PAG lapag nang eroplanong sinasakyan ni kristine sa naia ay nakadama siya nang kakaibang kaba. limang taon na nang huli siyang mag bakasyon. dahil siguro sa excitement kaya ganon nalang ang kaba sa dibdib niya.
wala siyang sundo dahil inilihim niya sa magulang ang pag uwi balak niyang sorpresahin ang mga ito. tapos na ang kontrata niya bilang care giver at wala na siyang balak bumalik sa abroad. balak niyang dito na sa pilipinas igugul ang buhay niya. siya na ang mag mamanage nang restaurant na ipinundar nang nasa ibang bansa pa. marami siyang plano dito. gusto niyang palakihin pa lalo or di kaya kumuha pa nang isang branch. excited narin siyang muling masilayan ang pinatayong bahay. ang kaunaunahang ipinundar niya at matagal niyang pinangarap mag karoon dahil madalas silang paalisin nang may ari nang bahay nuon kapag hindi sila nakakapag bayad sa upa.
“kumusta na kaya ang _restaurant. napalago kaya iyon nang pinsan niyang si tere. tatlong taon na siyang hindi binabalitaan nito. marahil abala iyon sa pag aasikaso nang restauran kaya nauunawaan niya iyon.
biglang pumasok sa isip niya si angelo. ang lalaking nagdulot nang matinding kirot sa puso niya. matagal niya na itong binaon sa limot subalit hindi niya maiwasang sumagi sa isipan niya ang lalaking para sa kanya matagal nang patay.
“patawarin mo ako kristine sa panluluko ko saiyo. hindi pala talaga kita minahal kalimutan mo na ako at wag nang guguluhin.
nanginginig sa matinding galit ang dalaga nang maalala ang ipinabigay na sulat ni angelo sa bestfriend niya. walang kasing sakit iyon. simula noon wala na siyang balita sa lalaki kahit nang huli siyang umuwi nabalitaan nalamang niya mula sa kaibigang natuloy itong sumakay nang barko. wala siyang pakialam dito, mas maganda nga kung hindi na sila mag kikita kahit kaylan. hindi niya akalaing sa dalawang taon nilang relasyon magagawa pa siyang lukuhin nito.
“damn you angelo..!! bulong pa niya.
bakit ba pinag aaksayahan pa niya ito nang panahong isipin.
“mam nandito na po tayo. pukaw nang driver nang taxi. saglit naputol ang pag iisip niya. hindi niya namalayang nakarating na pala siya nang bahay.
“okey pakibaba nalang nang mga gamit ko.
dalawang bagahi lang ang dala niya at puro personal niyang gamit iyon. hindi na siya nag abala pang mamili nang pasalubong dahil every year siyang nag pa package.
matapos maipasok sa gate ang dalang bagahi ay nakangiting pinagmasdan ang napakagandang bahay na kanyang pinagawa. siya ang nag dusinyo nito. ibinuhos niya duon ang bawat sintemong kinikita niya sa ibang bansa. simple lang naman iyon. may dalawang kwarto para sa magulang at para sa kaya naman ang isa. dahil wala siyang kapatid. at isang guestroom. may isang sweeming pool dahil mahilig siyang mag sweeming. maliit na garahi dahil plano niyang bumili nang kotse at isang cute na terace na napaplibutan nang mga halaman.
matapos pag masdan ang na miss na bahay mabilis siyang pumasok sa loob. madilim ang buong paligid ngunit hindi na siya nag abala pang mag bukas nang ilaw. tuloy tuloy sa kwarto saka inihiga ang pagud na pagud niyang katawan. nakadama siya nang antok at hindi na nag abala pang mag bihis. ilang oras nalang naman ay umaga na. ipinikit na niya ang mga mata.
