MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 2


Bigla namang dumating ang nagsundo sakin kanina. So, yun pala ang gusto nyang sabihin kanina…kaya pala ma’am ang tawag nya sakin. Pero bakit?! Ordinaryong tao lang din naman ako…parehas naman kaming kumakain ,ah… pero bakit?!.
“Ma’am Kate, tara na po…punta na po tayo sa magiging kwarto nyo.” Sabi nito sakin at kinuha na ang dala kong gamit.
“Kate na lang po …saka ano pong pangalan nyo?!”.
” Sabi po kasi ni Madam Leanne, magiging asawa ka na po ni young master kaya, ma’am daw po ang dapat itawag sa inyo. Ako nga po pala si Bert, driver po ni Madam Leanne. Tawagin nyo na lang po akong Kuya Bert.”
” ok lang naman po akong tawagin na Kate lang…parehas lang naman po tayong nagtatrabaho eh. Saka po hindi po ako sanay na tinatawag na ma’am kasi po hindi nyo naman po ako teacher, chos!”.
” Parehas po talaga kayo ni ma’am Ellise ng ugali, sigurado po akong magiging madali lang po ang trabaho nyo.”
“Po?!”. ‘Di ko gets yung sinabi ni Kuya Bert…anong ibig nyang sabihin.
“Basta po ma’- este Kate , malalaman mo rin yun soon.” Tanging sagot ni Kuya Bert sa akin at pumunta na kami sa taas para maayos ko na ang gamit ko sa magiging kwarto ko.
Axel’s POV
” What is your problem,mom?!. Bakit yung baliw na babae pa ang napili mo ….baka mabaliw na ako araw-araw..’pag yun pa ang kasama ko.”
” I know you,son !.. siguradong hindi ka magbabago pag ang babaeng kinuha ko ay pang ordinaryo lang mag-isip. Sa lahat ng babae, kakaiba si Kate”.
“Mom, your plan would be failed again…you know, ‘pag dating sa ganito….hindi ka nanalo”.
“You’re very wrong, son.. I will make sure na mananalo ako sayo ngayon. So, goodluck, son!”.Ngiting tugon ni mom at umalis na.
What the hell!. I’m sure na hindi sya magpapatalo. Dahil kahit ako mismo, nakikita ko na iba sa lahat ng babaeng dinala ni ma’am dito sa bahay para lang bumalik yung dating AKO. Bakit ba kasi ako nagbago. I know, kung minsan galaw mahinhin ako. Daig ko pa ang tunay na babae kung gumalaw at magsalita. Pero hindi ako magpapatalo,kaya ko namang magbago….ng walang tulong ng mga babaeng sasaktan ka lang. Bakit nga ba ako nagbago ?! Dahil lang naman sa babae kaya ako ganito. In an istant, nagbago ako …halos ang galaw ko katulad ng sa babae para magawa ko kung paano manakit ng puso ng mga lalaki….at ayun, natuluyan ako.. I’m gay. Natuluyan ako sa ginawa ko. Na-aattract pa rin naman ako sa babae, dahil half of my heart…pusong lalaki.. sinusubukan ko naman ngayon ang manakit ng babae …puso lang naman para maranasan nila yun at gagawin ko yun kay Kate. Pang 25 na sya na dinala ni mom at pang 25 na rin sya sa ikakasal sakin. Han*p,dba!. Kaya ang gagawin ko ng lang ay magpanggap na tunay na lalaki na ako para matapos na ‘to.
Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos nun, maglalagay ako ng kunting foundation at lip tint. Yan , ang naging daily routine ko simula ng maging bakla ako. Naging habit ko na ang bumili ng make up. Pero hindi naman ako nagsusuot ng pangbabaeng damit…kasi 50-50 lang ako. Pagkarating ko sa kwarto, agad akong kumuha ng damit at dumiretso na sa banyo.
Kate’s POV
Kasalukuyan akong nag – aayos ng gamit ko…dahil umalis na rin si Kuya Bert. Habang nilalagay ko sa closet ang gamit ko..may nakita akong litrato ng isang lalaki.. ay si Axel pala ‘to…halatang lalaki sya dito,ah !.. Saka ang ganda ng ngiti nya parang wala nang bukas. May kasama syang babae dito . Maganda, maputi , matangkad at mukhang mayaman rin.
“Si young master at si Ellise yan.” Agad akong napatingin sa gawing likuran ko kung saan nanggaling ang boses na yun, at nakita ako ng may edad na babae pero hindi naman sya matanda….may edad lang.
“Pasensya na ,hija!. Hindi na ako kumatok kasi pinapatawag ka ni Madam Leanne dahil gusto nya na sumabay ka sa kanilang kumain.”
“Ok lang po …. ako nga po pala si Kate!.”
“Ako naman si Nena, tawagin mo na lang ako ng ‘Nanay Nena’.”
“Ok po”. Akmang aalis na sana sya ng bigla akong nagsalita.
“Nay Nena ..sino nga po ulit yung babae na ‘to.” Habang turo -turo ko pa ang babaeng nasa litrato
Agad...


