TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 24


“Puwede naman sa makalawa ka na lang sumama sa’kin sa Sentro. Atsaka isa pa, nandoon naman sila Beth at Diane para tulungan ako.”
I moved my head towards her, and tried to smiled at her. Umiling ako.
“Nakakayamot ang walang ginagawa, Ate Fiya. Mas lalo na doon sa bahay. I’m actually fine and it’s good to give you a help, anyway.”
She smiled, showing her dimples in both cheek.
Tinitigan ko siya sandali. Napangisi ako nang may napagtanto sa itsura niya. Even without make up, she looks more beautiful with her natural rosy cheek, pink lips, and dark eyebrow. Lagpas balikat ang unat na buhok.
“What’s with you and Kuya, Ate Fiya? Nakita ko kayo hindi lang isang beses na parang nag-aaway, akala ko nga pagbubuhatan ka ng kamay because I saw how angry he is. Then, I was caught off guard nang makita kong hinila ka niya pabagsak sa kandungan niya. Kayo ba ni Kuya, Ate Fiya?”
Her rosy cheeks become redder for what I spilled infront of her. Natawa ako sa reaksyon niyang iyon.
“Wala ‘yun, Candace.” sabi niya sa mababang tono.
“Nandito na tayo, Candace.” Binalingan niya si Mang Isko. “Mang Isko, pakidala na lang po ‘to sa loob. Salamat.” At nauna ng pumasok sa loob, sumunod naman ako.
The classic restaurant’s soft music and candlelight gave it a romantic flavor. Madalas ay mga mag-partner ang pumupunta dahil na rin siguro sa history ng pagmamahalan ng Lolo’t Lola ko.
Dito nagsimula at unang pinatayong restaurant ng mga magulang ni Mama. Adelaida Mondelo, my mother, always wanted to live on a luxuriant coat of famed in the business world, kaya pinausbong pa nito ang pagpapalago ng negosyo ng pamilya.
Sabi ni Mama, dito nabuo ang pagmamahalan ng mga magulang. Waitress ang Lola nang makilala nito ang siyang nagmamay-ari… si Lolo.
Their love story was indeed beautiful… they have their own forever from each other. Walang ibang taong katambal ng pagmamahalan sa isa’t isa. They have smooth love story.
“Magandang umaga, Candace.” Si Hans, halos ka-edad kong part time helper, cleaning the floor infront of my Mama’s office with a mop.
Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Again, I smiled at him, kulang na lang pati vase sa loob ng office ni Mama ngitian ko.
Umupo ako sa isang mahabang sofa roon nang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Fiya, kasunod si Kuya Dartian na lukot ang mukha.
“Akala ko sumama ka kay Mama sa Maricela?” para sa akin ang tanong pero mataman siyang nakatitig sa likod ni Ate Fiya.
I smirked, “Ikaw? Akala ko rin ba sumama ka kay Papa sa karatig bayan?”
Tinaasan niya ako ng kilay. Masama ang tingin niya sa akin. Singkit kaming parehas ni Kuya, namana namin kay Mama ngunit ‘di gaya ko lahat na ata kay Mama ko nakuha mula sa porselanang kutis nito.
My brother got the features of our father. Matangkad at moreno. Kung ako ang tatanungin kung sino ang mas makisig sa kanilang dalawa kahit magkamukha naman talaga, ay ‘yon si Papa. Mas pabor talaga sa akin ‘yong mas mabait.
Tinarayan ko siya gamit ang tingin. “Umalis ka na nga! Sinisira mo ang araw namin ni Ate Fiya.” Pantataboy ko.
“Ikaw lang. Fiya love my presence here.” Tumaas ang sulok ng labi nito.
Noon ay tumingin sa akin si Ate Fiya at umiling, namumula ang mukha.
Lumapit si Kuya sa bandang likod niya at yumapos sa baywang nito. “Right, babe?”
Nakaharap silang dalawa sa akin kaya kitang-kita ko kung paano pumungay ang mata ni Kuya Dartian kay Ate Fiya. Hindi ko alam na may tinatago palang ka-sweet-an sa katawan ang Kuya kong ‘to.
Tumayo na ako. Lumapit ako sa kinatatayuan nila.
Inilahad ko ang palad ko kay Kuya. Kunot noong tumingin siya sa akin.
“Susi. Susunod nalang ako kay Mama sa Maricela kaysa makasama ko kayong naglalampungan dito.”
Binigay naman niya sa akin. “Slowdown, Candace.”
