Amara the dreamer. Chapter 1


” Ang guwapo talaga” bulong ni Amara sa sarili habang nakatingin sa anak nang among si Edward. Naka upo ito sa sala bihis na bihis halatang may lakad ang binata. Mamasa masa pa ang buhok napaka guwapo nito sa sout na pulang polo shirt.
” Kailan mo kaya ako bibigyan nang pansin?” napabuntong hininga siya.
Matagal na siyang namasukan kina Edward bilang katulong sa tinagal tagal niya rito ni hindi siya binigyan nang pansin nang binata. Kinakausap lamang siya nito kapag may kailangan ito sa kanya oh kaya ay may e-utos.
” Darating din ang araw mapapansin mo rin ako” hiyaw niya sa sarili at lumabas sa kanyang pinagkublian mula sa kusina.
” A-alis na ako Edward” paalam niya rito. Alas syete na nang gabi maaga siyang na tapos sa kanyang gawain sa bahay. Kadalasan nakakauwi siya sa kanila nang alas nueve. Depindi sa dinami nang kanyang trabaho.
Stay out siya hindi rin naman gaano ka layo ang bahay nila mula sa pinapasukan at lagi siyang maaga kung dumating kinabukasan kaya pinapayagan siya nang amo mag stay out.
Tinanguan lamang siya nito bilang pagtugon sa kanya. Nalanghap pa niya ang ginamit nitong pabang cologne nang makadaan siya sa harapan nito.
Sinulyapan niya muna ito nang nasa may pintuan na siya ” Ang sarap talaga yakapin” hiyaw niya sa sarili at nagtutuloy na sa paglakad palabas nang malaking bahay.
” AMARA INAAPOY sa lagnat ang kapatid mo, wala akong pera pambili ng gamot”
Bungad sa kanya ng nanay niya ng maka rating siya sa kanila.
” Nay, susubukan ko mag advance bukas sa amo ko, pero hindi ko lang mapapangako na mapagbibigyan ako malaki na kasi ang utang natin.”
Nauubos na ang kanyang sahod at nag kakautang pa siya sa amo dahil sa pabalik balik na lagnat nang kapatid wala din naman silang ibang mapag kuhanan kundi ang pag tatrabho lamang niya sa mga Delgado ang inaasahan nila nang lahat nang mga gastusin nila sa mga pang araw-araw na kakailangan.
Maaga silang na iwan nang ama at dalawa silang magkapatid siya ang panganay. Ang nanay naman niya ay may ka edaran narin. Minsan nag lalabada ito sa mga kapit bahay pero hindi rin maka tagal dahil sa sumasakit ang likuran nito kaya tanging siya nalang ang nag susumikap para ma iraos niya ang pang araw-araw nilang mag anak.
” Subukan ko mang hiram kay Marikit nay. ” tukoy niya sa kaibigan nang maalala ito. Pagka sabi niyon ay agad din siyang umalis.
Hindi na niya alintana ang dilim nang daan habang naglalakad papunta sa bahay nang kaibigan. Ilang sandali lang ay narating niya rin ito. Naabutan niya si Marikkit sa labas nang bahay nito nakaupo.
” Marikit, baka pwedi mo ako pahiramin ng pera pambili ng gamot ni Junjun inaapoy kasi siya nang lagnat.” hindi na siya nag paligoy ligoy pa sa kanyang sadya rito. Kinapalan na niya ang kanyang mukha.
” Naku friend wala pa akong pera ngayon, pero may raket ako ngayong gabi.” tugon nitong tumayo para ipagkuha siya nang upuan.
” Baka pwedi mo ako isama sa raket mo Marikit kailangan ko lang talaga” pakiusap niya rito hindi siya pwedi umuwi na wala siyang dalang pera.
” Gusto mo ikaw nalang muna sa trabaho ko, paubaya ko nalang sayo.”
” Ano ba ang trabaho?”curious niyang tanong
” May kakilala kasi ako...


na ang kaibigan niyang lalaki ay mag bi-birthday kailangan daw nila nang dancer bilang regalo” tugon nito.
