“ AMARA anak kailan mo ba pupuntahan yong bagong resort na sinasabi ni Harikasi? Baka nagtampo na iyon saiyo dahil hindi mo pinuntahan yong unang resort na sinabi niya sayo noon” sabi nang kanyang ina habang nag almusal sila.
“ Ngayon nay, pupuntahan ko. Pinaunawa ko rin naman sa kanya kung bakit hindi ko napuntahan iyon noon dahil sa nagkaroon ako nang problema sa carpentero sa ipinagawa kung boutique”
“ Baka isipin ni Hari hindi ka intresado sa kanyang ipinakiusap Amara, baka isipin niyang nag dadahilan ka lang”
“ Hindi naman ganyan si Hari nay, maunawiin iyon. At nag uusap naman kami araw-araw. Alam niya rin nasa tinatayong boutique ako para tignan ang mga tauhan.
Alam mo naman iyong nakuha kung carpentero pag hindi mo babantayan parang papatayin na nila ang oras sa kakasigarilyo sayang naman ang sinahud ko nila hindi ko po pinulot ang pera pinapasahud ko sa kanila” sabi niyang ngumunguya nang ham.
“ Kaya nga nong natapos nila ang boutique para akong nabunutan nang tinik sa lalamunan” dagdag pa niya.
“ Sa bagay! Maiba ako ikatlong araw na pala ngayon mula sa pagbukas mo nang boutique kumusta naman?”
“ Kahapon nong nandon ako marami parin naman tao”
seryuso tumingin sa kanya ang ina “ Masaya ako anak, para sayo”
“ Salamat nay, walang katumbas din ang saya ko nakapagsimula na tayo nang bagong buhay.”
“ Sana marami parin ang mga costumer sa susunod na mga araw” sabi nang ina.
“ Sana nga nay. Ang maganda kasi non nay puro mga signature ang mga binibenta ko” tinapos niya ang kanyang pagkain.
Pagkatapos niyang kumain tinungo niya ang kanyang silid. Para makapag ligo at mapuntahan niya ang resort na sinasabi ni Harikasi.
Ilang minuto din ang ginugol niya sa banyo bago siya natapos sa pagligo.
Simpleng puting t-shirt at jeans na may butas-butas sa paanan.
Ang sinuot niya at tinernohan niya iyon nang flat shoes, nakalugay ang kanyang mahabang mamasa masang buhok na may pagka brown ang kulay at kulotkulot. Matapos makapag bihis ay bumaba na siya.
“ Nay, alis na ako” paalam niya sa ina nang mababaan niya ito sa labas nang bahay. Kinakausap ang mga halaman.
“ Sige, anak ingat sa pagmamaneho” bilin nito sa kanya.
Naisipan niyang dumaan muna sa boutique bago siya magtuloy sa resort.
45 minutes din ang nilakbay niya papunta sa kanyang boutique dahil medyo ma traffic lalo na pag araw nang lunes.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat nang boutique nang makarating siya. Nag mamadali siyang pumasok sa loob. Nasa may bildong pintuan pa siya nang umagaw sa kanyang attention ang kulay itim na bag.
Naglakad siya palapit roon saka yumuko siya nang matapat sa bag. Dadamputin na sana niya ang bag, nang bigla itong damputin nang babae.
” Sorry na una ako.” Sabi nitong tumingin sa kanya.
Napangiti siya nang may na unang dumampot sa bag saka nag angat nang tingin. Nabitin sa ere ang kanyang ngiti nang mapagsino ang babae. Ito man ay nagulat nang magtama ang kanilang mga mata.
” What a small world Amara.” sabi ni Sheila nang mauna itong nakabawi sa pagka bigla.
” Hi, Sheila.” Maikli niyang bati dito saka ngumiti nang bahagya.
Ngumiti ito sa kanya nang nakakaloko” Gusto mo ba ang bag naito?Ang ganda noh?”
Hindi siya umimik tinitigan niya lang si Sheila.
” Mag papaubaya sana ako sa iyo, kaya lang ang mahal nito, hindi mo naman ma afford.” sabi nitong hindi inalis ang tingin sa kanyang mukha.
“ Hanggang ngayon talaga Sheila, magaspang parin ang ugali mo mapang mata ka parin” sa isip niya.
“ Pero galing ka naman nang Japan, baka nga siguro afford muna ito”inilapit sa kanyang mukha ang bag na para bang inaasar siya.
“ Afford mo? isang buwan mo din siguro itong sahud roon” anitong binuklat ang presyo nakadikit sa bag.
Sa-sagutin niya sana ito ng lumapit ang kanyang sales-lady na si Mila.
” Good morning ma’am Amara.” Bati nito nang malapitan siya.
“ Good morning Mila” nakangiti niyang tugon.
” Ma’am may iniwan pong invatation si ma’am Ivy.” Tukoy nito ang kanyang dating kaibigan.
“ Sige Mila salamat.”
Tumalikod siya para magtuloy sa may casher. Naka dalawang hakbang na siya nang maalala si Sheila.
Humakbang siya pabalik at humarap rito. ” Sheila, gustong gusto ko sana ang bag na iyan, pero ipa ubaya ko nalang yan sa’yo. Hindi kasi maganda pakinggan makikipag agawan ang may-ari nang boutique na ito sa costumer niya.” Saka nginitian niya ito ng pagka ubod tamis.
Nakita niya ang pagka bigla sa mukha ni Sheila na tila hindi ito makapaniwala sa kanyang sinasabi.
“ Ilusyonada! Inangkin mo pa itong boutique na ito. Paano maka afford ang katulad mo nang ganito?”tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
“ Baka nga assistant ka lang nang may-ari nito.” sabi nitong naka irap sa kanya.
Tinignan niya ito sa mata” Can’t you read? Hindi mo ba nakikita ang pangalan nakasabit sa labas? Amara”nginitian niya ito nang nakakauyam bago niya tinalikuran.
” Did I heard it right, siya ang may ari nitong botique?”...