Author: Ren Salazar
Kahit na anong paglilihim ni Schiyev sa kanyang kaibigan na si Rhea,hindi pa rin niya matiis ito. Kailangan niya pa ring may mahihingaan mula sa sitwasyong pinasukan. Hihingi ng payo kung ano ang dapat niyang gawin.
” Rheang….paano to?” Malungkot niyang saad. Kausap niya ngayon ang kaibigan sa telepono. ” Hindi na yata ako makakaalis sa kinakaharap ko ngayon.”
” Sa laki ba naman ng perang binigay sayo at nagamit na? Paano ka pa kaya makakalabas sa problemang yan?”
” Kung sana nag isip muna ako bago sumang ayon.” Tila pagsisi niyang turan.
” Sa totoo lang,Aning. Hindi naman problema ang tingin ko sa kalagayan mo ngayon. Kasi,malaki ang naitulong ng perang binigay sayo para kay nanay mo. Tingnan mo,hindi na nagtatrabaho ngayon si nanay. Nakakapahinga na siya. Aning matanda na si nanay mo. Kaya kung ano man ang nararanasan mo ngayon, hayaan mo na lang at tanggapin na ikakasal ka na talaga sa isang bakla. Hahhaa..”
” Rheang naman eh. Pinagtatawanan mo pa ako.”
” Uy! Teka lang ha. Kung iisipin,Challenge yan para sayo. ”
” Anong challenge ka diyan?” Taka niya.
” I challenge mo kaya sarili mo para ma enjoy ka habang nasa poder ka niya.”
” Ano? Seryoso?”
” Oo. Try mo kayang gawing straight ang beking yan. Sa simple mong kagandahan,alam kong mahuhulog yan.”
” Hayytss…malaking kalokohan yan,Rheang..”
” Posible naman yon diba? Lalaki pa rin yan. ”
” Sabihin mo nga…paano ko gawing totoong lalaki ang beking iyon? Eh,ilang taon nang namumuhay na bakla yon.”
” malay natin..hahha.”
” Alam mo,ang laki ng naitulong mo. Pinalaki mo pa probelam ko. Hindi ako marunong mang akit ng lalaki kung yan ang pinupunto mo. ”
” Alam ko. Good girl ka nga eh. Pero..subukan mo kaya.” Maya mayay sumeryoso na si Rhea.” Wala namang masama kung mahulog man siya sayo o di kaya maging makatotohanan ang pagsasama nyo. Hindi naman fake na kasal ang magaganap sa pagitan ninyo diba ? ”
Natigilan si Schiyev. Nasa school siya ngayon at may libreng oras kaya tinawagan si Rhea.
” Aning…nandiyan ka pa ba?”
” Oo. Nag iisip lang.”
” So ,ano? ”
” Mm…ewan. Huwag mo munang sabihin kay nanay ha. Ako na ang bahala. Sasabihin ko rin kapag kasal na kami ni Bekket.”
” Sige. Basta,kung kailangan mo ng kausap..nandito lang ako. Syempre,iba pa rin kapag kabaro mo ang iyong hihingaan mo ng problema. ”
” Alam ko yon. Salamat at naiintindihan mo ko.”
Nasa kalagitnaan siya ng pag uusap nang biglang narinig niya ang isang babaeng estudyante. Tumitili habang tila naiihi.
Maya maya ay may isa pang babaeng estudyante na ganoon din ang kinikilos. Nakaharap pa ito sa kanya.
” Ha? Anong nangyayari sa mga iyon? Parang zombie lang ang dating. Nanginginig na hindi mawari kung ano ang gagawin. At parang nagdidiliryo…” Bulong niya.
Binalikan niya si Rhea sa telepono at mabilis na nagpaalam.
” Aahh!!!!” Sabay sabay na tili ng mga ito.
Sinundan ng tingin ni Schiyev ang isang estudyante upang malaman ang dahilan ng mga hindi maipaliwanag na pagtitili nito. Lumagpas ito sa kinaroroonan niya at yon. Doon niya nalaman ang dahilan.
Hindi lang pala iilang babae ang ganitong kilos kundi meron pang iba.
” Haayss..kaya pala. Ganoon ba talaga ang epekto ng beking ito sa ibang babae? ” Aniya na ang mga mata ay naningkit. Nakayakap sa binder niya at nakakabit pa ang isang bagpack sa balikat.
Nakita niyang nagpapapicture pa ang iba kay Bekket. Sino ba namang hindi hahanga sa isang katulad niyang makinis ang kutis. Naka sandong kulay cream at nakasalamin ng kulay puti. Hindi ito nakadamit pang opisina ngayon. Ang...