Tumango ako, at tinungo ang pinto pero pumihit ulit ako paharap sa kanila. Sinuot ang mapang-asar na ngisi sa labi.
“You can breath now, Ate Fiya.” Biro ko nang hindi pa rin siya gumagalaw sa yakap ni Kuya.
Humalakhak si Kuya at malakas siniko ni Ate Fiya sa tiyan. “Galit pa ako sa’yo, Dartian!” sabi pa ni Ate Fiya.
Nang tuluyan makalabas ng Santa Alicia. Binaba ko ang salaming bintana para tuluyang pumasok ang hangin sa loob.
Maaliwalas ang langit, tila gustong ibahagi sa akin ang nararamdaman. Kalaunan ay bumuntong-hininga ako.
Tapos na, Candace… tapos na ang kabanatang iyon ng buhay mo. Let it be that way and live with your life without thinking about him.
Ganyan talaga ang buhay… hindi pabor ang mundo na makasama siya.
Binagalan ko ang pagmamaneho nang tumunog ang cellphone. Nilagay ang ear buds sa tainga at sinagot si Bana.
“Hey, Banana!” bati ko.
“Where are you?” maingay sa kabilang linya. May naririnig akong pamilyar na boses.
“On the way to Maricela. Bakit?” takang tanong ko.
“Balik ka! Dali!”
“Bakit ba?” tinigil ko muna ang sasakyan ni Kuya sa gilid para ibigay kay Bana ang buong atensyon.
“Birthday ngayon ni Betsy. Nasabi na niya ito sa atin noong isang araw pa, ‘di ba? Nandito kami ngayon sa bahay nila. Bumalik ka na dito.”
“Ngayon ba ‘yon?”
“Nakalimutan mo nga! Halika ka na! Ikaw nalang hinihintay!” exaggerated din ‘tong si Bana e.
Mabilis akong napapayag ni Bana dahil wala naman talaga sa plano ko ang pumunta sa Maricela ngayong araw, pampalipas oras lang dahil walang magawa sa bahay kaya naisipan kong sumama kay Ate Fiya kanina sana kung hindi lang dumating doon si Kuya.
Binalik ko sa pagkabuhay ang makina ng sasakyan, and skillfully maneuvered going back to Santa Alicia.
Mabuti nalang hindi pa ako nakakalayo ng Santa Alicia. Bumalik ulit ako sa Cariño’s para kumuha ng cake para kay Betsy, wala na doon sila Kuya Dartian at Ate Fiya. Only God knows where they are.
“Ang aga naman ata ng pa-party mo, Betsy?” sabi ko. Ala una ng hapon, tirik na tirik pa ang araw pero nag-iinuman na ang mga lalaking ka-klase sa likod ng bahay nila. Mas lalong maingay sa puwesto nila kasi may kasamang videoke pa doon.
“Mamayang gabi ang kainan,” inabot nito kay Weiya ang kutsilyo na pinasuyo ng una dahil siya ang malapit sa lalagyanan.
“Ewan ko ba diyan sa mga lalaking ‘yan at inuna ang uminom ng alak.” Tuloy niya. Busy sila sa paghiwa ng mga rekados para sa lulutuin mamaya ng Mama niya.
Samantalang nakaupo kami ni Astepa, kumakain siya ng ice cream. Hindi ko alam kung saan nagsusuot si Bana, baka nasa likod.
“Si Hiron?” tanong ko kay Astepa.
“I-text mo kaya.” Pabalang niyang sabi.
Paano ko siya ite-text? ngayo’y wala akong load.
Hindi pa ako naka-hapuhap ng sasabihin nang magsalita muli siya, “Mamayang gabi na ‘yon makakadalo. Nasa Cuerto, e. Hindi niya ba nasabi sa’yo?”
Magtatanong ba ako kung alam ko.
Umiling nalang ako, ayaw ng pahabain pa ang usapan. Mukhang napagod ako sa pagmamaneho kanina ng pabalik-balik.
Napasama na rin ako sa mga kaibigan sa likod ng bahay nang hatakin ako ni Bana. Hanggang sa lumubog na ang araw at napalitan ng kadiliman ang langit. Dumami na rin ang dumating na kakilala, kung hindi mga ka-klase ay kaiskuwelang mga pinsan ni Betsy.
“Wow! Short hair suit on you really well! Beautiful as ever, Candace.” Nakipag-beso ako kay Daniella, Betsy’s cousin, ka-klase namin noong high school, iba nga lang ang kurso sa’min...


ngayon.
“Aha! I know now what my hair cut will be for this upcoming end of school year.” Sabay hagikgik ni Sara, kaibigan at ka-klase ni Daniella.
