Munting Pangarap si Esang Kabanata 22


Kinabukasan ay medyo tumiLa na ang uLan. Pero malakas padin ang hampas ng aLon..
Kaya nagLakad ulit kme papunta ng bayan.. Habang naglalakad ay tahimik akong nakasunod kay Long..
Sa daan ay nakakita na kame ng mga hinog na bunga ng bayabas kaya habang nagLalakad ay namitas kme para may manguya nguya pagdating sa boarding house.
Pagkatapos naming manguha ng bayabas ay nagpatuloy na kame sa pagLalakad.. Napakaputik ng daan kaya bitbit namn ang aming tsinelas at nakapaa kameng naglakad sa putikan.
Nasa pito kameng nagLalakad. Habang nagLalakad ay di ko maiwasang di mapaisip ..
“Ano kayang mangyayari kapag nahuLi ako nina tito na nagbubuLakboL ako? ”
“tiyak kong magagalit sila sa akin .”
“baka madamay pa si Long kapag nagkabukingan na. ”
“Diyos ko! Sa ngayon lng po ako ulit tumawag sa inyo.. Sana po wag nyo po hahayaang malaman to niLa tito. Pangako po mag aaral na ko ng mabuti. ”
Mga mahinang usaL ko sa aking isipan habang patuLoy na nagLalakad sa putikan ang aking mga paa..
Sinabayan ko si Long sa pagLalakad. Gusto kong mag open sa kanya.. Alam kong matalino si Long kaya mapapayuhan nya ako.
“Long.. Sabay tayo. “,sigaw ko dto..
Agad din nman sya huminto at hinantay ako.
Sabay na kameng nagLakad ni Long..
“Ah Long?? Tawag ko dito. Agad din naman syang Lumingon sa akin at tila inantay ang aking sasabihin..
“Natatakot ako., “Maluhang pag amin ko dito..
Mejo nagpahuLi kame ng lakad sa ibang mga kasamahan namin.
“Oo dapat ka Lang matakot kse alam mo sa sarili mo ang mga pagkakamali mo. “,sabi nya
“Ano ng gagawin ko? ” tanong ko pa dto.
“manalangin ka na wag kang mahuLi nila tito at tita at siguraduhin mo na babawi ka na talaga ngayon.. “,sabi namn neto.. “sa ating magkakapatid ikaw pa nman ang paborito ni Tito “‘,
“Sana nga at pangako ko. Pagbubutihan ko na ngayon “, sabi ko dito. ” Kwentuhan mo nman ako ganu ba kahirap mangisda ? Sabi ko dito para lng may mapag usapan pa kame habang naglalakad..
“Nakakatakot. Sa totoo lng sa twing pumapalaot kame lalo na sa gabi at di ko na matanaw ang baryo natin at puro dagat nLang ang natatanaw ko ay di ko maiwasang makaramdam ng subrang takot at tanging pagkapit nLng sa Diyos ang ginagawa ko sa murang edad ko ate Esang ay gusto ko pang mabuhay ng matagaL.. Gusto ko pang mabuhay ngmatagal at makita ang ganda ng mundo saka maliban sa takot ay ang hirap..Hirap at...


talagang pinipiLit ng patpatin kong katawan na hilain ang subrang bigat na lambat khit sa totoo lng ay di ko kaya. Saka sa subrang lamig ng gabi ay parang ayaw ko ng bumangon di dahiL sa timatamad ako kundi dahiL sa isa lang akong bata na sana ay di ko pararanasan ang ganito .. kaya nga kahit ngayon lng gusto kong maramdaman kong malaya ako..na isa akong bata.. Pero di ko parin pinapabayaan ang pag aaral ko kse alam ko kung gano kahirap maghanap buhay”, mahaba at emosyonal na kwento neto..
Bakit ngayon lng nya ito ikwenento sa akin..? Siguro dahiL ngayon ko lng din ito naitanong sa kanya. .. Kung naitanong ko lng sana ito ng mas maaga.. Edi sana baka indi ko nagawa yung mga kasalanang pinagsisisihan ko ngayon..
Habang nagsasalita si Long ay tinitingnan ko sya …Si Long ba talaga to? May ganito palang side si Long..akala ko kse ay isa syang suwail na bata..kahit pala kapatid ko sya ay talagang di ko pa pala talaga sya lubos na kiLala ..
Sa tingin ko ay kailangan lang ni Long ng mapagkukwentuhan ng mga ganitong usapin..
Akala ko tapos na syang magsalita pero bigLa syang nagsalita..
” Nung nag aaraL ka nung nakaraang taon at ako ay sinasamahan si tito sa paghahanap buhay.. Sa totoo lng nakaramdam ako ng tampo nun sayo…kase deserve ko din namn mag araL db? Pero dahiL pinakita mo din nman sa akin at pinatunayan na may silbe ang pagsasakripisyo ko.. Naintindihan ko na at kinalimutan ko na ang tampo ko sayo ate Esang.. “,pagpapatuloy neto..
“Sorry hah?? at salamat hah sa sakripisyo mo para sa akin. “,sabi ko ditong maluha luha.
“wala yun.. Ate kita ee. Magkapatid tau.. Saka ngayon ko lng to sasabihin sayo.. Mahal kita ate Esang khit lagi kita inaasar. “,
NabigLa ako sa sinabi ni Long pero sa kaibuturan ng puso ko nakaramdam ako ng subrang saya..
Magsasalita pa sana ko kso may sumira na naman sa pag eemote ko..
“HOY PANGO..BAKIT PARANG NAIIYAK KA JAN. WAG KANG MAG ALALA MAKIKITA MO PA AKO . NGAYON LANG TAYO MAGHIHIWALAY KSE DITO ANG DAAN KO .”,si Moymoy
Andito na pala kame malapit sa boarding house namin ng di man lng nmin namamalayan.
Bago pa kame pumasok sa gate ng compound nang bording house namin ay nag’ngitian muna kame ni Long..
Mukhang matutulog ako ng may isang tinik na nabunot sa aking dibdib mamaya pagkatapos naming ayusin ang mga bitbit nming gamit..
ItutuLoy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top