His Lola’s last will Chapter 8


His Lola’s last will
Chapter 8
‘Ayokong magpakasal sa kanya mama! Hindi ko sya mahal!’
‘Wala akong pakialam kung di mo sya mahal, basta sundin mo ang pinag uutos ko, ngayon umayos ka jan at harapin ang magiging asawa mo!’
Dumako ang tingin ko ke mama at napangiwi. Kasalukuyan kaming nanonood ng tv sa sala at ewan ko ba sa dinami dami na pwedeng panoorin ganung klase pa ng eksena ang madadatnan ko.Parang nanadya.
‘Tsk! Kalokohan yan, eh kung ayaw mo eh tanggihan mo, daming ar*e..’ Napaubo ako ng di oras sa komentong iyon ni mama. Feeling ko kasi maliban sa teleserye ako yung pinatatamaan nya.
Pano ba namn kasi, mula ng makauwi ako galing sa hotel ni sir Federico, hindi na nawala sa isip ko ang nilalaman ng huling testamento ni lola Francesca. At sa loob ng ilang oras na kinat*nga ko sa harapan ng tv, hindi na natigil ang pagtatalo sa utak ko.
‘Both of you will be inheriting 2 million dollars each and some of the liquified assets from your grandmother’s previous companies worth of 20 million pesos, and the ancestral house na nagkakahalaga namn ng 15 million pesos na sya namng nakatakdang mamanahin ng iyong ina’
Tila naririnig ko pang pahayag ni sir Liam.
Para syang sirang plakang paulit ulit na umaalingawngaw sa tenga ko na kalaunay naging tila isang musikang ang sarap pakinggan.Nakakakiliti na nakakaexcite.
Dalawang Milyon .. at hindi lang sya peso, dollars sya! Sa sobrang excitement ko napaconvert pa ako sa peso ng di oras.
At nahindik ako sa nalaman, halos mapuno ng zero ang calculator ko!
Grabe.. nakakalula pala ang yaman ni lola Francesca.
At noon ko lang napagtanto na kung nagkataon pala daig ko pang nanalo sa lotto! O Em gi ..! Tapos lahat ng problema ng pamilya ko, at may sukli pa!
Yun nga lang..
‘-But in order to claim the said inheritance you need to comply to her one condition,-‘
‘Magpapakasal ka ke eduardo sa ayaw at sa gusto mo!’
‘No way!! Wala sa loob kong naibulalas sa harapan ng tv namin.
‘Hoy! Mitch! Para kang t*mang, ang ingay mo manood ka lang, gabing gabi na!’suway ni mama sakin.
‘So-sorry na carried away ako. Hehehe.. um matutulog na siguro ako..’ saka ko sinabayan ng tayo. Dapat nga sigurong matulog na ako, hindi na maganda ang nangyayari sakin, napaparanoid ako lalo sa pinapanood namin.
‘Um Mitch, pinapasabi ni tiya loring mo, hiring daw sa school nila baka gusto mong mag apply, ilalakad ka daw nya..’ sandali akong natigilan sa tapat kwarto ko at nilingon si mama.
‘Ganun ba , okay pupunta ko’ mabilis kong sagot ke mama at pagkatpos ay nagkulong na ako ng silid.
Okay na rin yun.Yun na lang ang pagka abalahan ko.
Mas gugustuhin ko na lang maging titser kesa madamay pa sa letseng testamentong iyon. Milyones nga ang halaga pero grabe naman ang kapalit. Kasal? Eh mag boyfriend nga di ko pa nararanasan tapos agad agad kasal?Tapos sa di ko pa kilalang tao!
Saka , mabuti kung patulan naman ako ni sir Federico, mukhang sa tipo nun hindi papasa ang katulad ko, tas napaka suplado pa, kung ngumiti man eh yung tipong nang aasar pa,
eh yummy naman.. Untag sakin ng pilyong bahagi ng utak ko.
yun lang.. marahas akong napailing sa naiisip.
pero kahit na, hindi parin kami pwede, masyado syang hard to reach,malamang mga de kalibre ang mga babae nun, eh ano ba ako, well alam kong maganda namn ako, kaso, caregiver lang na titser ang career ko , mahirap pa sa daga, bukod sa dala ko pa ang buong problema na pamilya ko.
Pero.. kung talagang wala na syang choice mapipilitan talaga syang magpakasal sakin.. hindi biro ang 2 million dollars na yun no? Not to mention yun iba pang milyones na kasama sa last will.. pano naga kaya kung ipagpilitan nyang magpakasal kami para lang makuha yung mana nya.. makakatanggi ba ako? Oh kakainin ko ang pride ko at sa bandang huli ay Papayag din ako..Ano bang gagawin ko?
Huh parang teleserye lang ah, abangan ang susunod na kabanta?
Hay naku!! Mababaliw ata ako sa kakaisip dito!
Inis na napadapa ako ng higaan at pinagkatitigan ang wall paper ng phone ko. Nandun kasi ang larawang kuha ko sa center kasama si lola nung nabubuhay pa sya kasama ang iba pang mga kasama ko sa trabaho.
Souvenir picture na ewan ko ba kung anong naisip ko at ginawa kong wallpaper ng phone ko.
Muli kong pinansin ang maamong mukha ni lola sa larawan.And I cant help but to blame her.
