Mula ng sumama ako kay Cassy ay lagi na ako nitong isinasama sa mga gatherings nila mapapamilya man o sa mga kaibigan,at syempre dahil friendly ako naging kaibigan ko na rin sila.
Buti na lang at may tiwala na rin si Tita sa mga naging kaibigan ko.
At nalaman ko rin na sila Sab pala ang kapitbahay nina Tita Pia dito sa subdivision.
Kapag pupunta si Cassy sa bahay nina Sab ay dinadaanan nya muna ako sa bahay bago sya tumuloy dito kina Sab.Hindi na rin kasi ako pinapapasok ni Tita sa shop,dahil mag aral daw muna ako bago magtrabaho.
Nakakahiya man ay sinusunod ko ang kagustuhan nya.
Buti na lang at kapag nandito ako sa kabilang bahay ay wala dito ang masungit na kinakaasar*n ko.
Ilang beses na rin kasi akong nagagawi rito lalo na kapag wala kaming pasok sa school.Kagaya ngayong araw.
Sina Kuya Lance, Kuya Xander at Kuya Anton lang ang madalas ang nandito.Kuya na din ang tawag ko sa kanila syempre,dahil kuya sila ng mga kaibigan ko.
Kaya ng minsang andito kami sa bahay nila ay bigla ko na lang naitanong.
“Bakit hindi kumpleto ang banda nila ngayon?”tanong ko kay Sab.
“Sa basketball yan lang talagang tatlo ang mahilig maglaro yung dalawa online games hilig nun.”
Biglang sumagot din si Cassy sa usapan namin.
“Oy me hinahanap sya,siguro si Mr.single ang hinahanap nya.”
“Hindi ah,baka ikaw namiss mo sya.”
“Hahaha…hala! at namiss pa.Eew! ako?nevermind wala akong gusto dun.”
Lakas talaga mang asar ng isang to,sa isip ko.
“Hindi nga Beb,bakit mo sya hinahanap?”
“Curious lang kasi ako,di ba nagbabanda sila dapat kumpleto sila.” palusot kong sagot sa kanila.
“Hindi naman sila active sa band,nung college days nila oo pero ngayon kapag me
okasyon na lang ang tropa tsaka sila tutugtog.”
“Oo nga gaya nung birthday ni Celine,pero ang totoo nyan seryuso yan sa mga trabaho nila.”
“Oo...


nga Beb gaya ni Kuya,nag iipon yan para sa magiging pamilya nila ni Sab.”
“Wow pamilya agad hindi pa nga tayo tapos mag aral.”
“Doon na rin papunta yun,kita mo nga halos di na kayo mapaghiwalay ni kuya.
Ang hindi namin alam ay tinawagan pala nina Kuya si Markus,kaya bigla na lang itong dumating ng oras na yun.
Kaya bigla na lang lumakas ang kabog ng aking dibd*b.Ewan ko ba kapag nakikita ko ang lalaking to ay di ako mapakali.Gusto ko na sanang umuwi dahil masyado akong apektado sa presensya nya.
Pero hindi pwede baka mas lalo lang akong tuksuhin ng dalawang to.
Baka makahalata pa sila.Kaso hindi talaga ako makatingin sa kanya ng diretso.
“Himala Mark napadalaw ka dito,kala ko ba di ka sporty na tao para makipaglaro ng basketball.” biro sa kanya ni Sab.
“Akala mo lang yun Sab.”
Andito kasi kami sa patio sa garden kaya kami kaagad ang madadaanan bago makarating dun sa mini court nina Kuya Xander.
“Andun sila Kuya sa likod,puntahan mo na sila dun.”
Hindi pa din kasi umaalis sa tapat namin si Markus.Habang kami naman ay kumakain ng lasagna.Gawa daw ito ni Sab kaya pinapatikim sa amin.
“Wow di man lang kayo magyaya dyan sa kinakain nyo?”
“Sorry,my fault.Tara kain ka.Wait lang mga Beb tatawagin ko lang sila para makapagmeryenda na rin.”
At tumayo na nga si Sab para tawagin ang mga boys.
Maya maya ay dumating na sila.
“Woah Bro’ andito ka na pala.”
“Kakadating ko lang mga Bro’.Nakita ko silang nagmeryenda kaya makikikain na lang ako kesa makipaglaro dun sainyo.”
“Sure ka na meryenda lang ang nakita mo?” Biro ni Kuya Lance.
“Oo nga Kuya,baka itong friend namin ang sadya nya.hahaha…”
Halos mabilaukan ako sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Cassy.Kahit kelan talaga malok* ang magkapatid na ito.
Hindi ako makaride on sa biruan nila kaya tahimik lang akong kumakain.






Share On Whatsapp

Leave a Reply


top