πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝔼𝕃𝔼𝕍𝔼ℕ ✍︎


“GRABE talaga ang Rain na yon, ayaw ko na sakanya. Kay Mark kana lang.” naiinis na sabi ni Lara.
Napangiti nalang si Claire. Pinahiram muna siya ni Lara ng isa niyang bag at uniform. Nasa CR sila at nahirapan talaga siyang matanggal ang mantsa sa uniform niya.
Lumabas na sila ng CR pagkatapos. Naabutan niya si Mark na nag-aabang sa kanya sa labas ng Comfort Room. Agad siyang nilapitan nito pagkakita sakanya.
“Claire! Okay ka lang ba? Nabalitaan ko yung nangyari kanina.” nag-aalalang sabi ni Mark. Ngumiti nalang si Claire at inakbayan siya.
“May pangako ka sa akin, sabi mo ililibre mo ako.” pag-iwas niya sa topic. Napabuntong-hininga nalang si Mark at ginulo ang buhok nito.
“Sabihin mo kahit anong gusto mo, libre ko.” nakangiting sabi niya.
“Yan talaga ang gusto ko sayo, eh.”
“Haaay, nakalimutan niyo na talaga ako. Hellooo? May tao po dito. Di niyo ba ako nakikita?” sabi ni Lara.
Napatawa sila. “Sama ka ba samin, Lara?” tanong ni Mark.
“Ay! Wag na, may gagawin pa kasi ako. Kayo nalang muna magdate date. Sige, bye!”
Nagpunta sila sa mall. Naglaro sila ng arcade at kumain sa foodcourt, lahat yon si Mark ang gumastos.
“Mark, salamat ha?…..” sabi nila habang pabalik na sila ng school.
“Bakit ka nagpapasalamat?”
“Alam kong ginagawa mo to para pagaanin ang loob ko.” nakatungong sabi ni Claire habang kinakagat ang straw ng milk tea.
Natigilan si Claire ng inakbayan siya ni Mark at ginulo ang buhok.
“Sino nagsabi sayo na ginawa ko to para pagaanin ang loob mo? Ginagawa ko to kasi naboboring ako sa kakahintay ng next subject ko. Ilusyunada ka rin, eh.” natatawang sabi niya.
Hinampas naman niya si Mark. “Nakakainis ka.”
Natigilan silang pareho nang tumunog ang cellphone ni Claire. Napabuntong hininga siya kung sino ang tumatawag.
πš‚πš’πš› πš„πš•πšŠπš— πšŒπšŠπš•πš•πš’πš—πš…….
“Wag mo nang sagutin, magpahinga ka muna.” nag-aalalang sabi niya.
“Kapag hindi ko to sinagot matinding parusa ang kapalit.” huminga muna siya ng malalim bago sinagot.
🀳 H-Hello?
🀳 Hideout……
“Anong sabi niya?” tanong ni Mark.
“Pumunta daw ako sa hideout niyo.” sabi niya, at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
“Gusto mo samahan na kita papunta roon?” tanong ni Mark, at agad umiling si Claire.
“Wag na, baka madamay ka pa.”
“Hindi ako gagawan ng hindi maganda ni Rain, alam niyang pinsan ako ni Angenica. Kaya sasamahan na kita.” pagpupumilit ni Rain.
“Rain, kaya ko to, kakayanin ko to. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya. Magtiwala ka sa akin.”
“Okay, pero pag hindi mo na kaya tutulungan kita sa abot...


ng makakaya ko.”
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
HUMINGA muna ng malalim si Claire habang papasok sa impyernong lungga ni Rain.
Si Rain lang ang naabutan niyang prenteng nakaupo sa couch habang naninigarilyo.
πŸ’­ Hindi naman siguro niya ako papasuin ng kutsilyo diba? πŸ’­
Tumayo siya saka muling humithit ng sigarilyo saka nito inilagay sa ash tray.
πŸ’­ Bakit ang gwapo niyang manigarilyo? Grrrr. Bakit ko ba naiisip ang ganung bagay? Dapat magalit ako sa kanya, pinahirapan niya ako ng sobra. Samantalang siya, parang hindi man lang nakonsensiya.πŸ’­
“Let’s have a deal.”
Napatingin si Claire sakanya. “A-anong deal?” kinakabahang tanong niya.
“Titigilan na kita kapag nakipagbalikan sakin si Angenica. Hanggat hindi kami nagkakabalikan magtiis ka, kahit abutin pa ng ilang taon yon wala akong pakialam.” malamig na sabi ni Rain.
“P-Paano kung nakapagtapos na ako ng pag-aaral dito? Kahit nagtatrabaho na ako pahihirapan mo pa rin ako?”
“Of course not, malaya kana once na umalis kana sa school na to.”
Nakahinga nang maluwag si Claire.
“But mind you, your an accountancy student, and most probably, it will take you four to five years in studying here.”
πŸ’­ Oo nga noh. Bakit ko nakalimutan yon? πŸ’­
“Y-You mean, kapag hindi na talaga kayo magkabalikan ni Angenica, four to five years mu din ako ha-huntingin?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Claire.
“Exactly.”
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
RAIN’S POV 🌧️
“Mukhang wala ka na talagang pag-asa kay Angenica. Ang tagal mo na siyang sinusuyo, wala namang nangyayari.” sabi ni Alex.
“Actually, I think that’s not a problem my friend.” sabi naman ni Luke.
Maybe this is the most enjoyable year in my whole life. Simula nang pumasok sa Santiago University si Claire, wala akong ginawa kundi ang pahirapan siya at talagang nag-eenjoy ako.
She deserves it anyway.
But as the time goes by, I find her amusing, bubbly and easygoing. I never got bored talking to her, teasing her and being with her, I just dont admit it to her. Baka lumaki ang ulo niya. Hindi katulad kay Angenica, I love Angenica, I really do, but sometimes she really bores the hell out of me.
Many things happened, Angenica came back. Nagagalit ako kay Claire dahil ayaw makipagbalikan sakin ni Angenica. Dalawang linggo rin akong hindi nagpakita dahil marami akong inasikaso. Pero bumalik ako para pahirapan siya ulit.
Nakakainis kapag nakikita ko siya na kasama si Mark. Bakit siya nakangiti kay Mark? Bakit niya tinatawanan si Mark?
Dapat masaya ako sa tuwing pinapahirapan ko siya, dapat natutuwa ako. Pero hindi ko alam, nahihirapan din ako kapag nakikita siyang nahihirapan at alam kong hindi na normal ang nararamdaman kong ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top