Hidden Wife of the CEO CHAPTER 24


RUSSEL’S POV
Nung araw na nagpapacar wash ako napansin ko ang isang lumang kotse malapit sa pwesto ko. Nakatayo ako sa tapat nun habang nakikita ko ang itsura ko sa salamin ng bintana ng biglang bumukas ito kaya nag iwas tingin nalang ako.
“Sir russel?” napalingon ako ng tinawag ang pangalan ko
“Contrimayor? ah akala ko kung sino. Teka sayo ba yan?”
“Jerome nalang po tutal naman magkumpare na naman tayo” sagot nya.
“Asan yung dati mong kotse?” tanong ko kay Jerome habang pababa ng kotse.
“Ah nabenta ko yun nung minsang nag abroad ako. Sa kaibigan ko talaga to nabili ko ng mas mura pero pinagtatyagaan ko nalang atleast mag service tuwing papasok ako sa trabaho. Galing pa nga akong shop kasi May sira na naman ata sa makina haha ganun talaga pag luma na”
“Ganun ba? at kumusta ka naman?”
“Maayos naman wala naman masyadong ganap employee sa umaga at tatay ni Rica sa gabi”
“San kaba na assign ngayon?”
“Sa strategy department malapit sa building nyo” sagot nya.
“Dun parin kayo nakatira nila Michelle?”
“Opo kasi pero sa ngayon nasa apartment ako nakatira kasama si pinsan para makatipid kasi kada weekend umuuwi kami sa probinsya para makasama si Rica alam nyo naman na di na masyadong...


nakakakilos ng maayos ang lola namin at nagiging malikot ang bata baka mahirapan lang sya sa pagbabantay.”
“Mas mabuti siguro kung dalhin nyo na si Rica sa mansyon atleast matutuwa si Ericka at Shan Shan at mas pabor yun atleast malapit lang sya sa inyo. Kawawa kasi yung bata hahanapin nya mama nya araw araw.”
“Seryoso? di po ba kayo nagbibiro sir Russel? kung ganun maraming salamat po. Yaan nyo sasabihin ko kaagad kay Michelle. ”
“Walang anuman jerome pano ba yan ang usapan ay usapan. Bukas na bukas dapat nasa bahay na si Rica kahit gabi gabi pa kayong dumalaw walang magiging problema sakin.”
“Opo tatandaan ko maraming salamat sir Russel”
“with in this week pumunta ka sa office pumirma ka ng kontrata at bumalik ka sa trabaho mo sakin tulad ng dati”
Halos di sya makapaniwala sa sinabi sa sobrang tuwa.
“pano ba yan pareng Jerome. Alis nako”
“sige po ingat ka pareng Russel” ngumiti kami sa isa’t isa.
ERICKA’S POV
SHAN RUSHEN RICK “SHAN-SHAN” DELFUEGO SHIOKOMORI’S 4TH BIRTHDAY!
“Mga kids! mag enjoy lang kayo ha! kukunin ko lang yung cake!”
Nagpapa kids party kami ni Russel para sa birthday ng anak namin pang Disneyland ang theme kaya lahat naka costume.
.
.
.
to be cont….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top