naman syang lumingon at ngumiti ng bahagya.
“Sya si Ellise…girlfriend ni Axel”. Sagot ni Nanay Nena. Pero paano nangyari yun..bakla si Axel, dba!
“Po?!”.
“Panahong hindi pa nagbabago si young master..ang totoo nyan..mahal na mahal ni young master si Ellise kaso nawala syang parang bula at nabalitaan na may boyfriend sa ibang bansa, at next year ….ikakasal na ..kaya hindi pa sya nagmomove -on.”
“Ibig sabihin po …lalaki po talaga sya noon …ibig sabihin nagbago lang talaga sya.” Marahang tumango si Nanay Nena.
“Medyo naiinis sayo si young master kasi parehas kayo ni Ellise.”
“Kaya nga po,eh! Pero iba kami..maganda sya ako mukhang ewan lang…mayaman sya ako mahirap…kung tutuusin ba mapagkamalan pa akong gold digger kasi ikakasal kami ni Axel”.
Malungkot kong tugon kay Nanay Nena.
“I know hija!. Maganda ka rin …parehas lang talaga kayo ng ugali ni Ellise..mabait din yun at mahal na mahal si Axel….kaya hindi ko alam kung ano ang naging problema nila.”
“Ganun po ba?! Sa tingin nyo po, kaya kong gawing lalaki si Axel, feeling ko po….pusong bato yung tao na yun ….saka magagalitin. Sana nga magawa ko yun”.
“Basta hija!. Huwag mong hayaan ang sarili mo na mahulog sa kanya.”
“Bakit po?!”. Tanong ko kay Nanay Nena kasi ‘di ko na naman maintindihan.
“Ibig kong sabihin, hija! Huwag kang magtatangkang umibig sa kanya dahil hindi sya nangsasalo…siguro hindi pa sya makamove -on dahil hanggang ngayon kasi umaasa pa sya kay Ellise.”
“Ok po !”. Matipid kong sagot kay Nanay Nena at bumaba na kaming dalawa papuntang dining area.
Naabutan namin ni Nanay Nena sila ma’am Leanne at Axel. Agad akong napatingin kay Axel, iba din mga bes! Nakalip -tint sya at mukhang nagfoundation pa. Tiningnan nya lang ako at inirapan saka nya tinuon ang atensyon nya sa pagkain. Iba talaga, ang sungit !.
“Kate, sumabay ka na samin kumain…tutal hindi ka na iba samin dahil ikakasal ka na kay Axel next week.” Agad naman akong sumunod at umupo ako sa harap ni Axel. Sumabay na ako sa kanila ….habang nasa kalagitnaan na ako ng kain ay biglang nagsalita si Ma’am Leanne.
“By the way Kate, next -next week …bale after the wedding ay papasok na kayo. Siguro naman parehas na kayong college,dba ?!”.
“Pag aaralin nyo po ba ako?!”. Wala sa huwisyo kong tanong kay Ma’am Leanne.
“Yes.” Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ma’am Leanne. Dahil sa tuwa, nahawakan ko ang kanyang kamay at nagpasalamat. Bahagya naman syang natawa sa ginawa ko.
“Pasensya po..natuwa lang po talaga ako Ma’am Leanne….”
“Nah, It’s okay Kate…
.and by the way call me Tita Leanne.”
“Ok po ma’- este T-tita Leanne…thank you po ulit 馃槉.”
“Ahm,son!.. kailangan nyo ng pumunta sa mall para bumili ng gamit and also magpatahi ng uniform,okay?”.baling ni Tita Leanne kay Axel.
Tinanguan lang sya nito at tinuloy na ang pag ubos sa pagkain.
Natapos na ang pagkain namin kaya nagpaalam ako kay Tita Leanne na maliligo lang ako para makapunta na kami sa mall.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ko..dahil may cr naman dun. Mabilis naman akong natapos at nakasuot ako ng simpleng t-shirt na white na pinartneran ng pantalon at naka rubber shoes ako..nagsuklay na agad ako at naglagay ng pulbo at pabango ..then tapos na ako.
Agad akong bumaba, nang makita na ako ni Axel ay lumabas na sya kaya sinundan ko na sya. Pagdating namin sa parking lot nila , nakapasok na sya sa loob . Balak ko sanang umupo sa likod pero hindi ako marunong magbukas…nakita naman yun ni Axel at bumaba sya.
“Tss, woman I’m not your driver ,your better to sat in the passenger seat. Lakas naman ng gana mong magbukas, hindi ka naman pala marunong”.
Pagkasabi nya nun, ay agad nyang binuksan ang pinto sa harap at dun ako pinapasok. Nice, gentlegay!!.. Pagkapasok ko ay sya ring pagpasok nya at nilagay nya ang seatbelt..sus,pinanood ko lang sya …kasi hindi ko naman alam kung paano eh!. Nang matapos sya ay napabuntong – hininga na lang ako at tiningnan ang seatbelt na nasa gilid. Nang nakatitig ako dun sa seatbelt …may nakita akong kamay na kinuha iyon at inayos…
————————
Author’s Note:Ililike kona lng comment nyo para malaman nyo po na may ud para di kayo mahirapan hanapin ang story ko thankyouu sa support heheheh馃ズ鉂も潳






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nice story excited po ako sa nxt chapter

Leave a Reply


top