NAKATUWALYA lamang si angelo nang lumabas nang banyo.. kinapa niya ang lampshade upang buksan iyon. magbibihis na sana siya nang may mapansing nakahiga sa kama niya. buong akala niya namamalikta lamang siya. marahan siyang lumapit dito. tama nga ang hinala niya may gumagamit sa kama niya. isang napakagandang babae at walang iba kundi si kristine, ang babaeng kaylan man hindi nawala sa pusot isip niya sa mahabang panahon. pinagsawa niya ang mga matang titigan ito. walang nagbago kay kristine maliban nalang na lalo itong gumanda. tama siya sa pag aakalang ang bahay na iyon ang muling mag uugnay sa kanilang dalawa. hindi siya nagkamaling bilhin iyon. walang ka hirap hirap nasa harapan niya ito ngayon.
bumaba ang mga titig niya sa labi nito na kay sarap halikan. kilan niya ba huling naangkin ang mga labing iyon. napakatagal na.. at wala siya ibang gustong halikan kundi ito lang. kahit hindi niya pweding gawin iyon ngaun alam niyang balang araw mag kakaroon ito nang katuparan. marami na siyang pera ngayon at kaya niya nang paliguan ang matapobre nitong ama. at sa pagkakataong ito hindi na ito muling tototol pa.
“hiwalayan mo ang anak ko. naalala niya ang mabagsik nitong utos. walang iba kundi si mang arnaldo ang ama ni kristine.
“mahal ko po si tintin. halos mag lumuhod siya sa harapan nito.
“hah! kaylan man hindi siya mabubusog sa pagmamahal na sinasabi mo. saan mo ititira ang anak ko? sa barong barong na inuuwian mo na pinapadapa kapag may bagyo. anong ipapakain mo sa anak ko? isang pirasong tuyo na inutang kay aling maming. yan ba ang pagmamahal na sinasabi mo. pang mamaliit nito sa kanya sabay duro.
“ang sakit niyo namang magsalita. oo mahirap kami pero kaylan man wala kaming inaagrabyadong tao.
“masakit talaga ang katutuhanan angelo. kaya kung mahal mo ang anak ko hahayaan mo siyang matupad ang mga pangarap niya.
naikuyom niya ang mga kamao. nag iinit ang mga mata niya habang inaalipusta nito. napakasama nang ugali nito. wala naman itong ginawa kundi mag sugal.
“pag isipan mo ang sinabi ko bata. ayaw kung balang araw umuwing luhaan ang anak ko at nagsising ikaw ang pinili niya. mag sikap ka pakasalan mo ang anak ko pag marami ka nang pera. pagkasabi nito ay iniwan siya. halos magdamag niyang pinag isipan ang bagay na yun bago siya nakapag bitaw nang masakit na disisyon. iyon ang makakabuti para sa lahat ang hiwalayan si kristine. at ipaparamdam niya ngayon sa ama nito na nagbalik siya at iyon ang tamang panahon para sa kanilang dalawa nang babae.
MARAHANG idinilat ni kristine ang kanyang mga mata. pakiramdam niya may dalawang paris nang matang nakatitig sa kanya. at hindi siya Makapaniwalang may lalaking naka titig sa kanya. isang lalaking walang suot pang itaas at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi nito. halatang kagagaling lamang nito sa banyo dahil nasa pa ang buhok at matipuno nitong katawan. marahil nasa banyo ito kanina kaya hindi niya napansin nang pumasok siya. nakadama siya nang kakaibang kaba dahil parang pamilyar ito sa kanya.
“anong ginagawa mo dito sa kwarto ko.sigaw niya matapos mabilis na tumayo.
dumadagong dong ang bosis niya sa loob.
“excuse me.. kwarto ko to!! ikaw ang dapat kung tanongin bat ka nandito.
napahumindig si kristine sa narinig bukod dun pamilyar sa kanya ang boses nito. kaylan man hindi siya maaring magkamali iisa lang ang kilala niyang may baretonong bosis. mabilis niyang binuksan ang ilaw upang makasiguro. at shock siya nang makilala ito. magkahalong emosyon ang nararamdaman niya habang nakatitig dito. sinalubong naman iyon nang lalaki. nanumbalik sa isip niya ang masasaya nilang alaala habang magkasama. nanginginig ang katawan niya sa di mawaring pakiramdam. parang hihimatayin siya sa mga sandaling iyon.
“angelo… marahan niyang bulong. nag init ang gilid nang mga mata niya.
“kristine i need to explain..
“explain what..? would you please get out of this room, i dont know what you are doing here. sigaw niya sa galit na boses.