Nakipagtawanan at nakipagkamustahan ako sa kanila.
“Matagal na din noong huli tayong nagkwentuhan, kailan na ba ‘yon?” Huminto muna si Daniella para alalahanin kung kailan nga ang huli.
“Nevermind… Akala ko pa naman sumama ka kay Kuya Dartian noong binyag ni Baby Rhino.”
Ngumiwi ako kay Daniella, “I’m sorry for that day, Daniella. Nagsabi ako kay Kuya Strom na may importanteng gagawin ako sa Maricela noong araw na ‘yon.”
“May susunod pa naman, Candace. Ayun! at buntis na naman ang asawa ni Kuya Strom! Biniro ko nga na baka taon-taon gawing suki ang asawa sa hospital.” parehas kaming natawa sa sinabing iyon ni Daniella.
“Ayaw mo no’n? Marami kang magiging pamangkin, Daniella.” natatawa kong sabi.
Biglang umasim ang mukha niya.”Sa sobrang kulit ni Rhino, katumbas no’n ang isang dosenang bata, Candace.”
Kuya Dartian and Kuya Strom were bestfriends. Noong college days pa lang nila’y minsan doon sa bahay natutulog si Kuya Strom. Mapagbiro si Kuya Strom at masayang kasama, kaya siguro ganoon ang closeness namin dalawa.
“Malapit na ata,” wika ko nang maalala silang dalawa ni Ate Fiya.
Mas lalong lumaki ang bilugan niyang mga mata, “So it’s true na nagkabalikan sila ni Andrea?”
“Andrea?” taas kilay kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit nagka-interes akong pag-chismisan ang Kuya Dartian ko ngayon, noon naman ay parang hangin kong ituring kung may kakilala akong gustong pag-usapan namin ay si Kuya Dartian lang dapat.
“Oo! Si Andrea Sandoval. ‘Yong magandang anak ni Mayor Sandoval. Sa pagkakaalam ko matagal na silang hiwalay ni Kuya Dartian, nakita ko kasi sila noong isang araw sa Sentro… nagkabalikan pala talaga sila.”
“Sabagay, sa ganda no’n… sinong hindi babalik sa kanya. Buti pa siya, kahit siya ‘yong nang-iwan… binabalikan pa rin.” wala sa sariling wika niya, at bumuntong hininga.
Mapait akong ngumiti. At hindi na muli nagbigay ng opinyon tungkol doon.
“Doon na muna ako, Candace.” paalam niya.
Tumango ako nang tumayo na siya’t tuluyang pumunta sa kabilang mesa.
Kalaunan ay tahimik akong nakisali sa laro ng mga kaibigan ko.
“Hoy! Liyk! Don’t you dare put that ice on my back! Shit!” tumawa kami ng tila napaso sa lamig si Tiyo, tumalon at hirap alisin ang nilagay ni Liyk sa likuran.
“Scared of one cube of ice, eh.” ngisi ni Liyk, umupo ulit, at hinawakan ang katawan ng bote ng beer para paikutin sa gitna namin.
Natapat iyon kay Jeff, “Truth or dare?” si Tiyo ang nagtanong dahil siya ang huling nabiktima kanina sa laro.
“Truth nalang,” si Jeff.
Sumimangot si Tiyo, “Sabi ng dapat puro dare na lang lahat eh. Where’s the fun of choosing truth? Don’t know if you’re telling the truth, tsk!”
“Ang dami mong sinasabi Tiyo. Kung ayaw mo akong tanungin ako nalang magtatanong sa sarili ko,” sabi ni Jeff.
“My question for myself is… Guwapo ba si Tiyo?” pinipigilan na nito ang tumawa.
“You are asking for the truth, then, no, Tiyo. No.” at tuluyan ng napabunghalit ng tawa. Binato naman siya ni Tiyo ng takip ng beer. Sapul sa ulo.
Kung may taong umalis sa buhay mo, aasahan mong meron at merong darating na kapalit.
Finely true. They became my friend. Not as close with Bana but atleast the connection is there, enough to stay beside you no matter what happen.
Hindi ko akalain na pati sa bestfriend hindi na-a-apply ang salitang forever.
Halos lumukso ang puso ko sa aking dibdib nang kalabitin ako ni Bana sa tagiliran.
“Tulala ka.” She pointed out.
“W-wala may naalala lang.”
“Si Hiron,” sabi niya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin.