Kasalanan ni lola to eh, iba rin ang trip sa buhay.. ano ba kasi ang naiisip ni lola para gawin ang bagay na yun? Ano bang motibo nya at naisipan nyang ipagkasundo ang nag-iisang apo sa isang tulad ko? For what purpose para idamay ...


pa ako sa kalokohan nya eh hindi naman nila ako ka level? Naaburido nanaman ako.. Hay naku itulog ko na nga lang to baka sakali bukas mahanap ko ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko..
—::
‘Baka alam ng Lola mo na babaero ka , she did it on purpose, para matigil na ang pagiging womanizer mo! Hahahaha!’ Asar ni Gerald sa pinsan nyang si Federico while they’re doing video chat.
‘G*go ka ba?That’s impossible , Ni hindi ko nga nakasama ang matandang iyon, how would she knew it, ang sabihin mo talagang malaki ang galit nya samin kaya even until her very last breath gusto nya kaming pasakitan! D*mn that old lady!’
Asik ni Rico sabay lagok ng isang shot ng vodka .
‘So anong plano mo ngayon? Hindi biro ang perang mamanahin mo, tang *na , milyones! We can travel around the world at makaka pang babae with that chunck of money!’
‘Ano nga ba? D*mn it! Kaya nga ako tumawag sayo to seek some f*cking advice, tas tatanungin mo rin ako?’
‘Hahaha, calm down will you, madalin ang namn ang solusyon jan sa problema mo, eh di gawin mo ang gusto ng abuela mo, pakasalan mo ‘
‘Are you nuts! Alam mo namng dedicated bachelor ako, the last thing na pwede kong gawin ay maitali sa isang kasal, ni hindi nga ako nagtatagal sa isang relasyon , kasal pa? no way!never kong gagawin yan!’ Tiim bagang napasuntok pa sya ng counter top.
‘Wait hold on, hindi mo nakikita ang point ko eh, okay, marry her caregiver, once na nakuha nyu na yung mana then you can do a divorce, nakuha mo na ang mana mo single ka pa, na gets mo?’
‘G*go ka ba talaga? Bka nakakalimutan mong wala namng divorce dito sa pinas,it will take years bago mapawalang bisa ang kasal namin kung idadaan pa ng annulment ang kasal namin!’
‘Alam mo pare, akala ko matalino ka, eh napaka b*bo mo namn pala pagdating sa mga bagay nato, eh di dito kayo sa states mag pakasal! Dalhin mo sya dito, tapos ang problema mo, ‘
Natigilan si Federico on that point.
May punto nga namn si Gerald. And actually its not a bad idea. Meron nga namng divorce sa States bagay na hindi pwedeng gawin dito sa pinas.
‘O see, now you’re thinking.. sandali , ano bang itsura ng babaeng yan, because the way i look at you parang dehado ka masyado’
‘I already send you a while ago, di mo ba natanggap?’ Matabang na sagot ni Federico pagkatapos ay muling nag salin ng vodka sa kanyang shot glass.
‘Oh , wait ill check, um.. not bad, maganda sya , she looks like some of the korean actresses na pinapanood nila mama, hindi na masama, actually type ko sya.. may jowa ba to?’
‘Knock it off will you ,i dont know that girl, and im not even interested of knowing her, but i do like the idea of yours, cge i will do that, isa pa wala na rin akong choice, masyado nang mahaba ang isa pang linggo na ititigil ko dito, marami na akong trabahong nakapending,’
‘Nah! Forget about that will you, mas malaki ang mawawala sayo kung palalagpasin mo ang pagkakataong ito, remember your purpose kung bakit ka nanjan ngayon, di ba gusto mo pa ngang iregalo ang ancestral house sa mama mo?’
Hindi maiwasang mapatango si Federico sa tinuran ng pinsan.He’s right. It was his dream eversince na maibalik sa mama nya ang bahay na matagal na nitong pinapangarap. It was a mission na sa simulat simula palang ay pinlano na nyang gawin. Kaya naman nang malaman nyang buhay pa ang lola nya ay agad nya itong pinahanap at lumipad ng pilipinas para makausap sana ang matanda tungkol sa pagbili nya ng ancestral house nito.Actually may dala na syang pera, ready to negotiate na sana, hanggang sa bigla namng nam*tay ang matanda, thus giving him more chances na makuha ang bahay na hindi na kailangang magpakawala ng pera.Bukod pa sa mga bonus na mana na pwedeng makuha sa matanda. Jackpot na kung tutuusin.Madali na sana eh. But to his dismay, he never thought na sa gantong paraan pala nya ito makukuha.
‘O ano na? kailan ang balik mo dito, aba dalian mo na, kating kati na rin ako sa magiging balato ko hehehe’ susog pa ng pinsan nya.
‘Shut the f*ck up, i need to plan first, kailangang makausap ko pa ang babaeng iyon, we need to make a deal out of this, mahirap na baka ma double cross pa ako, and once na okay na kami babalik na ako jan, hopefully kasama sya, para ayusin ang .. um.. kasal, ‘
‘Okay good, so see you soon , hehehe, and good luck to your wedding, i cant wait to see that! hahaha,’
makahulugang saad ni Gerald sabay hagalpak ng tawa.
‘G*go!’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top