Saglit siyang nag isip” hindi ako marunong sumayaw” sabi niya rito
” Gumiling giling ka lang naman. Saka tanging bikini at bra lang ang sout mo ha” sabi ni Marikit sa kanya umupo sa tabi niya.
” Hindi ba iyon nakakahiya? Naka bikini ka sa harap nang maraming tao?” aniya naka kunot ang noo.
” Naku wala nang hiya hiya kapag kailangan mo nang pera. Saka pwedi ka naman mag sout nang maskara kapag gusto mo” saad nito.
Saglit siyang natahimik. Nag isip siya kung tama ba ang kanyang gagawin. Kailangang kailangan niya talaga ng pera. ” Sasayaw kalang naman” sa isipan niya. Pumayag narin siya. Noon din ay sinama siya ni Marikit sa venue nang pagdarausan nang birthday party.
PUMASOK siya sa isang malaking kahon na tanging itim na bra at itim na bikini ang sout niya at sout ang maskara. Naramdaman niyang may humila sa kahon papunta sa gitna. Tulad nang sabi sa kanya ni Marikit lalabas lang siya kapag bubuksan nang celebrant ang kahon.
Mayamaya pa ay narinig niya ang maugong na sigawan ng kalalakihan.
” Buksan muna!” Sigaw ng isang lalaki nang lumapit ang celebrant sa kahon.
” Patrick buksan muna!”
Segunda ni Edward
Binuksan nang celebrant nabsi Patrick ang malaking kahon.
Mula sa naka bukas na kahon ay tumayo siya tumambad ang mapuputi niyang katawan sa harap nang celebrant at nag paggiling giling.
Dahandahan siyang lumabas sa box at tumayo sa harap nang celebrant. Hinahagod niya ang katawan nito habang nag pagiling giling.
Akma nitong tanggalin ang kanyang sout na maskara. Pinigilan niya ang kamay nito.
Nakangiti siyang pinag patuloy ang paggiling.
” Wow! Ang sexy!!” Malakas na sigaw ng lalaki.
Napalingon siya sa pinanggalingan nang boses nagulat siya ng makita si Edward.
” Edward?” Sigaw ng isip niya
Bigla siyang kinabahan na baka makilala siya nito. Ayaw niyang makita siya nang amo sa ganitong ayos, gusto na niya mag walkout pero, na isip niya ang kapatid kailangan niya mapagamot ito kaya pinag patuloy niya ang kanyang ginagawa.
” Giling pa moree!” Sigaw ni Steve. Kilala niya si Esteve dahil lagi itong nagpupunta sa bahay nang amo. Si Patrick ang ngayon palang niya nakita.
” Sana matapos na ang tugtug para makaalis na ako sa harapan nang mga ito” hinaing niya sa sarili habang nag papagiling.
Ilang minuto pa ang nakaraan ay natapos na rin siya. Dalidali siyang nagpunta sa dressing room.Para puntahan ang kaibigang si Marikit.
” ANG LAKI naman nito” bulalas niya nang e-abot sa kanya ni Marikit ang 5000
“Mapapagamot na namin si Junjun,” mangiyak ngiyak niyang sabi kay Marikit nayakap niya ang kaibigan sa subrang tuwa.
” Maraming salamat talaga” paulit ulit niyang pasasalamat dito.
” Walang ano man basta para sayo” nakangiti nitong sabi.
” Sige na umuwi kana para makabili kana nang gamot” taboy nito sa kanya
” Salamat talaga’ niyakap niya ito ulit bago siya umalis.
tuwang tuwa siyang talaga na nakahawak siya nang 5000. Malaki pa ito sa sahod niyang tinanggap buwan buwan nasa 2500 ang sahod niya kadalasan wala pa siyang natanggap dahil na ubos na niya sa kaka-advance.
Nagmamadali siyang umalis sa lugar na iyon dahil mag hahating gabi na ay naghanap siya nang bukas na pharmacy para maibili nang gamot ang kapatid.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top