Si Hiron. Palapit siya sa aming mesa sa suot na khaki shorts kapares ang kulay abong v-neck shirt. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
“Nahuli ka na. Dami na oh!” turo ko sa mga nakatayong boteng wala ng laman.
Ngumisi siya. “Puwede pa namang humabol.”
“Beat that?” tukoy ko sa mga tapos ng ininom.
“Watch me… watch me, Candace.” Then, he winked at me.
Ngumisi ako.
Mula sa case ng mga beer kumuha doon si Liyk ng lima, siya na rin ang nagbukas gamit ang bottle-opener para ibigay kay Hiron sabay lahad ng isang babasaging baso at mga ice cube na nakalagay sa mangkok.
Basta talaga pagdating sa mga iinumin palaging aktibo si Liyk. Katabi pa talaga ‘yong isang case ng beer. Saludo talaga ako sa atay nito.
“Totohanin mo talaga?” tanong ko.
Pinunasan niya ang gilid ng labi gamit ang likod ng kanyang kamay. Atsaka niya ako binalingan ng tingin.
The side of his lips rose. “Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo, Candace?” Sabi niya.
“Noong nilapitan mo ako para magpaturo pero ang totoo alibi mo lang upang mapalapit sa akin.”
Ano’ng akala niya hindi ko maaalala ‘yon?
Napalitan ng halakhak ang kanina niyang ngisi. “Totoo namin kasi na wala akong naintindihan tungkol doon. Because you’re the reason I can’t focus during our lecture time, bilang ganti, ikaw ang pagpapaliwanagin ko.” banat niya.
“Asus! Don’t lie to me, Villanueva.” nakangiting asar ko. Ngunit hindi na narinig ni Hiron dahil mas pumaibabaw ang malakas na boses nila Liyk.
“Jeff! Tulungan mo akong ilayo sa akin ‘tong mga bote ng beer sa harapan ko. Tangina! Nandiyan si crush! Sabi ko pa naman hindi ako umiinom. Walang hiya talaga! Wala na! Napatingin ba siya sa gawi natin?” Si Liyk habang natataranta sa pag-alis ng bote pabalik sa case.
“Kanina pa, tanga! Siniko pa kita ng maraming beses noong dumating siya.” Natatawang wika ni Jeff.
“Kayo talagang mga lalaki… kailangan niyo pang magsinungaling para lang magustuhan namin kayo.” Napapailing na sabi ni Weiya.
“Pagkatapos, ano? Drop us like a hot potato after namin maibigay lahat? Tangina niya! Walang bayag!” si Heya. Lasing na ata dahil namumula na ang buong mukha.
“Bakit kasi kayo bigay ng bigay? You should know your limitation when it comes to love. Huwag kasi ibigay lahat. Magtira din para sa sarili kahit ilang porsyento.” Sabi ni Tiyo.
“Ano’ng magagawa ko kung ganoon ako magmahal? Pasalamat nga siya bigay todo ako kung magmahal pero ano ang ginawa niya? Binasura niya ‘yon!” Si Heya, referring to the guy who dumped her.
Doon na muli nagsalita si Liyk. “Parang nagsusugal ka lang diyan. Kung hindi ka sigurado… wag itaya lahat.”
“Pero ‘pag itaya mo lahat ang meron ka, tandaan mong nagkakaroon ng dayaan… hindi mo alam kung alin sa layunin niya ang mandaya… ang talunin ka o ang panalunin ka… sa madaling salita, puso mo ang nakasalalay doon.” sabi niya ulit.
Biglang tumahimik ang mga nasa mesa namin. Tila minamnam pa ang sariwang mga salitang binitiwan ni Liyk.
Sa kaso ko, buo ang puso kong itinaya pero sa huli ako ang nandaya. Dinaya ko siyang iwan bigla para panalunin si Keith.
Nabasag ang katahimikan na ‘yon dahil kay Weiya. “I don’t get it, Liyk. Of course, winning is the main goal of your opponent, syempre ako rin kung ako ang maglalaro. So probably, hindi natin alam kung sino ang mananalo sa dalawa?”
Biglang nabilaukan si Jeff sa pag-inom.
Umismid si Astepa. “Pinapatunayan mo nga talaga, Weiya, na sa isang grupo, hindi nawawalan ng slow na kaibigan.”
“Diyan na nga kayo! Nagsinungaling lang naman ako sa kanya kasi ayoko siyang magalit… I never lied about my feelings. ‘Ge, sa kabilang mesa muna ako. Ang bi-bitter niyo!” sabi ni Liyk saka mabilis lumapit sa babaeng maalon ang mahaba nitong buhok.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top