Author; Ren Salazar
” Bumangon ka diyan! Buksan mo yung pinto!”
Inis na inis si Schiyev kay Bekket. Bakit nagpaloko siya sa baklang ito? Bakit nagpaniwala agad sa taong hindi naman niya lubos na kilala.
” Ano ba?!! Sabing bumangon ka diyan! Uuwi nako!” Sigaw pa rin niya.
Kanina pa siya sumisigaw. Halos mabingi na nga si Bekket sa kakasigaw niya pero bakit hindi man lang siya naririnig ng mga taong nasa ibaba at ng lolo ni Bekket.
Wala pa ring ginagawa si Bekket. Hindi pa rin siya pinapansin sa kabila ng kanyang pagsigaw sigaw.
” Bekki! Ayaw mong buksan? Ayaw mo talaga?ayaw mo ha….”
Walang anu ano,tumalon siya sa kama at dinaganan ang nakahigang si Bekket. Sunod ay hinila hila niya ang buhok nito. Tila wala siyang paki alam kung anu man ang magiging ganti ni Bekket.
” Ayaw mo talaga…” Wika niya na ang mga kamay ay nakasabunot kay Bekket.
” Aarayyy…yung buhok ko,masisira na.” Napasigaw na rin si Bekket sa ginagawa ni Schiyev. Pero lantaran na rin ang kanyang pagkabakla. ” Anwo ba! Tumigil ka nga…masisira hair style ko..”
Kahit anong sabunot ni Schiyev kay Bekket ay hindi niya ito ginagantihan. Inaamin niya kasi sa kanyang sarili na mali rin siya sa paglilihim sa babae. Kaya tatanggapin niya ang anumang galit nito pero hindi niya pa rin ito pakakawalan.
” Sisirain ko talaga yang buhok mo! Pati damit mo pupunutin ko!” Hinila niya damit ni Bekket at walang kemeng hinila. Nagtagumpay naman siya sa kanyang balak dahil nasira nga damit ng bakla.
“Aayytss..sobra ka na hwa….”
” Kulang pa yan! Bakla ka! Kaya pala ayaw mong magpakasal kasi lalaki ang gusto mong makasama. At ako pa talaga ang gagawin mong panangga para maitago yang kalandian mo!”
Sinipa niya si Bekket at nahulog ito sa kama.
” A….arayyy ..yung likod kwo..brutal tong bruhang ito….” Napahawak pa siya sa kanyang likuran.
Bumangon si Schiyev sa kama. Tinungo ang nahulugan ni Bekket. Ngayon naman ay pumaibabaw siya dito nang nakaupo.
” Bubuksan mo ba ang pinto o hindi?” Tanong niya na ang kamay ay nasa leeg ni Bekket.
” Uhu..uhu…” Nauubo na si Bekket. ” Paano ko bubuksan eh,nasa ibabaw kita?”
Umalis si Schiyev sa ibabaw niya. Tumayo at saka tumabi para bigyang daan ang pagbangon ni Bekket.
Hawak hawak ang likod at leeg ,dahan dahang bumangon si Bekket.
” Ang harsh mo,girl ah. Ganito ba ang gagawin mo sa magiging asawa mo? Papatayin para lang makuha ang gusto mo?”
” Talaga! At correction! Hindi nako magpapakasal sayo. Bakla ka. Ayoko sa bakla. At ayoko sayo!”
” Talaga? ”
Kumilos si Bekket. Maagap niyang binuhat si Schiyev at pinahiga sa kama saka dinaganan.
” Ano kwa ngayon,bruha…nasa ibabaw mo na ako. Hindi ka na makakagalaw.” Tinutukso pa ni Bekket ang dalaga.
” Alis! Umalis ka!” Akmang targeting muli ang buhok ni Bekket pero napigilan sya ng huli.
” Let me remind you,girl. Nilagyan ko na ng pandalawang buwang sahod ang account mo. Malaki laki na iyon. Kung hindi ka pakakasal sakin,babawiin ko yun sayo. Babayaran mo ko na may interest. ”
Natigilan si Schiyev. Paano niya babayaran ang ganoong halaga? At isa pa,naibigay na nya sa kanyang ina ang perang iyon.
” Anwo na? Aatras ka pa ba?” Pukaw sa kanya ni Bekket mula sa kanyang pag iisip.
” Sigurista kang bakla ka! ”
” Ofcourse…..” Nakangiti pa niyang turan.
Tuluyan nang kumalma si Schiyev. Hindi makatingin ng diretso kay Bekket. Kasalanan rin niya. Hindi na niya maisasauli ang pera sa huli dahil nga sa wala na ito sa kanya. Pinadala niya ito agad sa kanyang ina nang makakuha ng pagkakataong makapadala.
Napansin ni Bekket na hindi umiimik si Schiyev kaya umalis na siya sa ibabaw nito. Pero hawak pa rin ang isang kamay ng dalaga.
Kapwa nakahiga sila ngayon sa kama ng bakla. Parehong nakatingin sa kisame.
” Sorry.” Maya maya y sabi ni Bekket. ” Sorry kung pinasok kita sa sitwasyon na..na hindi ko kayang harapin ng mag isa.”
Tahimik lang si Schiyev pero nakikinig.
” Girl,kasi…” Tumagilid siya at humarap kay Schiyev.” Kasi…ayokong mawala ang lahat ng ito sakin. Ayokong maputol ang sayang binibigay ko kay nanay. Kaya…ok lang kahit kailangan kong itago ang pagkabakla kwo.”
Nilingon siya ni Schiyev.
” Duwag ka. Alam mo ba iyon?” Titig na...


