag aanyong tao nang babae.
“S-sino kaba? Sino ka sa Buhay ko!” Sigaw ko at tinakpan ang tenga nang Nakita kung papalapit Siya sakin.
Nang nakalapit na Siya sakin ay hinawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa tenga ko.
Ramdam ko ang dulas ng kanyang kamay.
“Kapatid Moko, wag Kang mag alala, hindi kita sasaktan, dahil kahit sino man ang manakit sayo, ako ang makakatapat” malambing na usap nito.
At dun ko ulit Nakita ang maamo niyang mga muka, pero may nakita akong galos sa bandang kanan niyang pisngi.
“May sugat ka” nag aalala kung Saad.
“Hindi mo kailangan mag alala sakin, kaya ko ang sarili ko” sabi niya at tsaka ulit hinawakan ang mag kabila kung kamay.
A-ako ba talaga ang may kambal na ahas?
“A-ako ba ang may kambal na ahas?” Pilit kung usap.
“Hindi kambal, kapatid, ako ang nakakatanda”
Napaiyak ako sa sinabi niya.
Lumaki ako nang wala akong alam sa sarili ko.
Lumaki ako ng hindi ko kilala kung saan ang pinagmulan ko.
At lumaki ako ng kinulang ako sa pagmamahal na hiniling ko.
Niyakap ko siya, ganun din ang ginawa niya.
May kapatid akong ahas at yun ay si Medausa.
[Work of fiction]
[Open for criticism]
[Photo not mine]






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top