Munting pangarap ni Esang ” Kabanata 31


DahiL sa Pasabog ni mama na balita ay lalong nagalit si tito..Dalawa na tuloy kaming di pinapansin ngayon sa bahay na animo’y parang di kame nag exist. 😂 Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi pero di yun rason para maglaki na ko at hayaang magalit nalng si tito sa akin kse anjan na ang mama ko.
Nagpasama kunyari si mama sa akin para magbawas pero ang totoo’y inutusan nya kong umakyat ng puno ng duhat at manguha ng bunga neto. Ang sarap daw kse nito sabi nya pa ay heto daw ata ang pinaglilihian nya.
DahiL payat si mama ay di halatang buntis sya.. Dalawang buwan na syang buntis . Nagkwento sya sa akin tungkoL sa nobyo nya kuno. Mabait daw ito at responsable. Di daw katulad ng papa ko. Ang problema may asawa din ito at hiwalay na at may anak itong 2 dun sa babae.. Nagsasama na daw sila ngayon sa maynila sa isang maliit na kwarto.. Sapat lang para sa kanilang dalawa. Nagtitipid daw kase sila kase para makaipon ng pera pangnganak nya at para na din makapagpadala parin ng pera sa amin buwan buwan.. Dagdag pa na nagbibigay din daw ito sa mga anak nito sa una.
Tahimik kong pinakinggan si mama. At halata sa mga ngiti netong inlab sya.
“Pano po yan? Db sabi po ni tito di na kayo babalik sa mayniLa? Dito nlng daw po kau para alagaan kami at tutulungan ka nlng daw nila .” sabi ko dto habang kumakain na din ng bunga ng duhat.
“hanggang kailan nila tayo tutulungan Esang ..gusto ko ding makasama kayo pero iniisip ko baka mas lalo taung mahirpan kapag nagsawa na silang tumulong sa atin. Wag mo sanang isipin na di ko kayo mahaL. Mahal na mahal ko kayo.. Ang kasalanan ko lang ay nagmahaL lang din ako “,maluha luhang sabi nito.
Di ko sya maintindihan pero di na ko nagsalita pa.
“Gagawin ko ang lahat makabalik lang ako ng mayniLa ” sabi pa nto bago ako yayaing umuwe.
Kinabukasan ay di na kumakain ng pagkain si mama. Kahit anong pilit nila tito ay di talaga ito kumakain..
Nanatitli syang nakakuLong sa kwarto.
Kinabukasan ay ganun padin si mama. Di naman ako nag aalala khit di sya kumain dahil nakita ko syang kumakain ng bunga ng duhat sa twing walang nakatingin.. Saka alam na alam ko dahiL ako mismo ang nagpupuslit ng mga bungang iyon ako din mismo ang nangunguha neto.
Pero dahiL sa pakiusap nyang wag kong sabihin kahit kanino ay tumahimik...


ako.. MarahiL ito na ang paraan na sinasabi ni mama para payagan syang bumalik sa mayniLa .
Tatlong araw na ang lumipas at ganun padin ang ginagawa ni mama. Kaya nag alala na sila tito at kinausap na sya..
“Ganun ba talaga kalaki ang kagustuhan mong makabalik sa maynila para matiis mong di kumain ng tatlong araw?? ” si tita
“Bigyan mo kame ng magandang rason at baka payagan ka naming makabalik dun. “..sabi nman ni tito.
“Gusto kong maranasan ang magkaroon ng buong pamiLya khit lamang sa anak kong ito.. Ayaw ko syang lumaking walang ama lalo na’t responsable nman ito.. Balang araw ay ipapakilala ko din sya sa inyo.. Alam nyo nmang matagal na kong nagtiis.. Pinilit ko namang pakisamahan ang papa nila Esang ng mahabang panahon pero di sapat ang salitang PAGTITIIS para lang magkaroon ng buong pamiLya ang mga anak ko. Di bale nang wala silang ama mas ok na yun para di nila maranasan ang mga naranasan ko kung pano akong bugbugin. Pahirapan at babuyin ng ama nila..alam kong kapag naging magulang ka na ay wala kang karapatang magretero kase ito ay panghabang buhay mo ng profession .panghabang buhay mo ng responsabilidad hanggang sa malagutan ka ng hininga ..kaya nga kahit hirap na hirap na ko dahil miss ko na ang mga anak ko ay tinitiis ko alang aLang sa kanila ..khit magkaroon man ako ng bagong pamilya ipapangako ko pong di ko sila pababayaan sa suporta at nagppaasalamat din ako sa inyo dahiL anjan kayo para tumayong mga maguLang ng mga anak ko.kaya pakiusap ko sana sa inyo sa pagkakataong ito hayaan nyo nman po akong maging MASAYA”. mahabang paliwanag ni mama habang umiiyak sa harapan niLa tito at tita pati narin sa aming magkakapatid.
Sa kauna unahang pagkakataon ay narinig ko ang paliwanag ni mama. At agad ko syang naintindihan.. Ang tampo at hinanakit na naramdaman ko noon ay bigLa nalang nabura sa puso ko.
Di nakaimik sila tito at tita. Maging sila ay naging emosyonal din.
Di na namin narinig pa ang pinag usapan nila dahiL pinaalis na kme nila tita papunta sa balong magkakapatid para maligo..
Habang naglalakad patungong balon ay naisip kong sana’y maging bukas palagi ang ating tenga at puso para maintindihan ang saloobin ng bawat isa. Wag unahin ang galit at wag hanapin ang galit sa puso ng bawat isa.
SANA BALANG ARAW MAKINIG DIN SILA TITO AT TITA SA AKIN GAMIT ANG MGA PUSO NILA 😭
Itutuloy.
ano gusto nyo pa po ba ng isa pang kabanata?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top