𝗦𝗘𝗫𝗜𝗘𝗦𝗧 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗦𝗢 𝗖𝗢𝗟𝗗 𝗠𝗥. 𝗕𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡𝗔𝗜𝗥𝗘


𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘 :
“Iresssshhhhhh! Ano ba anak! Tanghali na at bakit naka hilata ka pa sa kama ha?! Mag aalas syete na at unang araw mo pa sa trabaho!” sigaw ng ina ni Iresh na noo’y ginigising nito ang anak na dalaga.
Nag iinat inat pa si Iresh habang nagkamot ng ulo sa inis.
” Ma naman, aabot na sa kabikang bahay iyang bunganga niyo. Aba eh ako lang naman tong inyong ginigising at hindi ang boung baranggay ano?” inis pa nitong sagot sa ina.
“Kung hindi ako sisigaw, wala rin naman sayo. Maghanda ka na,” utos pa nito.
Iyon na nga ang ginawa ni Iresh kahit na tinatamad pa ito. Kailangan niyang pumasok ng maaga dahil unang araw pa niya sa kompanyang una niyang inaplyan.
Nang matapos at naka office attire na e umupo na ito sa hapag kainan.
” Aba naman anak e ang lupit mo naman. Binilhan kita ng make up kahapon sa palengke para magamit mo sa trabaho eh, naghilamos ka lang ata at naligo. Tiningnan mo na ba itsura mo sa salamin? Aba e, para kang matanda sa pormahan mong yan! Pinabayaan na nga kita sa gusto mong hindi mag ayos sa college e pati ba naman sa trabaho ay di ka na natuto! ” bulyaw pa nito sa anak na noo’y kumakain na.
Wala kasi itong ka make up make up at naka bugkos pa ang mahabang buhok at sout nito ang isang eye glass. Para siyang mula sa sinaunang panahon. Ngunit wala siyang pakialam. Mag tatrabaho siya at hindi lalandi.
“Anak naman. Bumalik ka sa kuwarto at ayusin mo ulit ang itsura mo,” pakiusap pa ng ina. Ngunit pasok sa tenga at tagos lang sa kabila ang bawat sinasabi ng ina.
“Ma, trabaho ang pupuntahan ko doon. Tinanggap nila ako dahil sa skills ko at hindi dahil sa itsura ko. Maayos naman akong tingnan at hindi madumi,” sagot nito sabay tayo saka humalik at nagapaalam sa ina.
Hahabulin pa sana ito ng ina subalit mabiilis ng nakalabas ang dalaga.
” Pati yang paglalakad mo! Ayusin mo dahil para kang siga sa kanto! “habol pang sigaw ni Aling Rose.
Pero kinampay lang ng dalaga ang kamay na tila nagpapalam na.
Sa Lucenas Corporation Company ang pasok ng dalaga. Maaga siyang pumasok subalit dahil sa trapiko ay ma la-late na siya.
Nagtatakbo siya ng makababa sa jeep na sinakyan niya papunta sa papasukan...


niya. Muntik pa siyang hindi papasukin ng guard dahil sa nakaligtaan pa niyang isout ang name plate niya. Natanggap siya bilang secretary ng CEO ng kompanya dahil sa records niya kaya, iyon ang nagpapasa sakanya sa trabaho.
Papasara na ang elevator. Pero tumakbo siya at pinigilan ang nag babadyang pagsara nito. Halos mag overload na ang loob subalit nakapasok pa rin siya.
Medyo naiinis pa ang mga nasa loob. Pinindot niya ang close botton. Di siya mapakali kaya medyo ibinababa niya ang palda na maiksi. Para na nga silang sardina sa loob subalit napakalikot pa niya.
Nang hahawiin na niya ang likod ng palda niya upang maayos ay may nasagi siya. Tumikhim ang nasa loob. Napatigil siya saka bumukas ang elevetor.
Di naglaon ay siya nalang ang natira at ang isang lalaki na matangkad sa pagkaka tantya niya dahil sa nakikita niya ito sa perepheral vision niya. Ayaw niya itong harapin. Baka punahin pa nito ang ginawa niya. Gusto niyang normal kumilos na para bang walang nangyare.
Pagkatapos, bumukas na ang elevator. Tumindig siya ng maayos. Saka matuling lumabas ng biglang magsalita ang lalaki.
“Miss, mag-iingat ka sa mga galaw, di kung anu – ano nasasagi mo,” sabi ng lalaki na kasabay niya sa elevator.
Nainis si Iresh dahil mala-late na nga siya tas nakikiabala pa ang lalaki. Humarap ang dalaga sa lalaki ng taas noo.
Nakataas pa ang kabila nitong kilay. Pagbaling niya dito ay saka niya tinarayan ang lalaki na nasa loob pa ng elevator.
“So? Bat di ka kasi umusog. Pakalat kalat kasi!” sabi ni Iresh sa lalaking walang ekspresyon ang mukha.
Tila nanlalamig ito. Saka tinalikuran ang lalaki. At mabilis na naglakad. Dinig pa ang takong ng kaniyang heels na parang siga kung maglakad. Umupos siya sa desk at ipinatong ang bag sa lamesa na nakalaan sa kaniya sa labas ng office ng kaniyang Boss.
Saka niya napag isip isip na ang guwapo pala ng lalaking nakaharap niya. Umiling iling siya nang may lalaking dumaan sa harap niya at bahagya siyang linampasan.
Pagkatapos ay humarap sa pintuan ng office ng Boss niya.
“E ready mo bawat schedule ko okay?” sagot ng pamilyar na boses na ikinalingon niya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.
Tulad ng dati. Wala pa rin ekspresyon ang lalaki na pumasok sa office. Doon na lamang nag sink in sa utak niya na iyon pala ang Boss niya!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top