sexy ng dating ni Bekket sa porma niyang iyon.
” At dito pa talaga nagkalat?” Patuloy na saad ng dalaga. ” Tsk. Kung alam lang ng mga babaeng iyan na bakla ang pinagkakaguluhan nila.”
Sa halip na puntahan si Bekket na nakasandal sa fave car nito,mas pinili ni Schiyev na talikuran at magpatuloy sa next class niya.
Si Bekket naman ay humabol sa papalayong dalaga nang makita ito.
” Hey! Wait!” Pigil niya.
Pero hindi siya pinansin nito at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Pero tumigil rin saglit.
” Ano bang problema non?” Sabi niya sa kanyang sarili.
Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Schiyev. Ayaw niya kasing harapin ito lalo nat maraming babae ang nagkakandarapa rito na patuloy pa rin sa pagsunod.
Malapit na si Schiyev sa pintuan ng next class niya nang may sumalubong sa kanyang kaklase na lalaki.
” Nagawa mo na ba yong assignment natin?” Tanong nito na nakangiti pa sa kanya.
” Oo. Tapos na’ko. Ikaw?” Ngumiti rin si Schiyev sa lalaki.
” Tapos na rin. Halika sabay na tayong pumasok sa room.” Yaya nito.
” Mm..sige.” wala namang masama kung pagbigyan niya itong kaklase niya.
Mabilis na lumapit si Bekket sa dalawa. Pinisil ang pisngi ni Schiyev sa harap mismo ng lalaking kausap.
” Arayy…..” Daing ni Schiyev at napalingon sa pumisil ng pisngi niya. Sabay salubong ng magkabilang kilay.
” Sorry ha. Kailangan kasi kitang makausap. ” Ani Bekket na nanatili pa rin sa pisngi ni Schiyev ang kamay. At pagkatapos inakbayan. ” Pre..kakausapin ko lang Yeobo ko. ” Kunway pagpapaalam nito.
Inaakbayan pa rin ni Bekket si Schiyev papuntang kotse nito. Pinagtitinginan lang sila ng mga tao at iba naman ay nanghinayang sa kanilang nakitang ka sweetan ni Bekket kay Schiyev.
” Ano ba? ” Waksi nito sa bakla. ” Wala lolo mo kaya tigilan mo yang kaka akbay mo sakin ha. ”
” Sche…che..ayy ano ba yang name mo. Nakakahilong banggitin. Yoebo! Mas ok yon. Yoebo….” Lumapit ito kay Schiyev. ” Kahit hindi nakatingin si Lolo,kailangan pa rin nating magmukhang magkarelasyon sa ibang mga mata ng tao. Alam mo na..kilala ako kahit saan man ako magpunta.”
” Oy! Hindi ka kilala ng mga estudyante rito.” Sabi niya.
” Nagkakamali kwa. Alam mo bang nagdonate ako ng malaking halaga sa school nato? Nakita mo yung isang building don?” Sabay turo niya.” Ako ang nagpagawa non.”
” Pfft! ”
” O,bakit?”
” Kaya pala kulay penk! Baklang bakla ang dating hahahaha! Ikaw pala ang nagpagawa.” Tawa ni Schiyev.
” Asul paborito ko nwo.” Pagtatama nito. ” Anyways..susunduin kita pagkatapos ng klase mo, pipili tayo ng gown mo. ”
” Gown ko? Baka naman gown mo?hahhaha”
” Kung pwede lang..why not. Kaso ikaw ang bride eh.”
Natahimik si Schiyev. Wala na talaga siyang kawala.
” Sige na. Bumalik ka na sa klase mo at maghihintay ako. Last subject mo na diba?”
” Mmm…” Pilit nyang tugon dito.
Hinawakan ni Bekket ang kanyang ulo at inaayos ang kanyang buhok.
” Yan..ganyan.Hindi ka ba nagsuklay ng buhok,girl. Parang dinaanan ng bagyo tong hair mo ah..” patuloy lang ito sa pagayos ng buhok niya. ” Hayan..sige na. ” Sabay biglang halik sa kanyang noo.
Pinukulan naman siya ng nanlilisik na tingin ni Schiyev.
“Whats with that looks,girl? I need to kiss you. Maraming nakatingin sa tin.” Dahilan nito na siya namang totoo. Madaming pa ring mga mata ang nakatingin sa kanila.
Umalis na si Schiyev at naiwan siya sa kotse. Sumandal na muli at kumaway pa sa dalaga.
” Haays….she’s so cute. Pero mas cute akwo.” Pagkatapos pumasok ng kotse at mahihintay hanggang sa matapos ang klase ni Schiyev.






Share On Whatsapp

Leave a Reply


top