Author: Ren Salazar
Unang araw ng pagiging totoong magkarelasyon nina Schiyev at Zuriel. Balik Zuriel na ang pangalan niya dahil inamin na niya kay Schiyev na iisa lang ang Bekket at Zuriel na katauhan.
Kakaiba ang pakiramdam ni Schiyev sa unang araw na ito dahil sa masaya niyang nakakasama ang kanyang minamahal ng walang halong pagkukunwari.
” Zu….”
” Hmm?”
Nasa kusina silang dalawa ngayon at kasalukuyang nagluluto para sa tanghalian. Si Zu ang naghihiwa ng mga sangkap habang si Schiyev naman ay ang naghuhugas ng kalderong gagamitin para sa pagluluto.
” Gusto mo hulaan kita?”
” Hula?” Binalingan niya si Schiyev na nasa kanyang tabi. At tinititigan siya. ” Marunong ka ba non?”
” Oo naman. ” Kinindatan pa niya si Zu.
” Sige nga. Hulaan mo nga kung anong magiging kapalaran ko.”
” Akin na ang kamay mo.” Sabi niya.
Hininto ni Zu ang paghihiwa ng mga sangkap at binigyan ng atensyon ang asawa.
Inilahad ni Zu ang kanyang kamay sa harap ni Schiyev. Ipinatong naman ng huli ang kanyang kamay sa ibabaw ni Zu at hinawakan ng mahigpit. Saka sinabing…..
” Ako ang kapalaran mo.” Seryoso nitong saad kay Zu.
” Huh? Hahahahaa. Seryoso? Hula ba yang ginagawa mo? Eh gusto mo lang yata hawakan ang kamay ko.hahaha”
” Ayaw mong maniwala? Eh,kanino ka ba pagmamay ari ngayon?” Nakapameywang nitong turan kay Zu.
” Sayo syempre!”
” O,diba..ako ang kapalaran mo.”
” Huh? Hahahha. Oo na nga. Ikaw na.” Kinitlan niya ng halik sa noo si Schiyev.
” Ano ako? Lola? ” Reklamo pa niya.
Muli siyang hinalikan ni Zuriel pero sa labi na niya. Mapusok at medyo tumagal.
” Hay naku!! Ang aga aga,lumulusob yung mga langgam. Ano ba yan?. Su!!su!!”
Kapwa sila lumayo sa isat isa nang marinig ang kanilang ina na napadaan lang sa kanilang harapan. At nang mawala na,muling hinarap ang isat isa at nagtawanan.
Natapos ang kanilang pagluluto kahit na panay ang halik sa isat isa.Pagkatapos,magkasalong kinain ang kanilang nilutong ulam para sa pananghalian kasama ang nanay ni Schiyev.
Hapon na at kailangan nang ligpitin ni Schiyev ang kanilang mga nilabhan kaninang umaga. Siya ang kumukuha sa sampayan habang si Zu naman ay ang may hawak ng basket na paglalagyan.
” Na miss kong gawin ito.” Sabi ni Zu. ” Sa tuwing naglalaba si nanay noon ako yung nagliligpit ng mga sinampay.”
” Talaga? ”
” Oo. Pero hindi ko na natutulungan sa mga gawaing bahay si Nanay ngayon. Ako na lang yong tagabigay ng pera sa kanya para magbayad na lang ng labandera. Gaya ni nanay mo,matanda na rin si nanay ko.”
Tumigil saglit si Schiyev.
” Dalawin kaya natin yung nanay mo kapag makauwi tayo sa mansyon.”
” Pwede. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw sa kanya. Tapos,pakilala kita. ”
” Owwhh…ang sweet naman ng Yoebo ko. ” Pinisil pa ni Schiyev ang magkabilang pisngi ni Zuriel.
” Arayy….” Napadaing ito dahil napadiin yata ang pagpisil sa kanya.
” Naku…sorry. sorry.” Nilapitan niya si Zu saka hinalik halikan sa magkabilang pisngi.
” Naku..lumulusob na naman ang mga langgam.” Sigaw ng nanay ni Schiyev mula sa bintana pagkatapos umalis na.
Sabay na naman silang napatingin sa may gawi ng bintana saka binalingan na naman ang isat isa.
” Si nanay talaga. ”
” Wala bang lovelife yung nanay mo?”
” Ha? Ahahha…wala no. Saka matanda na siya sa mga ganoon.”
Kinagabihan…..
” Anong ginagawa mo?”
” Tinitingnan ang laman ng bag mo.” Sagot niya kay Zu habang abalang abala sa kakaungkat sa laman...