titig siya kay Bekket. ” Bakit hindi mo subukang ipagtapat sa lolo mo na bakla ka. Na lalaki ang gusto mo at hindi ang kagaya ko.”
Umayos muli sa pagkakahiga si Bekket.
” He wont listen to me. Maipagtapat ko man sa kanya ang totoo,still..babawiin niya pa rin ang lahat ng nasa akin. Solong anak lang ako ng aking appa. At solong tagapag mana ng mga Choi. Kaya ipipilit niya talagang magpakasal ako.”
” At sa tingin mo ba…kung kasal ka na,sapat na iyon para sa kanya? Hinihingan ka na nga ng apo diba?”
” Ahmm…..”
” Paano mo maibibigay sa kanya ang apong hinihinga niya kung bakla ka?”
Tiningnan siya ni Bekket. Makabuluhang tingin mula sa huli. Tila nakuha naman ni Schiyev ang ibig sabihin ng tinging iyon.
” Eww….ayoko.” sabay bangon at umupo ng maayos. ” Ayokong magkaanak sa bakla no!”
Gumaya na rin si Bekket sa kanya. Pero ,humarap ang huli kay Schiyev.
” Ako rin naman. Pero please,tulungan mo ko. Magpapakasal tayo pero kapag apo na ang hinihingi ni Lolo sakin,hiwalayan mo na ako. Iwan mo ko. Para may dahilan ako na hindi siya mabigyan ng apo sa tuhod. ”
” Ang galing ah! Ako pa palalabasin mong masama. Eh,kung ikaw kaya ang mang iwan sakin. Sasabihin ko na niloko mo ko kaya maghihiwalay tayo.”
” Ipagtatapat ko na sa kanya na bakla ako.”
Dagling natigilan si Schiyev sa sinabi nito .
” Eh, di mabuti. Tapos na ang palabas.”
” Pero hanggat makakaya ko pang itago sa kanya,gagawin ko . Kaya paki usap,huwag kang umatras…”
” Paano pa ko aatras eh,wala na sakin yung pera mo. Binigay ko na kay nanay.”
Sa narinig ni Bekket sa dalaga. Napayakap siya rito ng mahigpit. Tinawid niya ang malaking distansya sa pagitan nila para lang mayakap ang dalaga.
” Thank you,girl. Thank you talagwa…” Sambit niya habang nakayakap.
” Ayusin mo yung pananalita mo,baka marinig ka ng lolo mo.” Paalala niya.
Kumalas sa pagkakayakap si Bekket kay Schiyev.
” Hindi yan. Sound proof naman itong kwarto kaya kahit anong siyaw ko hindi ako maririnig sa labas.” Hayag niya.
” Huh! Kaya pala. Namaos na akot lahat wala pa ring reaksyon mula sa labas.”
” Ah ha…” Tanggo ni Bekket.
” Ang gara naman nitong kwarto mo. Ibig sabihin pala,kahit patayin kita ..walang makakarinig.”
” Grabe ka naman. Papatayin mo talaga akwo?”
” Biro lang. Ayokong mabahiran ng dugo ng ibang tao ang kamay ko no.” Sagot niya.”
“So,ok na ba tayo?” Paniniguro ni Bekket.
” Ano pa nga ba..pero kapag makakakita ako ng pagkakataon o maka utang ako sa iba, babayaran kita at aalis pa rin ako.”
” Uutang ka sa iba? Anong ipambabayad mo? Yang katawan mong hugis kawayan sa liit ng iyong katawan?”
” Aba…..hindi naman katawan ko ang ipambabayad ko ah! Magtatrabaho ako para mabayaran ko yung utang ko.”
” Hay naku,girl. Sakin ka na lang,gaganda ka pa lalo. Sabay tayong magfa facial,mag papa spa,mag sho shopping at tsaka mag gym tayo para lumaki pwet mwo…aayy…exciting.May asawa nako,may makakasama pa ko sa bawat hilig ko. Diba ang saya…..”
” Wala na..” sabay iling ” tsk. Tsk. lumantad ka na talaga sa harapan ko. Eww…nakakapanindig ng balahibo.” Sabay yakap sa sarili si Schiyev.
” Hmmp..Che!” kunway turan nito.” Basta,ngayong alam mo na..hindi nako mahihiyang ipakita sayo ang lahat ng sakin.”
” Ha?! Ha..ha..ha.. huwag na. Baka pati buhok ko tumindig na rin. ”
” Hmmp..ikaw talaga.” Dumikit siya kay Schiyev at niyakap itong muli sa likod. ” Salamat,ha.” Wika niya na nakapatong ang baba sa balikat ng dalaga. ” Salamat talaga.
” Uy! Uy! ” Mahinang hinahampas hampas ni Schiyev ang binti ni Bekket. ” Alis. Huwag kang yumakap sakin. Naiilang ako. Hindi ako sanay na niyayakap ng isang bakla.”
” Mm..Ayoko nga. Simula ngayon,hindi lang asawa ang turing ko sayo..kundi kaibigan na rin .”
” Tumigil ka. May kaibigan na ko. At babae yon. Straight na babae.”
” Bahala ka. Mas maganda pa rin ako doon.” Mas lalo pang humigpit yakap ni Bekket sa kanya.
Hinayaan na lamang ni Schiyev na yakapin siya ni Bekket. Siguro nga tatanggapin na lamang niya na ikakasal na siya talaga sa isang bakla. Iisipin na rin na natutulungan niya ang kanyang ina at si Bekket mula sa pagtatago nito ng tunay nitong pagkatao.






Share On Whatsapp

Leave a Reply


top