“im sorry kristine pero kilangan mong tawagan si tita velle.
hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
“bahay ko na to ngayon kristine at si tita velle ang magpapatunay.
nag unahan ang luha sa pisnge niya, nanginginig ang kamay na kinapa ang cellphone sa bag. hindi alam kung pano tatanggapin ang bagay na yun sakaliman totoo iyon.
mabilis siyang lumabas sa kwartong iyon dahil hindi niya matagalan si angelo makita sa ganong ayos nito. mabilis na denail ang cellphone number ng ina.
“hello ma si kristine to. na ninikip ang dibdib niya habang kausap ito.
“kristine anak. larawan nang pagkagulat ang boses nito.
“ma totoo ba ang sinasabi nang lalaking to? tanong niya.
“anak umuwi ka muna dito ko na sasabihin saiyo ang lahat.
“umuwi saan? nandito ako sa loob nang bahay natin. pasigaw niyang sabi.
“anak tama si angelo. siya na ang may ari nang bahay na iyan.
“but how? muling sigaw niya. sa halip na sumagot ang ina ay napahikbi ito. nakonsinsya naman siya sa ginawang paninigaw sa ina.
“okey ma.. give the exact adress.
sapo ang nuong bumaba nang hagdan.
“kristine……
narinig niyang tawag ni angelo. hindi siya nag abalang lingunin ito. hindi niya alam kung bakit napunta sa lalaking kinamumuhian ang bahay na naipundar niya. may pakiramdam siyang sinadya iyon nang lalaki. anuman ang dahilan nito wala siyang pakialam.
“dito kana mag palipas nang gabi. sabi pa nito. nagawa pa siya nitong pigilan sa braso.
nagpupuyos ang damdamin niyang hinarap ito.
“masaya kaba talaga pag nakakasakit nang ibang tao.? galit na galit niyang tanong.
“hindi ko alam ang tinutukoy mo. nagmamalasakit lang ako.
“really? you dont know what i am talking about? so you dont even know what you’ve done to me 10 years ago. nanginginig ang boses niya.
narinig niya itong bumuntong hininga.
“alam mo kristine hindi ito ang tamang panahon para pag usapan yan. kailangan mong magpahinga.
“well thank you for your concerned mr. divera but please get out of my life for heaven sake. pagkasabi nito mabilis na hakbang ang ginawa niya palabas nang pintuan. isa isang binuhat ang bagahi palabas nang bahay at nag antay nang taxi. pilit kinakalma ang sarili dahil hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa nangyayari. at iisa lang ang sigurado niya babawiin niya kay angelo ang bahay na yun sa kahit na anumang paraan.
DALAWANG oras na ang nakalipas simula nang makaalis si kristine. pero gising na gising parin ang diwa ni angelo. naiintindihan niya kung bakit galit na galit sa kanya ang dating kasintahan. dahil simula nang padalhan ito nang sulat hindi na ito nag pakita pa sa kanya. pero lingid sa babae kung gaano iyon kasakit sa para sa kanya. nangako siya sa sariling magsisikap siya at babalikan ang ama nitong mukhang pera. bibilhin niya si kristine sa matapobre nitong ama. at nagsisimula palang siya.
“anu bang balak mo sa bahay na iyon at gusto mong bilhin. tanong nang pinsang si edwen
. napansin nitong nakipag deal siya kay mr. chao na unang pinag bilhan ni mang arnaldo sa bahay.
“alam kung iyon ang mag uugnay samin muli ni kristine. tugon niya.
“ang labo mo talaga insan. nakipag hiwalay ka sa kanya nang walang dahilan pagkatapos hahabulin mo. paninirmon nito sa kanya.
noong maghiwalay silang dalawa ni kristine alam niyang kay edwen ito lumalapit at nagtatanong tungkol sa kanya. alam nang lalaki kung gaano siya kamahal ni kristine kaya maging ito ay nag hinanakit sa kanya. very close ang dalawa kung baga ito ang naging tulay para maging sila ni kristine. mag kaklase silang tatlo simula noong third year high school sila. kung hindi ngalang bading ang pinsan ay mapag kakamalan itong magkasintahan sa sobrang close. at si edwen din ang pinabigay niya nang sulat na nakikipag hiwalay na siya dito....